Wednesday, March 12, 2014

THE HUMBLE BEGINNINGS OF THE GOLDEN VOICE


----------o0o----------

Sources: 

----------o0o---------

"Ang routine kasi ng pamilya namin noon, mga alas 6:00, nagro-rosaryo kami, everyday po 'yon. Pagkatapos magrosaryo, kakain. Tapos pagkain, mga 30 minutes 'yan, nagku-kwentuhan, kantahan, bago matulog. E, lahat naman kami kumakanta. Kaya nga lang, sorry sa mga kapatid ko, mas may pinakamaganda akong boses kaysa sa kanila. So, nung bandang huli, may nagsabi sa akin na 'Bakit hindi ka sumali sa Liberty Big Show?' Sa Naga nung araw. Sa radyo po 'yon. Tapos, may kaibigan naman ako doon na marunong maggitara. Lito nga ang pangalan nun. Salamat naman, hindi ko nakalimutan. Siya yung nagtiyaga na maggitara-gitara sa akin nung araw. So, sumali ako sa Liberty Big Show. Nag-dalawang linggo rin naman akong champion. Kaya lang, pangatlo natalo na ako kasi wala akong ibang kanta. Yung 'You and the Night and the Music' at saka yung 'The Wedding.' So, kinanta ko uli yung 'You and the Night and the Music.'


"Ang radyo, hinihiram ko sa kapitbahay. Yung kapitbahay namin, medyo may kaya. May radyo sila. Hinihiram ko yung radyo. Doon ako naghahanap ng mga kanta. Pag may nagustuhan ako, dun lang ako nagme-memorya...sa radyo. Ano lang, pakinig lang. Hindi ako...kaya kung minsan, ang daming mali, e. Pero basta yung tono tama, okay na sa 'kin 'yon. 'Yun. Sa radyo. Binabalik-balikan ko 'yon at saka inaabangan ko."

No comments:

Post a Comment