Movie Review: HUSTISYA
Ni ORLY AGAWIN
Madaling
araw na akong nakauwi matapos ang Gala Screening ng HUSTISYA (2014) ni Joel
Lamangan. Nag-dinner pa kasi, at napahaba ang mga diskusyon tungkol sa halos
dalawang oras na pelikula. Tinuloy ang mga sigawan at talakan, naming mga
Noranians, mula lobby ng CCP Main hanggang sa KFC sa kabila. Tinuloy namin ang
kwentuhan, discussions at nagpalutang ng mga tanong.
Pagkabukas
ko ng pinto’y nagulat akong gising pa rin si Nanay. Hindi namin siya kasama sa
Gala Screening sa CCP. Nauna na silang manood sa Greenbelt kahapon ng tanghali.
Naka-receive ako ng isang text bandang alas tres: “Tapos na. Maganda.
Tinatanong ni Vising kung anu raw ang ibinulong ng abugado niya sa kanya.”
Hindi
ko nasagot yun. Hindi ko pa napapanood ang pelikula ng mga panahon na un.
“Gising
ka pa?” tanong ko.
“Hinihintay
kita,” sagot ni Nanay. “Marami akong tanong.”
“Saan?”
“Dun
kay Nora.”
“Diyos
ko! Matulog ka na! Magpatulog na kayo!” bulas ko.
“Bakit
ganun? Bakit parang bitin?” sabi ni
Nanay na parang kinakausap ang sarili. “May
mga ayaw sabihin sa tao.”
“Pagod
ako! Plist! Bukas na lang. Kahit ako, iniisip ko pa.”
“Magaling
ang pagtawa niya,” tuloy ni Nanay. “Parang may gustong sabihin, pero nalunod
siya sa mga tawa niya.
“Alam
mo, ‘Nay, simulang mapanood mo ang Norte, nagpapaka-profound ka na masyado
lagi. Pero OK yan.”
Tiningnan
lang ako ni Nanay. Pumunta siya ng kusina at kumuha ng tubig. Uminom. Nalunod
ng tubig ang tawa niya.
“Matulog
na tayo. Bukas na natin pag-usapan yan. Alam mo naman si Ricky Lee,
profound-kung-profound kung minsan,” sabi ko.
Hindi
na ako kinibo ng Nanay ko. Parang nadismaya. Kung sa pag-udlot ko ng sagot, hindi
ko alam.
Matapos
kong magbihis, nahiga na ako agad. Kelangan kong matulog ng maaga dahil
hahabulin ko mamaya ang mga naka linyang pelikula sa CCP. Napakabigat na ng mga
mata ko.
Pero
maging ako’y hindi pinatulog ng mga tanong na pinalutang namin nina Nestor, Mon
at Gilbert. Anu nga ba ang ibinulong ni Atty. Gerald sa naka-gown at fully made
up na si Biring? Anu ang gustong ipahiwatig ng katapusan ng pelikula?
Sa
buong pelikula’y nakita ko si Biring na pilit binalanse ang kabutihan at
kasamaan? Matapang niyang nilunok ang marumi, subalit tuluyang siyang kumapit
sa kung ano mang alam niyang tama at ma-prinsipyo. Sa bawat mali, kusa niyang
binayaran ang mga ito ng kabutihan. Sasampalin niya ang pulubing may dalang
bata, pero aabutan ng limos. Seseryosohin niya ang ilegal na trabaho, pero
matapos ng shift, ay magbibigay sa simbahan. Magbibigay sa simbahan, pero hindi
makaharap sa Diyos.
Sa
buong pelikula, nakita ko at nakilala si Biring. Para sa kanya’y patas lahat.
Siya ang karakter na marunong bumawi. Tulad ng mga pagbawi natin sa tuwing
nag-so-sorry tayo kung meron tayong biglang na-offend. Tulad ng pagyakap natin
sa ating mga magulang sa umaga matapos nating mag-cutting classes kahapon.
Biring
swam on the dangerous principle of compensation. She tried her best to balance
thing out. This was her definition of justice. Her own scale swang back and
forth in a dangerous game of self-preservation amidst a society so evil that
there’s already no way out.
Sa
huli’y natalo rin siya. Na-rape. Sumuko. Na-devirginize si
Virginia. Nilunok niya ang masama at tuluyang niyakap ang mundong minsang
binalak niyang takasan. Siya na ngayon ang isa sa mga “boss.”
Sa
isang banda’y may isang eksena kung saan humingi si Biring ng pagkakataong
malaman kung ano ang nasa labas ng kanyang mga operasyon. She wished to know
what happens beyond her crimes. She wanted to learn about the society, what
corruption means and how she can help.
Sa
ganitong perspektibo’y maari mong sabihing pinipilit parin niyang binabalanse
ang kanyang timbangan.
Marahil
ay hindi pa rin siya nagpapatalo.
Toward
the end, there was a party. Her birthday was attended by almost all the
you-know-who’s. People who are on the other side. People who spin the vicious
web of eternal deceit, corruption, lies and social decadence. People who were
on her side.
Before
the screen faded to black, Atty. Gerald approached her and whispered to her.
Silence. Her eyes seemed to have eavesdropped too.
And
then the laugh.
Napakaraming
nagtatanong kung ano ang ibinulong? Joke ba raw? Tsismis? Balita tungkol sa
isang tauhan? Tungkol ba sa katabing bagong assistant?
Para
sa akin ay hindi na mahalaga un. Ang mahalaga sa akin ay ang pag tawa ni Biring.
Sa unang pagkakatao’y tumawa siya sa pelikula. Malakas. Nakakalunod. Isang
pahiwatig na siya at ang bago niyang mga “boss,” ay iisa na.
Parang
lang yang usaping Sino Ang Pumatay Kay Elsa? Hanggang ngayon ay maging si Ricky
Lee ay hindi pa rin alam ang sagot. Tayo na raw ang magbigay noon.
Tama
nga naman.
Pero
sa usaping Elsa, ang mahalaga sa akin ay hindi kung sino ang pumatay. Ang higit
na mas mahalaga’y namatay siya sa harapan natin sa gitna ng isang talumpating
kinukundena ang kasakiman, kasinungalingan at korapsyon. Doon ay may malalim
ang mga paghuhugutan na mga realisasyon. Doon ay mas higit ang pagkatuto.
Nalaman kong hanggang sa huli’y walang kaligtasan ang tao sa lipunang kanyang
ginagalawan. Tayong lahat ay nakatali sa taniklang ibinuhol sa atin ng mga
nakararami, masama man sila o mabuti. Sa huli'y magtatanong din tayo: tayo rin
ba ang nagtali sa mga sarili natin?
Where
is justice in that? Wala.
That’s
Literary Naturalism on your face.
Ganun
na rin si Biring. Hindi na importante kung anung ka-putanginahan ang
sinabi ng gagong si Gerald. Ang mahalaga’y kung ano ang nakita at narinig ko sa
tabing. Ang pagkalakas lakas na tawa, ang nakabibinging halakhak. Hindi pilit,
pero walang kaluluwa. Busog, pero walang laman.
Sa
akin ay tahasang sinasabi nito na si Biring ay isa na sa mga tauhang pilit
niyang tinatakasan sa kabuuan ng pelikula. It was a scene that depicted her
inevitable decadence. Siya na ang tusong palaka. Nag-anyong lupa. Nagkulay
putik. Gagawin ang lahat para lamang malinlang at makain ang inosenteng lamok.
That's her transformation, and that's what made the story great.
Great,
in a sense, that in Biring's decline as a character, she teaches us to continue
our fight against what we think is evil. Though uninvited, some goodness still
sits in our souls. Biring's story warns us that if we continue to ignore our
conscience for the sake of survival, that small amount of purity will soon
leave us for good.
And
that is where Justice ends.
No comments:
Post a Comment