Sunday, September 20, 2015

TAKLUB: THE RAGE OF THE STORM WITHIN


By: Vic Sevilla

"A time to tear down... and a time to build," it says so in the book of Ecclesiastes. But while the process of destruction can happen just seconds after a super typhoon makes landfall, the same cannot be said of the act of rebuilding. Picking up the pieces of one's life in the aftermath of a catastrophe can be a slow and agonizing process of suffering. For how does one stand up and continue after such an overwhelming loss-of lives, of loves, of livelihood?

"Taklub", director Brillante Ma Mendoza's latest opus, offers no answers. Hailed by critics abroad when it made its debut at the Cannes Film Festival, Mendoza appears to have stood on the sidelines with camera in hand to record the goings on in a district in Tacloban hard hit by Yolanda. Coldly, without sympathy, without offering relief, he recorded the everyday lives of people trying to forget the horrors of destruction but who are forced to look back as they try to find answers for their loss.

For Hollywood directors who have the luxury of money, Yolanda's wrath could have been easily essayed on screen using expensive cameras, the latest lighting equipment, and meticulously crafted CGI. As is his custom, Mendoza strayed far from formula by giving "Taklub" the gritty texture and feel of a documentary film expressed in jerky camera movements, extreme close ups, lingering shots and lighting contrasts that show the harsh combination of light and shadow. It was as if Mendoza wanted to shoot the phantoms of fear and the ghosts of loneliness lurking in the hearts of his characters. Clearly, the director is more concerned with the storm raging from within.

To achieve this end, Mendoza also had to make use of a cast that understood his style and his intent. He chose his actors wisely-those who had the ability to be the characters they portray. Aaron Rivera deftly portrayed Erwin, a young man forced to become the head of his family after Yolanda took the lives of his parents. Amid the destruction, Erwin must take care of a young sister and a mute older brother. Lou Veloso as Renato gives a touching performance as a man consumed by grief and bitterness after he lost everyone in his family. Julio Diaz's portrayal of Larry is, perhaps, the most physical. Failing to save a few of his children in the storm surge and perhaps to assuage the guilt, Larry took to carrying a wooden cross through the streets. His anxious portrayal as a man on the verge of madness is heart wrenching to watch.

To say that Nora Aunor is an actress of outstanding skill is a disservice to her talent. As Bebeth, Aunor made use of her vast experience and her knowledge of Mendoza's style of filmmaking. As she tries to bring everything back to a sense of normalcy, Bebeth must grapple with a mother's grief that comes with the loss of her three children. Upon realizing that none of the remains of her offspring were buried in the mass grave where she religiously offers lighted candles, she explodes in understandable rage but turns her back defeated. Watching Aunor's portrayal of pain is akin to witnessing a storm's wrath: it is powerful, yet painful to behold.


In the end, after the last scene faded into black, you feel the need to suppress applause. Instead, an offering of silence for the dead and for those who must live through their sorrow seemed somehow more appropriate... like a show of sympathy or an unspoken prayer. That is the beauty of "Taklub"-by recreating the grief of loss without passing judgment, it gives viewers a sense of compassion for a community that continues to writhe in pain and loneliness.

Saturday, September 19, 2015

‘TAKLUB’ Review: NOBLE TRIBUTE


By: Oggs Cruz
Rappler.com

---------o0o---------

Source:
http://www.rappler.com/entertainment/movies/106438-taklub-review-brillante-mendoza-nora-aunor-julio-diaz

---------o0o--------

'Taklub,' a movie about the aftermath of Yolanda, doesn't preach or make spectacles of suffering.

Brillante Mendoza’s Taklub could have easily been about making spectacles out of suffering, but it doesn't take that easy path. Set during the aftermath of Yolanda, the typhoon that turned Tacloban into a miserable tent city, the film could have taken the easiest way around the sensitivities surrounding the calamity by playing the advocacy card.
Taklub could have been preaching about resilience in the midst of tragedy and various other virtues that feel slightly offensive especially coming from someone who has not experienced the tragedies first hand. Thankfully, it does not, or if it does, it does so with quiet nobility.
                                                          
Perpetual limbo

Mendoza has all the reasons and justifications to make a film that panders to the expectations of a people who desperately need respite from melancholy. Co-produced by the government, Taklub could have gone the route of propaganda, twisting truths to give the government a better position within the context of the calamity.

Thankfully, Taklub is neither a sappy mush nor an implausible advocacy ploy. The film stays away from convenient emotions that one can naturally expect and retains the same gritty style Mendoza utilizes for his urban parables in creating a world of Yolanda survivors who are trapped in what seems to be a perpetual limbo.

Government is close to invisible. It conveys an inutile instrumentality whose bureaucratic mannerisms lend further frustration to the survivors. Mendoza favors truth, even if he peppers his brand of realism with slivers of poetics. What remains is something close to pure, a veritable examination of lives forced into the margins by a mixture of natural and human forces.

Survivors

Taklub centers on several survivors of Yolanda whose different needs summarize the dissipation of basic humanity in the midst of harsh survival.

Bebeth (Nora Aunor), who maintains a small canteen that services her neighbors, has been patiently dealing with both her ex-husband and the government in matching DNA records with the remains of the thousands who drowned during the typhoon. Larry (Julio Diaz), a pedicab driver who regularly participates in all church activities, begins to question his faith amidst all the suffering. Erwin (Aaron Rivera) does almost everything to provide shelter to what remains of his family.

The screenplay by Honeylyn Joy Alipio pulls away from the obvious and conventional by documenting the characters’ mundane tasks alongside the peculiar crosses they have to carry.

The characters are depicted as humans, with emotions that are but responses to the various impulses that are around them. They are motivated not by conceit but by their instincts. Mendoza does away with depicting them as heroes or victims but as ordinary people placed in a scenario that cannot be prevented.

It is truly a tricky subject to deal with, considering that the characters are all victims worthy of all the positivism that can be mustered. But doing so without the benefit of a rationale is shallow and defeatist. There is no other way but to showcase their faults, their fissures in the face of grief and loss, their invaluable humanity.

Dignified performances

The filmmakers’ intentions are of course but a portion of the battle. The rest remains with the actors and actresses who have to withhold comforts and egos to depict the characters with the dignity that they deserve. Considering that the characters are barely grasping the virtues of their former lives, it is up to Aunor, Diaz and Rivera to clothe them with sympathy instead of needless sentimentality.

Taklub succeeds in maintaining a singular vision of projecting an affecting portrait of survival that eschews fabrication for authenticity, notwithstanding the pressures of dealing with governmental funding and actors and actresses who seem to deserve roles that stretch their acting potential.

The film is empowered by its subtlety. Not one element stands out, making its centerpoint, which is the overpowering humanity of those who have survived and are still surviving, the prime subject in the spotlight.


In the end, Taklub aches with palpable pain not because it is such an impressive work of art but because its art is barely noticeable because of its fealty to the truth.

UUNGKATIN NG “TAKLUB” ANG IBINAON NA PAGDURUSA


By:  PJ Oliveria

---------o0o--------

Source:

---------o0o---------

Sa silent tears pa lang, tagos na sa puso ng mga manonood

Napapanahon at makabuluhan ang ‘Taklub’ lalo na sa mga Pilipinong nakaranas na ng hirap at pasakit ng mga sakuna na tulad ng Yolanda. Mapapaisip ka. Kung fan ka ng mga obra ni direk Brillante Ma Mendoza, i-add mo ‘to sa to-watch list.

----------o0o---------

SYNOPSIS: (from Festival de Cannes website) After the Supertyphoon Haiyan, which changed the city of Tacloban in the Philippines into its horrendous state, the lives of Bebeth, Larry and Erwin intertwine. The survivors are left to search for the dead, while keeping their sanity intact, and protecting what little faith there may be left. A series of events continue to test their endurance.

GENRE: Drama

DIRECTOR: Brillante Ma Mendoza

WRITER: Honeylyn Joy Alipio

CAST: Nora Aunor | Julio Diaz | Aaron Rivera | Rome Mallari | Shine Santos | Lou Veloso | Ruby Ruiz

----------o0o---------

Sa kanyang latest film, Taklub (Trap), medyo kabaligtaran ang ginawa ni Direk Brillante Ma Mendoza (Kinatay, Serbis) from the title dahil inungkat ng pelikulang ito ang stress, kahirapan, at kasawian ng mga survivors ng supertyphoon Yolanda. Similar to Mendoza’s previous works, isa itong gritty look sa mga harsh realities sa ating lipunan: napapanahon, may emotional gut-punch.

Marahil ang “taklub” o “trap” na tinutukoy sa pelikula ay iyong ang mga (mostly internal) conflicts ng mga tauhan. Halos isang taon na after Yolanda, ngunit ipinapakita sa pelikula na these characters are still trapped in almost every sense of the word. Sa umpisa pa lang nga ng pelikula ay tatambad na sa mga manonood ang eksena kung saan naging literal na deathtrap ang isang tent kung saan nasawi ang pamilya ni Renato (Lou Veloso). As the movie progresses, ilalahad nito ang mga psychological at emotional traps that run deeper: nariyan si Bebeth (Nora Aunor), na handang tumulong sa kaniyang kapwa ngunit hinahanap pa rin ang mga labi ng kanyang mga anak; si Larry (Julio Diaz), na taos-pusong nananalangin at nagpapasan ng krus dahil umaasa siya sa Diyos na bigyan siya ng mga signos; at si Erwin (Aaron Rivera), na pinaiikot-ikot ng mga government agencies na dapat tumutulong sa kanya at sa kanyang mga kapatid. Lahat sila namatayan, pero ipinapakita sa pelikula na overshadowed (natatakublan) ng ibang bagay–political, environmental, etc.—ang pagdadalamhati nila, which, ideally, would have led to them finding a closure, moving on, and rebuilding their lives.

Nasalin din ang tema ng “taklub” sa performances ng mga actors dito, dahil subtle at may pagtitimpi ang acting ng mga batikang beteranong artista tulad nina La Aunor, Diaz, at Veloso. Nagawa nilang ipakita how suffering in silence looks like. Taklub may not necessarily be Ate Guy’s best acting work recently (that honor belongs to Dementia), pero naman, sa silent tears pa lang, tagos sa puso na sa mga manonood.

Nakatulong din ang mga technical aspects ng pelikula para pagandahin ito. Minsan hindi flawless ang execution lalo na sa handheld camerawork at audio/dubbing (may mga times na nao-overpower ng background ambient noise ang dialogue) pero ayos naman sa huli. Standout ang cinematography: from the detailed shots ng mga maliliit na bagay sa lupa, to the beautiful skyscapes na nasisilbing backdrop sa wasak na riyalidad, to the overall tint of the film.


The film does not offer a clear resolution to the conflicts mentioned above. Sa halip, wari bang hinahayaan ni direk Brillante sa mga manonood ang desisyon sa kung ano ang mga next steps na kailangang gawin. Tulad ng sine ni Lav Diaz na Mga Anak ng Unos na isa ring mahusay na Yolanda-related film na ipinalabas recently, para itong subtle public service announcement (PSA) para udyukin tayo na mag-isip at magmuni-muni. Kumbaga inilatag ni Direk Brillante ang mga facts. So ano’ng gagawin natin?

TAKLUB: PELIKULANG GINTO SA GITNA NG MGA BASURANG PELIKULA


ni : Rhyan F. Cotas

Ika-16 ng Setyembre ng napanood ko ang Taklub sa Robinson Galerria Cinema 4 kasama ko ang aking better half pumasok kami. Masasabi ko na konti lang kaming nanood. Mga nasa sampung katao pero di iyon dahilan para di ko magustuhan ang pelikula. Kung lilimiin napahanga ako ni Brillante dahil di nya inihain ang pelikula sa isang melodramang paraan na ang eksena ay punong puno ng highlight, iyakan, pagpapaawa ng bida o akting na akting na mga eksena para mapansin ang husay ng mga artista. Ang naramdaman ko yung paghihirap ng mga taong nasalanta ng bagyong Yolanda, sabi ko sa wifey ko , ang bigat, ang sakit sa dibdib- humihiwa sa puso ko ang bawat eksena na inilalatag ng pelikula.  Naramdaman ko yung pagkawala ng pamilya ni Renato, yung sugat na iiwan sayo na halos sabay-sabay na namatay ang iyong asawa at anak, nakasama ako ni Erwin saglit ng manakaw ang kanyang bubong ng bago nyang itinayong bahay, nakidalamhati ako kay Larry sa pagkawala ng pananampalataya nya sa Diyos ng ibaon nya ang imahen ni Hesus sa lupa, at bumigat ang dibdib ko ng nabasag ang mug na may larawan ng anak ni Bebeth.  Masaklap makita na ganito yung tunay na nangyari sa ating mga kababayan.  Napaisip ako paano kung duon ako nakatira sa Tacloban ?

Ang pelikulang ito ay hindi para sa mga ordinaryong manonood na naghahanap ng pagtakas sa realidad ng buhay.  Ang pelikulang ito ay gigising sa kamalayan mo bilang tao na dapat matuto kang magpasalamat na kahit papano di ka nakaranas ng mga nangyari sa Tacloban.  Ang pelikulang ito ay hindi para kumita o humakot ng mga manonood na ang gusto ay sex, pantasya, komedya o aksyon dahil hindi iyon ang dahilan kung bakit ito ginawa. Ang pelikulang ito ay isang kayamanan na dapat pahalagahan dahil magtuturo ito sa atin ng katotohanan sa buhay, na sa buhay di mawawalan ng problema at sa araw-araw di sigurado kung masosolusyunan nga ang mga ito.

Saludo ako sa mga producers ng Taklub at sa mga taong nasa likod ng pagkakagawa nito. Saludo ako kay Brillante dahil wala syang inisip kundi ibigay sa atin ang katotohan tanggapin man natin o hindi. Saludo ako sa mga nagsiganap sa pelikula, kay Lou Veloso bilang Renato napakahusay, kay Aaron bilang Erwin natural nyang nagampanan ang kanyang karakter, kay Julio Diaz bilang Larry, nais ko syang palakpakan dahil sa maningning n'yang nagampanan ang buhay na nawalan ng pag-asa sa Diyos at kay Nora Aunor sa kanyang paghulma sa katauhan ni Bebeth na tunay na nagpakinang muli ng kanyang pagiging henyo sa pagganap.


Bilang isang manonood na nakapanood na ng sandamakmak na pelikula masasabi ko na nag Taklub ay isang kayaman na maitituring. Isa itong gintong pelikula sa gitna ng mga naglipanang basurang pelikula sa ating panahon. Hindi nasayang ang pera at panahon ko bagkus nagbigay liwanag ito sa akin ng bagong dimensyon ng pagiging tunay na tao.Bottom of Form

KRITIKA NG TAKLUB: SAKUNA BILANG SULIRANING PAMANAHON SA "TAKLUB"


Jason  Pilapil Jacobo

----------o0o---------

Hinugot mula sa:

----------o0o---------

Sinisipat ng abot-tanaw ng pamemelikula ni Brillante Ma. Mendoza ang mga bakas ng sakuna na dulot ng unos na Yolanda sa “Taklub.” Sa panahong dinaratnan ng pelikula, halos isang taon na ang lumipas nang sinalanta ng sigwang Haiyan ang lungsod ng Tacloban, subalit malalim pa rin ang dalamhati ng loob ng nagsusumikap na makaalpas sa suliranin ng sakuna. Habang pinaiigting ng bumubungad na aksidenteng sunog sa tent city ang halos hindi na maaarok na dusa ng nasalanta, binubuksan naman, kahit baha-bahagya, ang ilang sitio kung saan maaaring gumapang pabalik sa rabaw ng danas ang abot-dili ng natataklubang diwa.

Kung sasaliksikin ang mga talahuluganan ng mga wika sa Visayas mula pa noong ikalabingwalong dantaon, mahihiwatigan sa mga entri sa “taclob/taclub” ang metonimiya ng proteksiyon, kung ang taklob ay pantakip, o saplot na nga sa katawan laban sa di mawaring kawalang katiyakan ng panahon sa ronang tropiko, lalo na ng Leyte, na nakalantad sa karagatang Pasipiko, kung saan unang nagwawasiwas ang mga siklon na kinatatakutan sa buong kapuluan. Naririyan din siyempre ang pagbanggit sa isang uri ng talaba na maaaring makalap mula sa mga baybayin ng Leyte, ang “taklobo,” na hindi malayong ituring din bilang metafora ng likas na resistans ng labas sa kabila ng pagiging delikado ng laman-loob. Kaya, interesante ang pinipiling salin sa pamagat. Bakit “trap” kaagad ang ipinalilitaw, at hindi “shelter”? Ano ang iginigiit sa balintiyakang pagpapa-aninaw na ito ng iisang panig lamang, ng bahaging “cul de sac” ng nag-iilang-diwang taguri sa gawi ng anumang katawan na takpan ang sarili sa harap ng matinding alinsangan at daluyong?

Sa isang mapanuring etnograpiya ng isang pulo sa Kabisayaan, ipinabanaag sa anyong tuluyan ni Jean-Paul Dumont ang hulagwayan ng gayong ilang-diwa, lalo na sa pagpapalawig ng danas-gugma. Tinawag niyang “visayan vignettes” ang hugis ng isinasagawa niyang metodolohiya ng pagtugaygay sa kanyang sapa-sapantaha hinggil sa “ethnographic trace.” Habang may pagmamalay sa anyo ng “sugilanon,” na maaaring katumbas ng “katha” ng mga Tagalog at ng “osipon” ng mga Bikolnon, tinurol ng antropologo ang mga bakas ng nakamihasnang ugali ng mga taga-Siquijor upang buoin ang isang ladawan ng mga damdamin/sentimyento, pakiramdam/sentido, at pagdaramdam/sentimentalidad na lumilinang sa isla bilang pulo nga ng di matataguriang pamumuhay at paghahanap-buhay sa agaw-dilim ng gugma.

Masasabing may taglay na pagkakaunawa sa gayong “miserabilismo” ang pelikula ni Mendoza. At kung babanatin pa, maaaring narating din ng kanyang nagsusugilanong katha ang gayong sensibilidad (bagaman mapakla [at halatang piniga pa ang tamis-pait mula sa lasang ito], produktibo gilayon ang pagbabatuhan ng mga asiwang linya sa pagitan ng Waray at Tagalog, upang ipabatid na dati pa man, isa nang “contact zone,” o pook-diitan, ang Tacloban, at higit itong mananatili bilang gayon dahil sa sakuna). Ginamit na kasangkapan ng dulang pampelikula ni Honelyn Joy Alipio ang apat na kuwadro ng kasalantaan: si Renato (Lou Veloso) na kinalayo ang natitirang mga supling mula sa inanod na ngang mag-anak; si Larry (Julio Diaz) na nagkabaun-baon sa lupa ang mga mahal sa buhay; si Erwin (Aaron Rivera) na nililipad-lipad ng hangin ang papeles ng pagkautas ng kanyang mga ginikanan; at si Bebeth (Nora Aunor) na naglalaum na buhat sa nukleotidong mababakas mula sa kanyang laway ay mababatid pa rin sa wakas ang mga bangkay ng mumunting padangat na itiniwalag sa kanya ng malulupit na ragasa.
Mahusay ang kuwadrilateral na pagpipitak-pitak na ito ng sinematograper na si Odyssey Flores ayon sa mga elemento ng ronang tropiko, upang ipahiwatig ang salaysay ng muling paglikha mula sa kalugmukang dulot ng tifon, dahil naisasaysay ang mahilahil pa ring pagluluwalhati na pinagdaraanan ng sinumang nababalaho sa luksa. Mayroong binubuo, oo, datapuwa, lagi namang natatalos ng panghuhubog ang alaala ng pinsala, kaya’t paulit-ulit na lalagapak, tulad ni Sisifo.

Alalaong-sana, nakalulundag ang pelikula lampas sa balag ng alanganin na hinahawan niya, subalit hindi. Nananatili ang tanaw-daigdig sa loob ng sakuna sa mismong kasalantaan na dahilan ng kanyang pamamanaag, at katwiran ng panganganino. Nabibigo ang salaysay ng mga napahamak na, na alpasan ang alapaap na akala niya’y nagpapalinaw ng kanyang sipat. Liban sa pagsasadula ng paglala ng burukrasya, wala nang ibang pinagbabalingan ng suri sa kung ano ang mali sa mga kalakarang panlipunan kaya ganoon na lamang ang kaguluhan. Sa pagyakap sa traumaturhiya ng mga nasakuna, ang nasasalat lamang ay pagsuko sa taumaturhiya, sa paniniwalang may panahon ng himala: maaaring hindi ngayon, maaaring hindi bukas, ngunit tiyak ang pagdatal nito, dahil nakalaan na nga ang panahong ipinangako, isasakatuparan na lamang ang nakaakda sa kalatas. Ang pinakamabuting gawin—ipasa-panginoong Maykapal na lamang ang lahat. Kaya ganoon ang wakas: isang sipi mula sa Ecclesiastes, at isang koro na magsisiawit na sasapit din ang ganap na pagkaligtas. Hindi ba’t batbat ng panganib ang ganitong maling panunumbalik sa Lumang Tipan, kung saan halos lahat naman ng desastre ay kalooban ng Diyos? Kaya pala ang taklub dito ay walang pakundangang bitag. Ito ang puno’t dulo ng isang katha na wala namang inihahandog na dahilan sa antas ng kayarian, kung bakit lumiwag ang kasalantaan, kung bakit ganoon pa rin ang kalagayan—sakuna, at sakuna lamang—kaya iniaasa sa isang teolohikal na paglalahad ang bukod-tanging pormasyon ng pagpapasya sa mga ipakilala sa simulang biktima. Ganoon na lamang ba ang sakuna, galing sa kalikasan, kaya’t ipauubaya na lamang din sa pag-inog ng mundo’t pagdausdos ng panahon?

Ganito man ang pangkalahatang suliranin ng pelikula hinggil sa tagal (tenure) ng sakuna, hindi naman matatawaran ang pagkiling nito sa kasandalian ng lunan, kahit pansamantala lamang, lalo na sa kapangyarihan nito na himatungin ang damdam ng hindi na magpapagaping kalooban. Kung gugma nga ang kalagayang pinapangarap sa kabila ng lahat ng desgrasya buhat sa mga pangyayaring itinuturing bilang likas, may karunungang bayan hinggil sa lugar nito sa paghahanap-buhay, na hindi mahihindian ang pag-usbong nito sa larang ng hilahil, tulad na lamang ng matatanto sa eksena kung saan inaawit at isinasayaw ang “Rosas Pandan.” Doon, natutunghayan ng pelikula ang paghuhubad ng takot na itinaklob sa katauhang nasalanta. Kaya’t nagagawang umindak ng mga paa at kamay na dati’y walang ibang atas kundi tiyakin na ang sarili’t kapuwa’y sa marahas na tubig, hindi pa natatangay.

At, buti na lamang, hindi napapagal ang isang Binibining Aunor! Gala siya nang gala sa bawat sulok ng sawing siyudad, nangangalap ng tulong para sa kaibigang nasalanta. Luto pa rin nang luto nang may maihain na longganisa’t itlog sa mga kumakatok sa kanyang karinderya. Nagpapatuloy ng mga walang masisilungang kapitbahay kapag ang mga ito’y natataranta sa kulog at kidlat na lumiligalig sa dagat. Nag-aampon ng ulilang tuta. Naghahagilap ng hiniwalayang bana, sa pag-asang may DNA match na magpapabatid sa kanyang may maililibing na bangkay ng inanod na anak. Nakamamangha na kahit na lumalim na ang kanyang pag-unawa sa tauhan matapos ang dekada-dekadang pagdurusa sa loob at labas ng kanyang banwa, may ilalalim pa pala ang balon ng kanyang abot-dama. Lubos pa sa lubos ang kalinangan niya na bagbagin ang damdam, na lansagin ang kayarian nito, alinsabay sa pagtuturo ng hibo ng dangal na itataklob sa kaloobang puspos ng bagabag. Sa mga sandaling nakalaan para sa nakakuwadrong luksa, kusa niya pipiliin ang laylayan, upang patatagin ang balangkas na maglalarawan sa dinadalanghati ng kapuwa. Kaya: hindi pa man tumitingala, batid na natin na matagal nang naghihinagpis ang nakatungong si Lou Veloso; wala pa man siyang binibigkas, gumuguho na ang wika kay Julio Diaz; hindi man makapalag buhat sa kanyang kinasasadlakang diwa, matitiyak natin na ninanasa ni Aaron Rivera ang isang pagkakataon sa liwanag.

Walang maliw na pagkamingaw at paghigugma ang pagpatak na iyon ng tiniis na luha mula sa hindi pa rin natin malirip-lirip na mata: Nora.