Thursday, August 21, 2014

Nora Aunor bilang "Tunay na Alagad ng Sining ng Mamamayan"


Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika, pinarangalan ng mga guro si Nora Aunor bilang “Alagad ng Sining ng Mamamayan”  para sa kontribusyon ng aktres sa pelikulang Pilipino.


Ang parangal ay pinangunahan ng Quezon City Public School Teachers Association at Alliance of Concerned Teachers kasabay sa isinagawang Forum sa Kahalagahan ng Wika sa Pagpapaunlad ng Kultura at Lipunan” na ginanap sa Magsaysay High School, Cubao, Quezon City noong ika-19 ng Agosto, 2014.


Napaiyak si Bb. Nora Aunor habang inaalayan ng bulaklak at kinantahan ng mga estudyante bilang pagpugay sa kanyang nagawa sa larangan ng sining.


Maliban dito, gumawa din ang mga estudyante ng skit na may kaugnayan sa naging buhay ni Nora Aunor mula noong nag-umpisa itong artista.


Ayon sa panulat ni Jaymee T. Gamil, sinabi ni Bb. Nora Aunor sa harap ng mga kabataan, “I want you (students) to remember that whatever hardships you may now have, no matter how poor you are, you can reach your dreams if you work hard.”


Dagdag pa niya, “You came to know me as Nora Villamayor, the girl from the province (Camarines Sur) who sold water at the train station, who picked through trash for scraps of lead (tingga) to be sold per kilo at the junk shop for at least 10 centavos. On my way home from school, I often passed by the dump to look for copper so I could have some money to give to my parents. I worked hard to lift my family from poverty. There’s no such thing as an impossible dream.”


----------
Images:
Kuha ni Jek Jumawan
at mula sa InterAksyon.com

1 comment:

  1. Akala ko may sinabing hanggang grade 2 lang sya eh wala naman pala. Eto ba buongspeech!

    ReplyDelete