Written
by JUN ROBLES LANA
DIRECTOR'S CHAIR
Salamat sa Diyos
at maayos na naidaos ang premiere night screening ng Dementia noong September
21 sa Trinoma mall cinema 7. Na-stress ako ng bongga bilang producer. Parang
gusto ko na lang magdirek sa susunod. Ha! Ha! Ha!
8:30 PM na nang
magsimula ang screening pero alas-siyete pa lang ng umaga nasa Trinoma mall na
ang crew para ipasok ang mga gamit at magtayo ng stage. Naisip kong mamigay ng
loot bags na may lamang snacks sa ilang kaibigang manonood ng pelikula.
Eh kasi, ‘di ba
mas masayang manood ng sine ‘pag may kinukutkot ka? Kaya nu’ng umaga, namili pa
ako ng popcorn, kropek, pastillas at mineral water. Haggard pala. Talo ko pa
mamimigay ng relief goods sa dami ng kropek na pinagbibibili ko.
SRO ang screening,
at laking pasasalamat namin sa Trinoma mall na pumayag magpapasok ng mga tao sa
sinehan kahit wala nang upuan. Ang daming Noranians na lumapit sa akin,
nakikiusap na bentahan sila ng ticket.
Ipinaliwanag kong
invitational lang ang screening, naintindihan naman nila, pero naawa pa rin
ako, lalo sa mga taong galing probinsiya. ‘Yung isang Noranian, may regalo pang
shades para kay Direk Perci.
Nagawa naman
naming ipasok ang lahat ng tao. Pero sa sobrang dami, sa hagdan na lang kami
ng sinehan umupo. Dapat magkakasama kami sa isang hilera ng mga upuan nina Ate
Guy, Jasmine Curtis-Smith, Bing Loyzaga, Chynna Ortaleza, Yul Servo, Althea
Vega at Jeric Gonzales.
Kaso nagkagulo na
sa seating arrangement. Pati ang mga bisitang sina Eugene Domingo, muntik nang
mawalan ng upuan.
Hindi bale. Ilang
beses na naman naming napanood ang Dementia. Mas gusto naming panoorin ang
reaction ng audience.
Pero ang hirap
pala ng may katabing direktor kahit asawa mo siya. Lagi akong sinisiko,
paulit-ulit na tinatanong kung maganda ba ang pelikula.
Ganyan din ako
dati sa kanya noong hindi pa siya nagdidirek. Ha! Ha! Ha! Pwes ngayon alam na
niya ang pinagdadaanan ko.
Pagbubuhat ng
bangko ‘pag sinabi kong maganda ang pelikula. Kaya uulitin ko na lang ang Grade
A na nakuha nito Cinema Evaluation Board. At ang pagkakapili nito para
mag-compete sa Fantasporto International Film Festival sa Portugal.
Isa ang Fantastorpo
sa pinakamatanda at pinakamalaking horror/fantasy film festival sa Europe.
Pero siyempre,
para sa isang horror film na tulad ng Dementia, wala nang mas titindi pang
karangalan ang sigawan at tilian ng tao sa premiere night screening nito.
Ilang beses ding pinalakpakan si Ate Guy, lalo na ‘yung eksenang ilang minutong
nakatutok lang ang camera sa mga mata niya.
Nanood sa
screening ang ilang kaibigan kong taga-New York na kasalukuyang nagbabakasyon
dito. Hindi sila masyadong pamilyar sa mga artista natin, pero bukod kay Ate
Guy, hangang-hanga sila kay Jasmine Curtis-Smith, na ilang beses ding
pinalakpakan ng audience. Ngayong Miyerkules, September 24, na ang showing ng
Dementia.
----------
Image: Erickson Dela Cruz
No comments:
Post a Comment