Monday, January 20, 2014
Friday, January 10, 2014
THE NORA AUNOR PHOTO QUIZ
Mahuhulaan niyo ba kung ano ang kahulugan ng
bawat litrato sa collage na ito? Lahat ng 30 na litrato na iyan ay may kinalaman
kay Nora Aunor, sa kanyang personal na buhay, sa kanyang career at sa kanyang
mga pelikula.
Sasagutin na namin ang unang litrato bilang
bonus: ito ay larawan ng pumuputok na bulkang Mayon na nasa rehiyon ng Bicol.
Alam ng lahat na ang Superstar ay tubong Bicol.
Paalala: Maaari ninyong i-download ang
collage upang mapalaki at mas maging malinaw.
*Photos from various internet sources
*Source: Sa Ngalan Ng Ina Fan Page
30 POINTS TO NORA AUNOR
How well do you know the one and only
Superstar Nora Aunor? Do you know her height? Her shoe size? Who first called
her Superstar, and not just superstar?
Don't look now, but still, a lot of
Noranians don't know much about her open-book life, her stellar career, and her
impressive body of work as a film and music practitioner. In fact, Wikipedia
had Maria Leonora Theresa as her real name for several years until it was
corrected only over a year ago. Her IMDB (Internet Movie Data Base) profile,
however, still needs to be corrected as it has Maria Leonora Teresa Villamayor
as her birth name.
When is one called a true-blue Noranian?
What does it take to be a staunch supporter of the one and only Superstar?
Believe it or not, there's still a few out
there who haven't seen her most significant and most celebrated film
"Himala," even if it's repeatedly shown on TV and has been available
on DVD and VCD for several years now. With ubiquitous internet and cable
technology nowadays, we dare say there's really no excuse.
Arguably, the most qualifying characteristic
of a Noranian is the capacity to get hurt easily when bad news or falsehood is
being spread about her, when she is being called names or when insults are
being thrown her way. 'Yung tipong nasasaktan ka kapag nakakarinig ka ng hindi
magandang balita, tsismis o haka-haka tungkol sa kanya. It just means Nora is
not just an obsession; she dwells in your heart.
In this light, a dyed-in-the-wool Noranian
should be able to answer all of the following questions. Mind you, it's 30
points to Nora Aunor. Is it fair to say that anything less is unacceptable?
Well, okay, 29 points will do.
Ready?
Go!
No cheating please.
1. Halos lahat ng mahuhusay na direktor,
kasama na ang ilang mga National Artists, ay bilib sa husay ni Nora pagdating
sa aktingan. Kahit ang pumanaw nang si Direk Marilou Diaz-Abaya ay minsan nang
nagsabing hindi kumpleto ang kanyang directorial career kung hindi niya
makakatrabaho ang Superstar. Sino sa mga sumusunod na direktor ang mukhang hindi
kasali sa grupo?
A. Joel Lamangan
B. Leroy Salvador
C. Chito Rono
D. Joyce Bernal
E. Frank Rivera
F. C & E
G. None of the above
2. Gaya rin ng karamihan sa mga artista,
nakatapos si Nora ng high school ngunit hindi na nakapagpatuloy sa kolehiyo
dahil siya'y naging abala na sa pag-aartista at pagkanta. Ang maging isang guro
ang naging pangarap niya noon. Sa "Tatlong Taong Walang Diyos" ay
isang guro ang karakter ni Rosario. Saan nagtapos ng high school ang Superstar?
A. Mabini Memorial Colleges (Iriga)
B. Centro Escolar University (Paranaque)
C. San Antonio National High School (Iriga)
D. Iriga Central School (Iriga)
E. Nichols Air Base High School (Pasay)
F. Camarines Sur National High School (Naga)
G. None of the above
3. Hindi sapat ang espasyong ito kung
iisa-isahin ang mga personalidad na humahanga kay Nora Aunor. Tinawag ni Lea
Salonga si Nora na, "Genius!" Ang character actress na si Vangie
Labalan naman ay minsan nang nagsabing para siyang sinaniban ng kakaibang
elektrisidad nang magka-eksena sila sa "Himala." Ang
actor-turned-congressman na si Alfred Vargas ay nangako pang padadalhan ng
plane ticket si Nora para lang umuwi sa Pilipinas. Nang nasa Amerika naman si
Nora ay nagwika si Lorna Tolentino na dapat na talagang maging National Artist
si Nora. Aminado rin si Judy Ann Santos na wala siya sa kalingkingan ng mga
narating ni Nora kahit pa marami rin siyang tapat na tagahanga. Ang 1969 Miss
Universe na si Gloria Diaz naman ay pakikining sa musika ni Nora ang paraan ng
pagre-relax. Sino namang personalidad ang nagsabing, "Siguro
katanggap-tanggap lang ang 'attitude' sa artista kung Nora Aunor level ka
na?"
A. Joel Lamangan
B. Ces Orena-Drilon
C. Elwood Perez
D. Sarah Geronimo
E. Eddie Garcia
F. Brillante Mendoza
G. None of the above
4. Marami-rami rin ang mga pelikulang dapat
sana ay nagawa't natapos ng Superstar, ngunit sa iba't ibang dahilan ay hindi
na natuloy. Isa na rito ang "Greatest Performance" na isa sanang
entry sa 1989 MMFF ngunit hindi nakapasa sa panlasa ng MMFF screening committee
dahil wala raw "commercial viability." Noong 1985 naman ay susundan
sana ng Cherubim Films ng Noranian na si Cherry Cobarrubias ang matagumpay na
"Bulaklak sa City Jail" ng isa pang pelikula, ang "Maesta
Violeta," ngunit hindi na rin ito natuloy. Bukod sa "Greatest
Performance," ano pang pelikula ang dinirek ni Nora?
A. "Alkitrang Dugo"
B. "Nino Valiente"
C. "Kung May Gusot, May Lusot"
D. "Dalawang Mukha ng Tagumpay"
E. "Ang Isinilang Ko'y Hindi Ko Tunay
Na Anak"
F. "Pinakasalan Ko Ang Ina Ng Aking
Kapatid"
G. None of the above
5. Itinuturing na isa sa pinakamatamis na
tagumpay ni Nora sa kanyang career ang pagkapanalo niya ng Best Performer para
sa "Atsay" noong 1978 MMFF. Kahit down na down ang "morale"
ng Superstar, nagawa pa rin nitong ikubli ang matinding lungkot at lakas-loob
itong dumalo sa awards night. Ano ang tunay na dahilan sa likod ng MMFF
acceptance speech ni Nora na "Mamay, mali ang hula nila!?"
A. Dahil halos lahat sa showbiz, kasama na
ang tanyag na Nostradamus of Asia na si Jojo Acuin, ay humula na matatalo si Nora
sa pagka-Best Performer
B. Dahil si Mamay Belen ang tunay na
nasaktan sa mga naglabasang publisidad at balita na matatalo raw ang kanyang
anak sa pagka-Best Performer
C. Dahil nabanggit ng kanyang ex-husband na
si Christopher de Leon sa isang interview na di siya umaasang mananalo para sa
"Garrote: Jai-Ali King" at sa tingin nito'y si Vilma Santos ang
mananalo
D. Dahil nakatanggap ng "leakage"
ang kampo ni Nora ilang oras bago ang awards night, na hindi siya ang
tatanghaling Best Performer
E. Dahil nagpahula ang kanyang ina sa sikat
na manghuhula na si Rene Mariano at sinabihan itong matatalo raw ang kanyang
anak
F. Dahil hinulaang mangingitlog sa takilya
ang "Atsay" at huling baraha na ito ni Nora
G. None of the above
6. Si Nora ang tinatawag na "Festival
Queen" dahil siya ang may record ng pinakamaraming Best Actress awards
(kasama ang isang Best Performer) sa MMFF. Tumabo rin sa takilya ang ilan sa
kanyang mga pelikula. May mga panahon ding dala-dalawa ang kanyang entries na
tunay namang nagpapasigla sa festival. Kaya katakataka rin na ilang pelikula
rin nito ang na-reject dahil sa kawalan ng "box-office potential."
Anong pelikula ni Nora ang tinanghal na Best Picture ng MMFF ngunit may iilan
ding kumwestiyon dito ngunit ipinagtanggol naman ng mga hurado sa pangunguna ng
noo'y Chairman ng Board of Jurors na si Lamberto Avellana?
A. "Ina Ka ng Anak Mo"
B. "Kasal-Kasalan, Bahay-Bahayan"
C. "Atsay"
D. "Bona"
E. "Bakya Mo Neneng"
F. "Minsa'y Isang Gamu-Gamo"
G. None of the above
7. Isa ang "Huwag Hamakin:
Hostess" (1978) sa mga pelikula ni Nora na hindi masyadong kumita sa
takilya. Naniwala ang direktor nitong si Joey Gosiengfiao na kahit maganda
naman ang materyal ay hindi tugma ang chemistry ng cast dahil sexy ang imahe
nina Alma Moreno at Orestes Ojeda, samantalang wholesome at conservative naman
ang kay Nora. Sa ending ng pelikula, kanino napunta ang pilyo at simpatikong
karakter ni Orestes?
A. Alma Moreno
B. Nora Aunor
C. Vilma Santos
D. Tina Monasterio
E. Trixia Gomez
F. Bella Flores
G. None of the above
8. Ang mga Noranians na siguro ang
pinakamatatag, pinakamalawak at pinakamalakas na puwersa ng mga tagahanga sa
kasaysayan ng pelikulang Pilipino dahil na rin sa kakaibang karisma ng kanilang
idolo. Ang fundraising campaign na "Mamera Para Kay Nora" noong
dekada '70 ay binuo ng mga Noranians para sa
A. Las Pinas Bamboo Organ
B. Hospicio de San Jose
C. Tahanang Walang Hagdanan
D. Golden Acres
E. mga biktima ng bagyong Kading (o Rita)
F. Star Scouts of the Philippines
G. None of the above
9. Dahil sa matinding nais ni Nora na
malinang ang kanyang galing sa pagganap at makilala bilang isang seryoso't
mahusay na aktres, itinayo nito ang NV Productions, na kalaunan ay naging NCV
Films bilang pagkilala sa apelyido (Cabaltera) ng kanyang ina. Kahit noon pa ay
pioneer na ang Superstar sa "indie films." Ito ang dahilan kaya
dalawang beses siyang pinarangalan ng Cinema One Originals - One of 15 Cinema
One Legends noong 2009 at One of the Originals in Philippine Cinema noong 2012.
Ano ang kauna-unahang pelikulang handog ng NV Productions?
A. "Carmela"
B. "Banaue"
C. "Paru-Parong Itim"
D. "Tisoy"
E. "Alkitrang Dugo"
F. "Tatlong Taong Walang Diyos"
G. None of the above
10. Ang isang pinaka-kahangahanga at
pinakamalaking tagumpay ni Nora ay nang magwagi ito bilang Best Performer noong
1978 MMFF para sa pelikulang "Atsay." Ibig sabihin, iisa lang ang
ipinamigay na acting award, bagay na iba sa nakagawian noong naunang tatlong
taon. Kinilatis ng mga hurado ang mga aktor at aktres ng mga kalahok sa pelikula,
bida man o support. Taliwas sa alam ng marami, hindi si Vilma Santos ang
pinakamahigpit na katunggali ni Nora, kundi si Phillip Salvador na gumanap na
obsessed rapist sa "Rubia Servios." Nakalaban din ni Nora sina Amy
Austria at Ely Roque para sa "Atsay." Ilan ang Best Performer awards
ni Nora?
A. 1
B. 3
C. 4
D. 5
E. 6
F. 7
G. None of the above
11. Noong 2004, matapos ang pagpapalabas ng
"Naglalayag" sa Manila Film Festival at paghahakot nito ng awards,
nagpasya na si Nora na mamalagi sa Amerika. Aminado ang Superstar na matinding
hirap ang kanyang pinagdaanan doon. Ngunit isang magandang bagay ang kanyang
naranasan - ang mamuhay nang simple at walang nakikialam. Sa panahon ding ito
nagkamit ng ilang karangalan ang Superstar sa kabila ng lahat ng mapait na
pinagdaanan nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga karangalang
ito?
A. Idineklarang "Nora Aunor Day"
ang May 21, 2004 ng Mayor ng San Francisco, California
B. Idineklarang "Nora Aunor Day"
ang September 23, 2006 ng Mayor ng Killeen City, Texas
C. Ginawaran siya ng Certificate of
Recognition for Phenomenal Talent & Extraordinary Performance ng Governor
ng Las Vegas, Nevada noong 2006
D. Pinagkalooban siya Milestone Lifetime
Achievement Award sa 19th Reflection Awards na ginanap sa Los Angeles,
California noong 2007
E. Tinanghal ang "Himala" bilang
Best Asia-Pacific Film of All Time (Viewers' Choice) ng CNN Asia Pacific Screen
Awards (APSA) noong 2008
F. Napili siya bilang Best Actress of the
Decade ng Green Planet Movie Awards na ginanap sa Hollywood noong 2010
G. None of the above
12. Noong early 70's, hindi na maawat ang
kasikatan at tagumpay ni Nora sa larangan ng pelikula at musika. Dahil nagmula
sa Tawag ng Tanghalan, puro mga musical ang mga pelikula ng Superstar noon.
Minsan nga'y naglalagare siya sa ilang pelikula nang hindi niya namamalayan.
Sinasabi pa nga na sa sobrang katanyagan ni Nora, kahit patayuin lang siya sa
ilalim ng puno at pakantahin, saka pagilingin ang kamera, sigurado nang
box-office hit ang pelikula. Kabi-kabila rin ang mga romantic movies nito,
katambal si Tirso Cruz III, Manny De Leon, Cocoy Laurel, Jay Ilagan, Walter
Navarro, Sajid Khan, atbp. Anong taon nakagawa si Nora ng 18 pelikula, isang
record na siya lang ang nakagawa?
A. 1970
B. 1971
C. 1972
D. 1975
E. 1976
F. 1984
G. None of the above
13. Sinasabing si Nora ang pinakamahusay na
aktres ng bansa. Isang kalamangan niya sa ibang mga artista, babae man o
lalake, ay ang kanyang nangungusap na mga mata. Siya ang ginagawang basehan ng
tamang pagganap kaya palaging siya ang una sa listahan ng mga pinakamagaling na
aktres ng bansa. Kahit walang dialog, kaya niyang iparating sa mga manonood ang
kanyang emosyon. Mayroong kwento na kaya ni Nora na magpatulo ng luha sa iisang
mata lamang, isang bagay na pinatotohanan ng premyadong manunulat na si Ricky
Lee sa shooting ng "Himala." Nilunok din ni Lino Brocka ang kanyang
unang pahayag na ayaw niyang makatrabaho ang mga superstar na gaya ni Nora.
Gulat na gulat ang direktor sa ipinakita nitong husay sa eksenang "Hayup!
Hayup!" sa "Ina Ka Ng Anak Mo." Saang pelikula nakakuha si Nora
ng kanyang kauna-unahang acting nomination?
A. "Tatlong Taong Walang Diyos"
B. "Magandang Gabi Sa Inyong
Lahat"
C. "And God Smiled At Me"
D. "Nasaan Ka, Inay?"
E. "Fe, Esperanza, Caridad"
F. "A Gift of Love"
G. None of the above
14. Isa si Cherry Pie Picache sa mga
hinahangaang artista sa kasalukuyan. Gaya ni Nora, nakatanggap na rin ito ng
ilang international awards. Sa katunayan, magkasunod na taon siyang naging Best
Actress sa Durban International Film Festival - "Kaleldo" noong 2007
at "Foster Child" noong 2008, parehong dinirek ni Brillante Mendoza.
Bahagi siya ng Best Performer (Ensemble) award ng "Tanging Yaman"
mula sa Young Critics Circle (YCC). Dalawang beses na rin siyang naging Urian
Best Actress at nakakuha ng lima pang nominasyon (2 para Best Actress at 3 para
Best Supporting Actress), kaya isa siya sa napili ng mga Manunuri bilang
Natatanging Aktres ng Dekada 2000. Gaya ni Nora, si Cherry Pie ay ipinanganak
din sa buwan ng Mayo. Anong pelikula ni Cherry Pie ang unang in-offer kay Nora,
kung saan ang pangalan ng kanyang karakter ay "Tere," na siya ring
pangalan ni Nora sa "Ikaw Ay Akin?"
A. "Mila"
B. "Kaleldo"
C. "Birhen ng Manaoag"
D. "American Adobo"
E. "Foster Child"
F. "Isda"
G. None of the above
15. Sa panahon ngayon, sinasabing mahirap
nang manalo ang isang artista sa lahat ng award-giving bodies. Malabo na raw
maka-"grand slam" ang isang artista dahil iba't iba na ang panlasa at
motibo sa pagpili ng mga hurado ng mga nagsipagwagi. Ngunit iisa ang totoo -
paborito si Nora ng mga kritiko at mga nasa akademya dahil sila ang tunay na
nakakaalam ng tamang pagganap. Si Nora ang may pinakamaraming nominasyon sa
Urian at tropeo sa YCC. Kung siya ay dalawang beses naging Pinaka-PASADOng
Aktres ng Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro), ilang beses
naman siya naging Kapuripuring Aktres ng Gawad Tanglaw?
A. 6
B. 5
C. 4
D. 3
E. 2
F. 1
G. None of the above
16. Dahil si Nora ang itinuturing na
pinakamahusay na aktres sa bansa, siya ang mistulang basehan kung mahusay bang
umarte ang isang baguhan. Marami nang tinawag na "the next Nora
Aunor" gaya nina Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Kathryn
Bernardo, atbp kahit ang totoo'y wala sila sa kalingkingan ng natamong
kasikatan at karangalan ng Superstar. Kahit sa mga ilang lalaking artista,
minsan ay tinatawag silang "lalaking Nora Aunor." Si Coco Martin ang
isa sa mga aktor na madalas na tinatawag na "lalaking Nora Aunor"
dahil sa husay nitong umarte at sa kanyang "humble beginnings." Kahit
ang kabataang aktor na si Daniel Padilla ay tinatawag rin na "Nora
Aunor" ng kanyang mga tagahanga. Isa lang ang ibig sabihin nito - na
kadalasang iniuugnay ang pangalan ng isang kabataan o baguhan kay Nora dahil
ito'y isang malaking karangalan. Sino sa mga sumusunod ang hindi kailanman
tinawag na "lalaking Nora Aunor?"
A. Rico J. Puno
B. Wowie de Guzman
C. Celso Ad Castillo
D. Romnick Sarmenta
E. Robin Padilla
F. Lito Lapid
G. None of the above
17. Ang "Himala" ang itinuturing
ng maraming Pilipino na "greatest Filipino film of all time" at si
Nora naman ang "greatest Filipino actor of all time." Ang pagganap ni
Nora bilang Elsa sa pelikula ang itinuturing ng karamihan na "greatest
performance by an actor." Ang kabalintunaan nito, inisnab ito ng mga
award-giving bodies noong 1983. Naging "makamandag" ang opinyon ni
Armida Siguion-Reyna na wala naman daw kagila-gilalas sa ipinakita ni Nora
dahil dumipa lang ito nang dumipa at tumingala nang tumingala. Sa katunayan, ni
hindi na-nomina sa FAMAS si Nora para sa "Himala." Sa halip ay sa
"Mga Uod At Rosas" siya naging nominado. Dalawang pelikula ni Nora
ang ipinalabas nang panahon ng Semana Santa (Holy Week). Ito ay ang
"Munting Santa" at ang
A. "My Prayer"
B. "Mama, Dito Sa Aking Puso"
C. "A Gift of Love"
D. "My Beloved"
E. "And God Smiled At Me"
F. "Beloved"
G. None of the above
18. Ang artistang si Amalia Fuentes ang
kauna-unahang inidolo ni Nora, ngunit ang kanyang paghanga ay nabaling kay
Susan Roces. Ano ang kwento sa likod nito?
A. Si Nora ay tinanggihan ni Amalia Fuentes
na makasama sa isang pelikulang ididirek sana ni Artemio Marquez sa Tower
Productions.
B. Hindi nagkasundo ang kanilang managers
tungkol sa billing para sa pelikulang pagsasamahan sana nila sa Sampaguita
Pictures.
C. Nagkaroon ng relasyon sina Vilma Santos
at Romeo Vasquez na ex-husband ni Amalia.
D. Minsang hindi tumugma ang mga labi ni
Nora sa pisngi ni Amalia nang magkaroon ng pagkakataong mahalikan nito ang
kanyang idolo. Sa murang isip ni Nora, inakala niyang ang pangyayaring iyon ay
hudyat na hindi nakatakda si Amalia bilang idolo para sa kanya.
E. Tinanggihan ni Amalia Fuentes ang alok ng
NV Productions na "Mrs. Teresa Abad, Ako Po Si Bing" kaya ito ay
napunta kay Charito Solis.
F. Nag-alok si Susan Roces kay Nora ng isang
pelikulang pagsasamahan nilang dalawa para sa kanyang Rosas Productions na
ididirek naman ni Ronwaldo Reyes A.K.A. Fernando Poe, Jr.
G. None of the above
19. Ano ang kahalagahan ng January 25, 1975
kay Nora?
A. Ikinasal sina Nora at Christopher ni
Father Alloysius Rodriguez sa dagat ng Bauang, La Union
B. Ipinanganak si Ian sa Cardinal Santos
Medical Center
C. Nagkaroon ng grand press conference sa
Manila Hotel ang "Tatlong Taong Walang Diyos"
D. Nai-feature siya sa Filipino Heritage
(Vol. 5 p. 1237), ang kauna-unahang Philippine Pictorial Encyclopedia of
History and Culture of the Bicolanos.
E. Nagkaroon ng premiere night ang
"Banaue" sa Life Theater na dinagsa ng napakaraming manonood
F. Nanalo si Nora ng PATAS (Sinag) award
para sa Makulay Na Daigdig Ni Nora at tinalo ang mga batikang artista
G. None of the above
20. Noong October 28, 2012, nag-host ang
PLDT-Smart Foundation ni Manny V. Pangilinan ng isang tribute para sa mga guro
sa ilalim ng Gabay Guro program na pinamumunuan ni Chaye Cabal-Revilla, ang
maybahay ni Bacoor City Mayor Strike Revilla. Ilan sa mga dumalo sa nasabing
okasyon ay sina Nora, Gary Valenciano, Aga Muhlach, Cesar Montano, Robin
Padilla, at Derek Ramsay. Sinong senador na naging panauhin din ang tuwang tuwa
na nakasalamuha niya ang Superstar at nag-post pa ng kanilang picture sa
twitter?
A. Loren Legarda
B. Koko Pimentel
C. Cynthia Villar
D. Grace Poe-Llamanzares
E. Anthony Golez
F. Leila de Lima
G. None of the above
21. Ang "Dekada 70" na isinulat ni
Lualhati Bautista, na siya ring sumulat ng "Bulaklak sa City Jail,"
ay nagbigay kay Vilma ng ilang local Best Actress awards. Ito ay unang in-offer
kay Nora. Kay Nora rin unang inalok ang pelikulang "Miss X" na
sinulat ni Ricky Lee at dinirek ni Gil Portes, subalit tinanggihan niya ito
dahil sa maseselang eksena. Alin naman sa mga sumusunod na pelikula ni Nora ang
unang in-offer kay Vilma bago napasa-kanya?
A. "Bongga Ka, Day"
B. "Bad Bananas sa Puting Tabing"
C. "Hello, Goodnight, Goodbye"
D. "Bakit May Pag-ibig Pa?"
E. "Beloved"
G. "Disco Baby"
F. None of the above
22. Sa lahat ng artista, si Nora ang may
pinakamaraming karangalan na naiuwi sa bansa mula sa mga international film
festivals. 1981 nang siya'y unang magawaran ng Certificate of Honor mula sa
Cannes International Film Festival para sa "Bona." Para sa
"Himala" naman siya kamuntik na magwagi bilang Best Actress (Silver
Bear) kung siya lamang ay nakadalo sa Berlin International Film Festival. Taong
1995 naman niya naiuwi ang Princess Patatan statue (Best Actress) ng Cairo
International Film Festival para sa "The Flor Contemplacion Story."
"Thy Womb" naman ang nakapagbigay sa kanya ng apat na international
Best Actress awards. Si Nora rin ang may tala bilang kauna-unahang Pilipino na
naging hurado ng anong international film festival?
A. Hawaii
B. Cannes
C. Sakhalin
D. Berlin
E. Toronto
F. Brussels
G. None of the above
23. Para kay Nora, hindi malilimutan ang
pinagsamahan at pagkakaibigan nila ni Dolphy. Ito ang dahilan kaya naging
emosyonal si Nora noon sa isang panayam noong panahong nakaratay sa ospital ang
Comedy King, pati na rin sa isang tribute para rito. Inamin ng Superstar na isa
si Dolphy sa mga laging handang tumulong sa kanya noon kapag siya'y
nangangailangan. Ito rin ang isa sa mga ninong ni Ian. Nagkasama ang dalawa sa
"My Bugoy Goes to Congress," "Kaming Matatapang Ang Apog"
at "Jack & Jill of the Third Kind." Saang pelikula naman nakasama
ni Nora ang noo'y tanyag din na komedyante na si Chiquito?
A. "Happy Days Are Here Again"
B. "Binibini ng Palengke"
C. "Kondesang Basahan"
D. "The Singer and the Bouncer"
E. "Ang Bulag, Ang Pipi at Ang
Bingi"
F. "Dash a Lotsa Nonsents!"
G. None of the above
23. Malaking bahagdan ng career ni Nora ang
tambalang "Guy and Pip," lalo na noong siya'y nagsisimula pa lamang.
Wala pa ring nakakapantay sa katanyagan ng tambalan ng dalawa, kahit sa panahon
ngayon na sinasabing kailangang may ka-love team ang isang artista para
sumikat. Naging tanyag din noon ang tambalang Nora-Manny De Leon, ngunit kay
Christopher De Leon ibinigay ng Superstar ang kanyang matamis na oo. Sino sa
mga sumusunod na aktor ang hindi na-link o natsismis noon kay Nora?
A. Si Joel Torre na naunang sumikat sa
pelikulang "Oro, Plata, Mata" at nakasama niya sa "I Love You
Mama, I Love You, Papa"
B. Si Danny Vanni (Danny Giovanni) na isang
Amerikano at naging escort niya sa 1982 MMFF Awards Night
C. Si Juan Rodrigo na pinakilala sa
"Annie Batungbakal" at gumanap na manliligaw ni Nora sa "Ang
Totoong Buhay ni Pacita M"
D. Si Jeric Soriano na anak ng yumaong aktor
na si Nestor De Villa at naging direktor ng "Hotshots" nina Gary
Valenciano at Aga Muhlach
E. Si Chito Arceo na executive ng IBC 13 at
cast member ng "Chicks to Chicks"
F. Si Johnny Delgado na nakasama niya sa
"Super Gee," "Banaue" at "Mga Uod At Rosas"
G. None of the above
24. Si Nora ay nakagawa na ng humigit
kumulang sa 175 na pelikula. Marami sa mga ito ay itinuturing nang klasiko gaya
ng "Himala," "Tatlong Taong Walang Diyos,"
"Bona," "The Flor Contemplacion Story," atbp. Si Nora rin
ang may hawak ng record ng may pinakamaraming local at international acting
awards. Marami rin siyang pelikula na mahusay ngunit hindi masyadong nabigyan
ng karampatang publisidad o promosyon kaya hindi naging matagumpay sa takilya.
Anong pelikula ni Nora ang itinuturing ng karamihan sa mga Noranians na
pinaka-underrated sa lahat?
A. "Bakit Bughaw Ang Langit?"
B. "Naglalayag"
C. "Minsan, May Isang Ina"
D. "Bakit May Pag-ibig Pa?"
E. "Kastilyong Buhangin"
F. "Babae"
G. None of the above
25. Bago pa man naging no. 1 endorsers sina
Kris Aquino, Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz, at
Anne Curtis, nauna nang naging paborito ng mga kompanya si Nora lalo na noong
nasa rurok siya ng kasikatan. Dahil sa napakarami nitong tagahanga, nagiging
mabenta at instant hit ang bawat produkto, bagay o lugar na kanyang
ini-endorso. Alin sa mga sumusunod ang hindi inendorso ni Nora?
A. Security Bank
B. Modess sanitary napkin
C. Good Earth Emporium
D. Colgate toothpaste
E. Mabuhay Mortgage
F. Liberty Condensed Milk
G. None of the above
26. Noong dekada '70 ay naging mahigpit na
magkaribal sina Nora at Vilma kahit na sinasabing lamang sa galing at talento
si Nora dahil ito'y isa ring mang-aawit at mas naunang nakilala na mahusay na
artista. Dito gumawa ng diskarte si Vilma upang hindi siya mapag-iwanan, gaya
ng pagsayaw at pagpapa-sexy. Sa huling bahagi ng dekada '70, naging mas matindi
pa ang labanan ng dalawa kaya't sinasabing pareho silang naaapektuhan ng
kanilang rivalry. Tumagal hanggang dekada '80 ang kanilang matinding
tunggalian. Ano ang sinasabing nagsilbing hudyat ng pagkawala ng
"pader" sa pagitan ng dalawa na siyang naging daan sa kanilang
pagkakaibigan?
A. Nang sadyain ni Nora si Vilma sa kanyang
hotel at bigyan ng malaking boquet of roses, na balitang paborito ng Star for
All Seasons
B. Nang alukin ni Direk Danny Zialcita ang
dalawa na magsama sa isang pelikula noong 1982 - ang "T-Bird at Ako"
na natapos naman nang walang aberya o matinding intriga
C. Nang dalawin ni Vilma si Nora sa Cardinal
Santos Medical Center matapos itong maaksidente sa shooting ng
"Himala" sa Paoay noong 1982
D. Nang magkaroon ng victory party ang kampo
nina Nora at Vilma sa iisang lugar pagkatapos mag-tie ang dalawa sa pagka-Best
Actress sa Gawad Urian noong 1990
E. Nang magsama ang dalawa, kasama si Sharon
Cuneta sa isang pictorial session para sa anniversary ng Viva Films noong 1985,
kung saan silang tatlo'y nagkwentuhan, nagtawanan, nagbiruan, at nagkapalagayan
ng loob
F. Nang maging aktibo ang dalawa bilang mga
miyembro ng electoral college ng Actors Guild ng Film Academy of the
Philippines at manalo si Fernando Poe, Jr. na naging malapit sa dalawa
G. None of the above
27. Inatasan ni Dr. Jose Perez ng Sampaguita
ang komedyanteng si German Moreno para puntahan at kausapin si Nora upang ito'y
kumbinsihin na maging artista at gumawa ng pelikula. Noo'y inakala ng Superstar
na nagbibiro lamang si German pero ibinigay rin nito ang kanyang matamis na oo
at kalauna'y pumirma na rin ng kontrata sa Sampaguita Pictures noong October 2,
1967. Sino naman ang nagrekomenda kay Nora kay Buddy De Vera ng Alpha Records
para maging contract artist?
A. Pilita Corrales
B. Bobby Gonzales
C. Pepe Pimentel
D. Fides Cuyugan-Asencio
E. Al Quinn
F. Carmen Soriano
G. None of the above
28. Ilang mga artista na rin ang tinawag na
"phenomenal" dahil sa kanilang biglaang pagsikat gaya nina Robin
Padilla, Coco Martin at Daniel Padilla. Ngunit ang orihinal na binansagang
"phenomenal" ay walang iba kundi si Nora Aunor. Sa katunayan, wala
pang nakakapantay sa laki at lawak ng kanyang kasikatan. Kailan sinasabing
nagsimula ang pagtawag kay Nora bilang "phenomenal?"
A. Nang gawin niya ang kanyang kauna-unahang
pelikula, ang "All Over The World" na tumabo sa takilya kahit support
lang ang papel na kanyang ginampanan
B. Nang ang kanyang lingguhang palabas na
Superstar ang tanging pinayagan ng administrasyong Marcos na ipalabas sa
telebisyon at magtala ito ng napakataas na rating noong panahon ng Martial Law
C. Nang parehong tumabo sa takilya ang
kanyang kauna-unahang pelikula bilang lead, ang "D' Musical Teenage
Idols" at ang "Fiesta Extravaganza," na pinalabas ng may tatlong
araw lamang na pagitan
D. Nang manalo siya ng kanyang kauna-unahang
Best Actress award mula sa Quezon City Film Festival para sa "And God
Smiled At Me" na lumikha ng record sa takilya
E. Nang siya'y mag-debut noong 1971 sa
Sampaguita compound, kung saan nag-mistula itong isang national event na
kinober ng lahat ng diyaryo't magasin, radyo at telebisyon, binantayan ng mga
security escorts na itinalaga ni QC Mayor Norberto Amoranto at iniakyat sa
bubong ng isang bus si Nora para lamang siya masilayan ng kanyang sanlaksang
tagahanga
F. Nang siya ay naging kauna-unahang overall
champion sa Grand National Finals ng Tawag ng Tanghalan noong May 29, 1967,
kung saan inawit niya ang "Moonlight Becomes You"
G. None of the above
29. Ang mahirang na isang National Artist na
siguro ang pinakamalaki at pinakamahalagang karangalan na maaaring matanggap ng
isang alagad ng sining. Si Nora ang sinasabing may pinakamaraming karangalang
natanggap sa lahat ng mga artista; isang patunay na siya na nga ang
pinakamahusay sa lahat ng mahusay. Maka-ilang beses na rin siyang nakatanggap
ng civic awards o mga karangalang mula sa pamahalaan. Noong 1983, hinirang si
Nora bilang isa sa TOWNS (The Outstanding Women in the Nation's Service)
awardees sa kategoryang Performing Arts. Sino sa mga sumusunod ang kasabay ni
Nora na tinanghal ding TOWNS awardee?
A. Miriam Defensor-Santiago
B. Cecilia Guidote-Alvarez
C. Che-Che Lazaro
D. Atty. Lorna Kapunan
E. Ces Orena-Drilon
F. Julie Yap-Daza
G. None of the above
30. Ilang aktor o personalidad na rin ang
na-link sa Superstar magmula pa noong siya'y pumasok sa mundo ng showbiz. Kung
minsan pa nga, ang isang baguhang artista ay pilit idinidikit sa kanya para
mapag-usapan at makatikim ng kahit konting kasikatan. Ganyan ang nangyari noon
sa Ilonggong modelo na si Eduardo (Edu) Manzano. Bago pa man sila nag-krus ng
landas ni Vilma Santos, nauna nang inisip ni Christian Espiritu at ng kanyang
mga handlers na iugnay si Edu kay Nora. Sinong aktor ang unang nag-alok kay Nora
ng kasal?
A. Sajid Khan
B. Manny de Leon
C. Tirso Cruz III
D. Christopher de Leon
E. Walter Navarro
F. Victor "Cocoy" Laurel
G. None of the above
Again, no cheating!
*Original photos from My Only Superstar
Blogspot
*Source: Sa Ngalan Ng Ina Fan Page
Subscribe to:
Posts (Atom)