Kasabay ng pagdiriwang
ng Buwan ng Wika, pinarangalan ng mga guro si Nora Aunor bilang “Alagad ng
Sining ng Mamamayan” para sa
kontribusyon ng aktres sa pelikulang Pilipino.
Ang parangal ay pinangunahan
ng Quezon City Public School
Teachers Association at
Alliance of Concerned Teachers kasabay sa isinagawang “Forum sa Kahalagahan ng Wika sa Pagpapaunlad
ng Kultura at Lipunan” na ginanap sa Magsaysay High School, Cubao, Quezon City
noong ika-19 ng Agosto,
2014.
Napaiyak si Bb. Nora Aunor habang inaalayan ng bulaklak at kinantahan
ng mga estudyante bilang pagpugay sa kanyang nagawa sa larangan ng sining.
Maliban dito, gumawa din ang mga estudyante ng skit na may kaugnayan
sa naging buhay ni Nora Aunor mula noong nag-umpisa itong artista.
Ayon sa panulat ni Jaymee T. Gamil, sinabi ni Bb. Nora Aunor sa harap
ng mga kabataan, “I want you (students) to remember that whatever hardships you
may now have, no matter how poor you are, you can reach your dreams if you work
hard.”
Dagdag pa niya, “You came to know me as Nora Villamayor, the girl from
the province (Camarines Sur) who sold water at the train station, who picked through
trash for scraps of lead (tingga) to be sold per kilo at the junk shop for at
least 10 centavos. On my way home from school, I often passed by the dump to
look for copper so I could have some money to give to my parents. I worked hard
to lift my family from poverty. There’s no such thing as an impossible dream.”
----------
Images:
Kuha ni Jek Jumawan
at mula sa
InterAksyon.com
Akala ko may sinabing hanggang grade 2 lang sya eh wala naman pala. Eto ba buongspeech!
ReplyDelete