Pages

Monday, January 20, 2014

Friday, January 10, 2014

THE NORA AUNOR PHOTO QUIZ




Mahuhulaan niyo ba kung ano ang kahulugan ng bawat litrato sa collage na ito? Lahat ng 30 na litrato na iyan ay may kinalaman kay Nora Aunor, sa kanyang personal na buhay, sa kanyang career at sa kanyang mga pelikula.

Sasagutin na namin ang unang litrato bilang bonus: ito ay larawan ng pumuputok na bulkang Mayon na nasa rehiyon ng Bicol. Alam ng lahat na ang Superstar ay tubong Bicol.

Paalala: Maaari ninyong i-download ang collage upang mapalaki at mas maging malinaw.


*Photos from various internet sources

30 POINTS TO NORA AUNOR




How well do you know the one and only Superstar Nora Aunor? Do you know her height? Her shoe size? Who first called her Superstar, and not just superstar?

Don't look now, but still, a lot of Noranians don't know much about her open-book life, her stellar career, and her impressive body of work as a film and music practitioner. In fact, Wikipedia had Maria Leonora Theresa as her real name for several years until it was corrected only over a year ago. Her IMDB (Internet Movie Data Base) profile, however, still needs to be corrected as it has Maria Leonora Teresa Villamayor as her birth name.

When is one called a true-blue Noranian? What does it take to be a staunch supporter of the one and only Superstar?

Believe it or not, there's still a few out there who haven't seen her most significant and most celebrated film "Himala," even if it's repeatedly shown on TV and has been available on DVD and VCD for several years now. With ubiquitous internet and cable technology nowadays, we dare say there's really no excuse.

Arguably, the most qualifying characteristic of a Noranian is the capacity to get hurt easily when bad news or falsehood is being spread about her, when she is being called names or when insults are being thrown her way. 'Yung tipong nasasaktan ka kapag nakakarinig ka ng hindi magandang balita, tsismis o haka-haka tungkol sa kanya. It just means Nora is not just an obsession; she dwells in your heart.

In this light, a dyed-in-the-wool Noranian should be able to answer all of the following questions. Mind you, it's 30 points to Nora Aunor. Is it fair to say that anything less is unacceptable? Well, okay, 29 points will do.

Ready?

Go!

No cheating please.


1. Halos lahat ng mahuhusay na direktor, kasama na ang ilang mga National Artists, ay bilib sa husay ni Nora pagdating sa aktingan. Kahit ang pumanaw nang si Direk Marilou Diaz-Abaya ay minsan nang nagsabing hindi kumpleto ang kanyang directorial career kung hindi niya makakatrabaho ang Superstar. Sino sa mga sumusunod na direktor ang mukhang hindi kasali sa grupo?

A. Joel Lamangan
B. Leroy Salvador
C. Chito Rono
D. Joyce Bernal
E. Frank Rivera
F. C & E
G. None of the above

2. Gaya rin ng karamihan sa mga artista, nakatapos si Nora ng high school ngunit hindi na nakapagpatuloy sa kolehiyo dahil siya'y naging abala na sa pag-aartista at pagkanta. Ang maging isang guro ang naging pangarap niya noon. Sa "Tatlong Taong Walang Diyos" ay isang guro ang karakter ni Rosario. Saan nagtapos ng high school ang Superstar?

A. Mabini Memorial Colleges (Iriga)
B. Centro Escolar University (Paranaque)
C. San Antonio National High School (Iriga)
D. Iriga Central School (Iriga)
E. Nichols Air Base High School (Pasay)
F. Camarines Sur National High School (Naga)
G. None of the above

3. Hindi sapat ang espasyong ito kung iisa-isahin ang mga personalidad na humahanga kay Nora Aunor. Tinawag ni Lea Salonga si Nora na, "Genius!" Ang character actress na si Vangie Labalan naman ay minsan nang nagsabing para siyang sinaniban ng kakaibang elektrisidad nang magka-eksena sila sa "Himala." Ang actor-turned-congressman na si Alfred Vargas ay nangako pang padadalhan ng plane ticket si Nora para lang umuwi sa Pilipinas. Nang nasa Amerika naman si Nora ay nagwika si Lorna Tolentino na dapat na talagang maging National Artist si Nora. Aminado rin si Judy Ann Santos na wala siya sa kalingkingan ng mga narating ni Nora kahit pa marami rin siyang tapat na tagahanga. Ang 1969 Miss Universe na si Gloria Diaz naman ay pakikining sa musika ni Nora ang paraan ng pagre-relax. Sino namang personalidad ang nagsabing, "Siguro katanggap-tanggap lang ang 'attitude' sa artista kung Nora Aunor level ka na?"

A. Joel Lamangan
B. Ces Orena-Drilon
C. Elwood Perez
D. Sarah Geronimo
E. Eddie Garcia
F. Brillante Mendoza
G. None of the above

4. Marami-rami rin ang mga pelikulang dapat sana ay nagawa't natapos ng Superstar, ngunit sa iba't ibang dahilan ay hindi na natuloy. Isa na rito ang "Greatest Performance" na isa sanang entry sa 1989 MMFF ngunit hindi nakapasa sa panlasa ng MMFF screening committee dahil wala raw "commercial viability." Noong 1985 naman ay susundan sana ng Cherubim Films ng Noranian na si Cherry Cobarrubias ang matagumpay na "Bulaklak sa City Jail" ng isa pang pelikula, ang "Maesta Violeta," ngunit hindi na rin ito natuloy. Bukod sa "Greatest Performance," ano pang pelikula ang dinirek ni Nora?

A. "Alkitrang Dugo"
B. "Nino Valiente"
C. "Kung May Gusot, May Lusot"
D. "Dalawang Mukha ng Tagumpay"
E. "Ang Isinilang Ko'y Hindi Ko Tunay Na Anak"
F. "Pinakasalan Ko Ang Ina Ng Aking Kapatid"
G. None of the above

5. Itinuturing na isa sa pinakamatamis na tagumpay ni Nora sa kanyang career ang pagkapanalo niya ng Best Performer para sa "Atsay" noong 1978 MMFF. Kahit down na down ang "morale" ng Superstar, nagawa pa rin nitong ikubli ang matinding lungkot at lakas-loob itong dumalo sa awards night. Ano ang tunay na dahilan sa likod ng MMFF acceptance speech ni Nora na "Mamay, mali ang hula nila!?"

A. Dahil halos lahat sa showbiz, kasama na ang tanyag na Nostradamus of Asia na si Jojo Acuin, ay humula na matatalo si Nora sa pagka-Best Performer
B. Dahil si Mamay Belen ang tunay na nasaktan sa mga naglabasang publisidad at balita na matatalo raw ang kanyang anak sa pagka-Best Performer
C. Dahil nabanggit ng kanyang ex-husband na si Christopher de Leon sa isang interview na di siya umaasang mananalo para sa "Garrote: Jai-Ali King" at sa tingin nito'y si Vilma Santos ang mananalo
D. Dahil nakatanggap ng "leakage" ang kampo ni Nora ilang oras bago ang awards night, na hindi siya ang tatanghaling Best Performer
E. Dahil nagpahula ang kanyang ina sa sikat na manghuhula na si Rene Mariano at sinabihan itong matatalo raw ang kanyang anak
F. Dahil hinulaang mangingitlog sa takilya ang "Atsay" at huling baraha na ito ni Nora
G. None of the above

6. Si Nora ang tinatawag na "Festival Queen" dahil siya ang may record ng pinakamaraming Best Actress awards (kasama ang isang Best Performer) sa MMFF. Tumabo rin sa takilya ang ilan sa kanyang mga pelikula. May mga panahon ding dala-dalawa ang kanyang entries na tunay namang nagpapasigla sa festival. Kaya katakataka rin na ilang pelikula rin nito ang na-reject dahil sa kawalan ng "box-office potential." Anong pelikula ni Nora ang tinanghal na Best Picture ng MMFF ngunit may iilan ding kumwestiyon dito ngunit ipinagtanggol naman ng mga hurado sa pangunguna ng noo'y Chairman ng Board of Jurors na si Lamberto Avellana?

A. "Ina Ka ng Anak Mo"
B. "Kasal-Kasalan, Bahay-Bahayan"
C. "Atsay"
D. "Bona"
E. "Bakya Mo Neneng"
F. "Minsa'y Isang Gamu-Gamo"
G. None of the above

7. Isa ang "Huwag Hamakin: Hostess" (1978) sa mga pelikula ni Nora na hindi masyadong kumita sa takilya. Naniwala ang direktor nitong si Joey Gosiengfiao na kahit maganda naman ang materyal ay hindi tugma ang chemistry ng cast dahil sexy ang imahe nina Alma Moreno at Orestes Ojeda, samantalang wholesome at conservative naman ang kay Nora. Sa ending ng pelikula, kanino napunta ang pilyo at simpatikong karakter ni Orestes?

A. Alma Moreno
B. Nora Aunor
C. Vilma Santos
D. Tina Monasterio
E. Trixia Gomez
F. Bella Flores
G. None of the above

8. Ang mga Noranians na siguro ang pinakamatatag, pinakamalawak at pinakamalakas na puwersa ng mga tagahanga sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino dahil na rin sa kakaibang karisma ng kanilang idolo. Ang fundraising campaign na "Mamera Para Kay Nora" noong dekada '70 ay binuo ng mga Noranians para sa

A. Las Pinas Bamboo Organ
B. Hospicio de San Jose
C. Tahanang Walang Hagdanan
D. Golden Acres
E. mga biktima ng bagyong Kading (o Rita)
F. Star Scouts of the Philippines
G. None of the above

9. Dahil sa matinding nais ni Nora na malinang ang kanyang galing sa pagganap at makilala bilang isang seryoso't mahusay na aktres, itinayo nito ang NV Productions, na kalaunan ay naging NCV Films bilang pagkilala sa apelyido (Cabaltera) ng kanyang ina. Kahit noon pa ay pioneer na ang Superstar sa "indie films." Ito ang dahilan kaya dalawang beses siyang pinarangalan ng Cinema One Originals - One of 15 Cinema One Legends noong 2009 at One of the Originals in Philippine Cinema noong 2012. Ano ang kauna-unahang pelikulang handog ng NV Productions?

A. "Carmela"
B. "Banaue"
C. "Paru-Parong Itim"
D. "Tisoy"
E. "Alkitrang Dugo"
F. "Tatlong Taong Walang Diyos"
G. None of the above

10. Ang isang pinaka-kahangahanga at pinakamalaking tagumpay ni Nora ay nang magwagi ito bilang Best Performer noong 1978 MMFF para sa pelikulang "Atsay." Ibig sabihin, iisa lang ang ipinamigay na acting award, bagay na iba sa nakagawian noong naunang tatlong taon. Kinilatis ng mga hurado ang mga aktor at aktres ng mga kalahok sa pelikula, bida man o support. Taliwas sa alam ng marami, hindi si Vilma Santos ang pinakamahigpit na katunggali ni Nora, kundi si Phillip Salvador na gumanap na obsessed rapist sa "Rubia Servios." Nakalaban din ni Nora sina Amy Austria at Ely Roque para sa "Atsay." Ilan ang Best Performer awards ni Nora?

A. 1
B. 3
C. 4
D. 5
E. 6
F. 7
G. None of the above

11. Noong 2004, matapos ang pagpapalabas ng "Naglalayag" sa Manila Film Festival at paghahakot nito ng awards, nagpasya na si Nora na mamalagi sa Amerika. Aminado ang Superstar na matinding hirap ang kanyang pinagdaanan doon. Ngunit isang magandang bagay ang kanyang naranasan - ang mamuhay nang simple at walang nakikialam. Sa panahon ding ito nagkamit ng ilang karangalan ang Superstar sa kabila ng lahat ng mapait na pinagdaanan nito. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga karangalang ito?

A. Idineklarang "Nora Aunor Day" ang May 21, 2004 ng Mayor ng San Francisco, California
B. Idineklarang "Nora Aunor Day" ang September 23, 2006 ng Mayor ng Killeen City, Texas
C. Ginawaran siya ng Certificate of Recognition for Phenomenal Talent & Extraordinary Performance ng Governor ng Las Vegas, Nevada noong 2006
D. Pinagkalooban siya Milestone Lifetime Achievement Award sa 19th Reflection Awards na ginanap sa Los Angeles, California noong 2007
E. Tinanghal ang "Himala" bilang Best Asia-Pacific Film of All Time (Viewers' Choice) ng CNN Asia Pacific Screen Awards (APSA) noong 2008
F. Napili siya bilang Best Actress of the Decade ng Green Planet Movie Awards na ginanap sa Hollywood noong 2010
G. None of the above

12. Noong early 70's, hindi na maawat ang kasikatan at tagumpay ni Nora sa larangan ng pelikula at musika. Dahil nagmula sa Tawag ng Tanghalan, puro mga musical ang mga pelikula ng Superstar noon. Minsan nga'y naglalagare siya sa ilang pelikula nang hindi niya namamalayan. Sinasabi pa nga na sa sobrang katanyagan ni Nora, kahit patayuin lang siya sa ilalim ng puno at pakantahin, saka pagilingin ang kamera, sigurado nang box-office hit ang pelikula. Kabi-kabila rin ang mga romantic movies nito, katambal si Tirso Cruz III, Manny De Leon, Cocoy Laurel, Jay Ilagan, Walter Navarro, Sajid Khan, atbp. Anong taon nakagawa si Nora ng 18 pelikula, isang record na siya lang ang nakagawa?

A. 1970
B. 1971
C. 1972
D. 1975
E. 1976
F. 1984
G. None of the above

13. Sinasabing si Nora ang pinakamahusay na aktres ng bansa. Isang kalamangan niya sa ibang mga artista, babae man o lalake, ay ang kanyang nangungusap na mga mata. Siya ang ginagawang basehan ng tamang pagganap kaya palaging siya ang una sa listahan ng mga pinakamagaling na aktres ng bansa. Kahit walang dialog, kaya niyang iparating sa mga manonood ang kanyang emosyon. Mayroong kwento na kaya ni Nora na magpatulo ng luha sa iisang mata lamang, isang bagay na pinatotohanan ng premyadong manunulat na si Ricky Lee sa shooting ng "Himala." Nilunok din ni Lino Brocka ang kanyang unang pahayag na ayaw niyang makatrabaho ang mga superstar na gaya ni Nora. Gulat na gulat ang direktor sa ipinakita nitong husay sa eksenang "Hayup! Hayup!" sa "Ina Ka Ng Anak Mo." Saang pelikula nakakuha si Nora ng kanyang kauna-unahang acting nomination?

A. "Tatlong Taong Walang Diyos"
B. "Magandang Gabi Sa Inyong Lahat"
C. "And God Smiled At Me"
D. "Nasaan Ka, Inay?"
E. "Fe, Esperanza, Caridad"
F. "A Gift of Love"
G. None of the above

14. Isa si Cherry Pie Picache sa mga hinahangaang artista sa kasalukuyan. Gaya ni Nora, nakatanggap na rin ito ng ilang international awards. Sa katunayan, magkasunod na taon siyang naging Best Actress sa Durban International Film Festival - "Kaleldo" noong 2007 at "Foster Child" noong 2008, parehong dinirek ni Brillante Mendoza. Bahagi siya ng Best Performer (Ensemble) award ng "Tanging Yaman" mula sa Young Critics Circle (YCC). Dalawang beses na rin siyang naging Urian Best Actress at nakakuha ng lima pang nominasyon (2 para Best Actress at 3 para Best Supporting Actress), kaya isa siya sa napili ng mga Manunuri bilang Natatanging Aktres ng Dekada 2000. Gaya ni Nora, si Cherry Pie ay ipinanganak din sa buwan ng Mayo. Anong pelikula ni Cherry Pie ang unang in-offer kay Nora, kung saan ang pangalan ng kanyang karakter ay "Tere," na siya ring pangalan ni Nora sa "Ikaw Ay Akin?"

A. "Mila"
B. "Kaleldo"
C. "Birhen ng Manaoag"
D. "American Adobo"
E. "Foster Child"
F. "Isda"
G. None of the above

15. Sa panahon ngayon, sinasabing mahirap nang manalo ang isang artista sa lahat ng award-giving bodies. Malabo na raw maka-"grand slam" ang isang artista dahil iba't iba na ang panlasa at motibo sa pagpili ng mga hurado ng mga nagsipagwagi. Ngunit iisa ang totoo - paborito si Nora ng mga kritiko at mga nasa akademya dahil sila ang tunay na nakakaalam ng tamang pagganap. Si Nora ang may pinakamaraming nominasyon sa Urian at tropeo sa YCC. Kung siya ay dalawang beses naging Pinaka-PASADOng Aktres ng Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro), ilang beses naman siya naging Kapuripuring Aktres ng Gawad Tanglaw?

A. 6
B. 5
C. 4
D. 3
E. 2
F. 1
G. None of the above

16. Dahil si Nora ang itinuturing na pinakamahusay na aktres sa bansa, siya ang mistulang basehan kung mahusay bang umarte ang isang baguhan. Marami nang tinawag na "the next Nora Aunor" gaya nina Judy Ann Santos, Sarah Geronimo, Angeline Quinto, Kathryn Bernardo, atbp kahit ang totoo'y wala sila sa kalingkingan ng natamong kasikatan at karangalan ng Superstar. Kahit sa mga ilang lalaking artista, minsan ay tinatawag silang "lalaking Nora Aunor." Si Coco Martin ang isa sa mga aktor na madalas na tinatawag na "lalaking Nora Aunor" dahil sa husay nitong umarte at sa kanyang "humble beginnings." Kahit ang kabataang aktor na si Daniel Padilla ay tinatawag rin na "Nora Aunor" ng kanyang mga tagahanga. Isa lang ang ibig sabihin nito - na kadalasang iniuugnay ang pangalan ng isang kabataan o baguhan kay Nora dahil ito'y isang malaking karangalan. Sino sa mga sumusunod ang hindi kailanman tinawag na "lalaking Nora Aunor?"

A. Rico J. Puno
B. Wowie de Guzman
C. Celso Ad Castillo
D. Romnick Sarmenta
E. Robin Padilla
F. Lito Lapid
G. None of the above

17. Ang "Himala" ang itinuturing ng maraming Pilipino na "greatest Filipino film of all time" at si Nora naman ang "greatest Filipino actor of all time." Ang pagganap ni Nora bilang Elsa sa pelikula ang itinuturing ng karamihan na "greatest performance by an actor." Ang kabalintunaan nito, inisnab ito ng mga award-giving bodies noong 1983. Naging "makamandag" ang opinyon ni Armida Siguion-Reyna na wala naman daw kagila-gilalas sa ipinakita ni Nora dahil dumipa lang ito nang dumipa at tumingala nang tumingala. Sa katunayan, ni hindi na-nomina sa FAMAS si Nora para sa "Himala." Sa halip ay sa "Mga Uod At Rosas" siya naging nominado. Dalawang pelikula ni Nora ang ipinalabas nang panahon ng Semana Santa (Holy Week). Ito ay ang "Munting Santa" at ang

A. "My Prayer"
B. "Mama, Dito Sa Aking Puso"
C. "A Gift of Love"
D. "My Beloved"
E. "And God Smiled At Me"
F. "Beloved"
G. None of the above

18. Ang artistang si Amalia Fuentes ang kauna-unahang inidolo ni Nora, ngunit ang kanyang paghanga ay nabaling kay Susan Roces. Ano ang kwento sa likod nito?

A. Si Nora ay tinanggihan ni Amalia Fuentes na makasama sa isang pelikulang ididirek sana ni Artemio Marquez sa Tower Productions.
B. Hindi nagkasundo ang kanilang managers tungkol sa billing para sa pelikulang pagsasamahan sana nila sa Sampaguita Pictures.
C. Nagkaroon ng relasyon sina Vilma Santos at Romeo Vasquez na ex-husband ni Amalia.
D. Minsang hindi tumugma ang mga labi ni Nora sa pisngi ni Amalia nang magkaroon ng pagkakataong mahalikan nito ang kanyang idolo. Sa murang isip ni Nora, inakala niyang ang pangyayaring iyon ay hudyat na hindi nakatakda si Amalia bilang idolo para sa kanya.
E. Tinanggihan ni Amalia Fuentes ang alok ng NV Productions na "Mrs. Teresa Abad, Ako Po Si Bing" kaya ito ay napunta kay Charito Solis.
F. Nag-alok si Susan Roces kay Nora ng isang pelikulang pagsasamahan nilang dalawa para sa kanyang Rosas Productions na ididirek naman ni Ronwaldo Reyes A.K.A. Fernando Poe, Jr.
G. None of the above

19. Ano ang kahalagahan ng January 25, 1975 kay Nora?

A. Ikinasal sina Nora at Christopher ni Father Alloysius Rodriguez sa dagat ng Bauang, La Union
B. Ipinanganak si Ian sa Cardinal Santos Medical Center
C. Nagkaroon ng grand press conference sa Manila Hotel ang "Tatlong Taong Walang Diyos"
D. Nai-feature siya sa Filipino Heritage (Vol. 5 p. 1237), ang kauna-unahang Philippine Pictorial Encyclopedia of History and Culture of the Bicolanos.
E. Nagkaroon ng premiere night ang "Banaue" sa Life Theater na dinagsa ng napakaraming manonood
F. Nanalo si Nora ng PATAS (Sinag) award para sa Makulay Na Daigdig Ni Nora at tinalo ang mga batikang artista
G. None of the above

20. Noong October 28, 2012, nag-host ang PLDT-Smart Foundation ni Manny V. Pangilinan ng isang tribute para sa mga guro sa ilalim ng Gabay Guro program na pinamumunuan ni Chaye Cabal-Revilla, ang maybahay ni Bacoor City Mayor Strike Revilla. Ilan sa mga dumalo sa nasabing okasyon ay sina Nora, Gary Valenciano, Aga Muhlach, Cesar Montano, Robin Padilla, at Derek Ramsay. Sinong senador na naging panauhin din ang tuwang tuwa na nakasalamuha niya ang Superstar at nag-post pa ng kanilang picture sa twitter?

A. Loren Legarda
B. Koko Pimentel
C. Cynthia Villar
D. Grace Poe-Llamanzares
E. Anthony Golez
F. Leila de Lima
G. None of the above

21. Ang "Dekada 70" na isinulat ni Lualhati Bautista, na siya ring sumulat ng "Bulaklak sa City Jail," ay nagbigay kay Vilma ng ilang local Best Actress awards. Ito ay unang in-offer kay Nora. Kay Nora rin unang inalok ang pelikulang "Miss X" na sinulat ni Ricky Lee at dinirek ni Gil Portes, subalit tinanggihan niya ito dahil sa maseselang eksena. Alin naman sa mga sumusunod na pelikula ni Nora ang unang in-offer kay Vilma bago napasa-kanya?

A. "Bongga Ka, Day"
B. "Bad Bananas sa Puting Tabing"
C. "Hello, Goodnight, Goodbye"
D. "Bakit May Pag-ibig Pa?"
E. "Beloved"
G. "Disco Baby"
F. None of the above

22. Sa lahat ng artista, si Nora ang may pinakamaraming karangalan na naiuwi sa bansa mula sa mga international film festivals. 1981 nang siya'y unang magawaran ng Certificate of Honor mula sa Cannes International Film Festival para sa "Bona." Para sa "Himala" naman siya kamuntik na magwagi bilang Best Actress (Silver Bear) kung siya lamang ay nakadalo sa Berlin International Film Festival. Taong 1995 naman niya naiuwi ang Princess Patatan statue (Best Actress) ng Cairo International Film Festival para sa "The Flor Contemplacion Story." "Thy Womb" naman ang nakapagbigay sa kanya ng apat na international Best Actress awards. Si Nora rin ang may tala bilang kauna-unahang Pilipino na naging hurado ng anong international film festival?

A. Hawaii
B. Cannes
C. Sakhalin
D. Berlin
E. Toronto
F. Brussels
G. None of the above

23. Para kay Nora, hindi malilimutan ang pinagsamahan at pagkakaibigan nila ni Dolphy. Ito ang dahilan kaya naging emosyonal si Nora noon sa isang panayam noong panahong nakaratay sa ospital ang Comedy King, pati na rin sa isang tribute para rito. Inamin ng Superstar na isa si Dolphy sa mga laging handang tumulong sa kanya noon kapag siya'y nangangailangan. Ito rin ang isa sa mga ninong ni Ian. Nagkasama ang dalawa sa "My Bugoy Goes to Congress," "Kaming Matatapang Ang Apog" at "Jack & Jill of the Third Kind." Saang pelikula naman nakasama ni Nora ang noo'y tanyag din na komedyante na si Chiquito?

A. "Happy Days Are Here Again"
B. "Binibini ng Palengke"
C. "Kondesang Basahan"
D. "The Singer and the Bouncer"
E. "Ang Bulag, Ang Pipi at Ang Bingi"
F. "Dash a Lotsa Nonsents!"
G. None of the above

23. Malaking bahagdan ng career ni Nora ang tambalang "Guy and Pip," lalo na noong siya'y nagsisimula pa lamang. Wala pa ring nakakapantay sa katanyagan ng tambalan ng dalawa, kahit sa panahon ngayon na sinasabing kailangang may ka-love team ang isang artista para sumikat. Naging tanyag din noon ang tambalang Nora-Manny De Leon, ngunit kay Christopher De Leon ibinigay ng Superstar ang kanyang matamis na oo. Sino sa mga sumusunod na aktor ang hindi na-link o natsismis noon kay Nora?

A. Si Joel Torre na naunang sumikat sa pelikulang "Oro, Plata, Mata" at nakasama niya sa "I Love You Mama, I Love You, Papa"
B. Si Danny Vanni (Danny Giovanni) na isang Amerikano at naging escort niya sa 1982 MMFF Awards Night
C. Si Juan Rodrigo na pinakilala sa "Annie Batungbakal" at gumanap na manliligaw ni Nora sa "Ang Totoong Buhay ni Pacita M"
D. Si Jeric Soriano na anak ng yumaong aktor na si Nestor De Villa at naging direktor ng "Hotshots" nina Gary Valenciano at Aga Muhlach
E. Si Chito Arceo na executive ng IBC 13 at cast member ng "Chicks to Chicks"
F. Si Johnny Delgado na nakasama niya sa "Super Gee," "Banaue" at "Mga Uod At Rosas"
G. None of the above

24. Si Nora ay nakagawa na ng humigit kumulang sa 175 na pelikula. Marami sa mga ito ay itinuturing nang klasiko gaya ng "Himala," "Tatlong Taong Walang Diyos," "Bona," "The Flor Contemplacion Story," atbp. Si Nora rin ang may hawak ng record ng may pinakamaraming local at international acting awards. Marami rin siyang pelikula na mahusay ngunit hindi masyadong nabigyan ng karampatang publisidad o promosyon kaya hindi naging matagumpay sa takilya. Anong pelikula ni Nora ang itinuturing ng karamihan sa mga Noranians na pinaka-underrated sa lahat?

A. "Bakit Bughaw Ang Langit?"
B. "Naglalayag"
C. "Minsan, May Isang Ina"
D. "Bakit May Pag-ibig Pa?"
E. "Kastilyong Buhangin"
F. "Babae"
G. None of the above

25. Bago pa man naging no. 1 endorsers sina Kris Aquino, Sharon Cuneta, Piolo Pascual, Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz, at Anne Curtis, nauna nang naging paborito ng mga kompanya si Nora lalo na noong nasa rurok siya ng kasikatan. Dahil sa napakarami nitong tagahanga, nagiging mabenta at instant hit ang bawat produkto, bagay o lugar na kanyang ini-endorso. Alin sa mga sumusunod ang hindi inendorso ni Nora?

A. Security Bank
B. Modess sanitary napkin
C. Good Earth Emporium
D. Colgate toothpaste
E. Mabuhay Mortgage
F. Liberty Condensed Milk
G. None of the above

26. Noong dekada '70 ay naging mahigpit na magkaribal sina Nora at Vilma kahit na sinasabing lamang sa galing at talento si Nora dahil ito'y isa ring mang-aawit at mas naunang nakilala na mahusay na artista. Dito gumawa ng diskarte si Vilma upang hindi siya mapag-iwanan, gaya ng pagsayaw at pagpapa-sexy. Sa huling bahagi ng dekada '70, naging mas matindi pa ang labanan ng dalawa kaya't sinasabing pareho silang naaapektuhan ng kanilang rivalry. Tumagal hanggang dekada '80 ang kanilang matinding tunggalian. Ano ang sinasabing nagsilbing hudyat ng pagkawala ng "pader" sa pagitan ng dalawa na siyang naging daan sa kanilang pagkakaibigan?

A. Nang sadyain ni Nora si Vilma sa kanyang hotel at bigyan ng malaking boquet of roses, na balitang paborito ng Star for All Seasons
B. Nang alukin ni Direk Danny Zialcita ang dalawa na magsama sa isang pelikula noong 1982 - ang "T-Bird at Ako" na natapos naman nang walang aberya o matinding intriga
C. Nang dalawin ni Vilma si Nora sa Cardinal Santos Medical Center matapos itong maaksidente sa shooting ng "Himala" sa Paoay noong 1982
D. Nang magkaroon ng victory party ang kampo nina Nora at Vilma sa iisang lugar pagkatapos mag-tie ang dalawa sa pagka-Best Actress sa Gawad Urian noong 1990
E. Nang magsama ang dalawa, kasama si Sharon Cuneta sa isang pictorial session para sa anniversary ng Viva Films noong 1985, kung saan silang tatlo'y nagkwentuhan, nagtawanan, nagbiruan, at nagkapalagayan ng loob
F. Nang maging aktibo ang dalawa bilang mga miyembro ng electoral college ng Actors Guild ng Film Academy of the Philippines at manalo si Fernando Poe, Jr. na naging malapit sa dalawa
G. None of the above

27. Inatasan ni Dr. Jose Perez ng Sampaguita ang komedyanteng si German Moreno para puntahan at kausapin si Nora upang ito'y kumbinsihin na maging artista at gumawa ng pelikula. Noo'y inakala ng Superstar na nagbibiro lamang si German pero ibinigay rin nito ang kanyang matamis na oo at kalauna'y pumirma na rin ng kontrata sa Sampaguita Pictures noong October 2, 1967. Sino naman ang nagrekomenda kay Nora kay Buddy De Vera ng Alpha Records para maging contract artist?

A. Pilita Corrales
B. Bobby Gonzales
C. Pepe Pimentel
D. Fides Cuyugan-Asencio
E. Al Quinn
F. Carmen Soriano
G. None of the above

28. Ilang mga artista na rin ang tinawag na "phenomenal" dahil sa kanilang biglaang pagsikat gaya nina Robin Padilla, Coco Martin at Daniel Padilla. Ngunit ang orihinal na binansagang "phenomenal" ay walang iba kundi si Nora Aunor. Sa katunayan, wala pang nakakapantay sa laki at lawak ng kanyang kasikatan. Kailan sinasabing nagsimula ang pagtawag kay Nora bilang "phenomenal?"

A. Nang gawin niya ang kanyang kauna-unahang pelikula, ang "All Over The World" na tumabo sa takilya kahit support lang ang papel na kanyang ginampanan
B. Nang ang kanyang lingguhang palabas na Superstar ang tanging pinayagan ng administrasyong Marcos na ipalabas sa telebisyon at magtala ito ng napakataas na rating noong panahon ng Martial Law
C. Nang parehong tumabo sa takilya ang kanyang kauna-unahang pelikula bilang lead, ang "D' Musical Teenage Idols" at ang "Fiesta Extravaganza," na pinalabas ng may tatlong araw lamang na pagitan
D. Nang manalo siya ng kanyang kauna-unahang Best Actress award mula sa Quezon City Film Festival para sa "And God Smiled At Me" na lumikha ng record sa takilya
E. Nang siya'y mag-debut noong 1971 sa Sampaguita compound, kung saan nag-mistula itong isang national event na kinober ng lahat ng diyaryo't magasin, radyo at telebisyon, binantayan ng mga security escorts na itinalaga ni QC Mayor Norberto Amoranto at iniakyat sa bubong ng isang bus si Nora para lamang siya masilayan ng kanyang sanlaksang tagahanga
F. Nang siya ay naging kauna-unahang overall champion sa Grand National Finals ng Tawag ng Tanghalan noong May 29, 1967, kung saan inawit niya ang "Moonlight Becomes You"
G. None of the above

29. Ang mahirang na isang National Artist na siguro ang pinakamalaki at pinakamahalagang karangalan na maaaring matanggap ng isang alagad ng sining. Si Nora ang sinasabing may pinakamaraming karangalang natanggap sa lahat ng mga artista; isang patunay na siya na nga ang pinakamahusay sa lahat ng mahusay. Maka-ilang beses na rin siyang nakatanggap ng civic awards o mga karangalang mula sa pamahalaan. Noong 1983, hinirang si Nora bilang isa sa TOWNS (The Outstanding Women in the Nation's Service) awardees sa kategoryang Performing Arts. Sino sa mga sumusunod ang kasabay ni Nora na tinanghal ding TOWNS awardee?

A. Miriam Defensor-Santiago
B. Cecilia Guidote-Alvarez
C. Che-Che Lazaro
D. Atty. Lorna Kapunan
E. Ces Orena-Drilon
F. Julie Yap-Daza
G. None of the above

30. Ilang aktor o personalidad na rin ang na-link sa Superstar magmula pa noong siya'y pumasok sa mundo ng showbiz. Kung minsan pa nga, ang isang baguhang artista ay pilit idinidikit sa kanya para mapag-usapan at makatikim ng kahit konting kasikatan. Ganyan ang nangyari noon sa Ilonggong modelo na si Eduardo (Edu) Manzano. Bago pa man sila nag-krus ng landas ni Vilma Santos, nauna nang inisip ni Christian Espiritu at ng kanyang mga handlers na iugnay si Edu kay Nora. Sinong aktor ang unang nag-alok kay Nora ng kasal?

A. Sajid Khan
B. Manny de Leon
C. Tirso Cruz III
D. Christopher de Leon
E. Walter Navarro
F. Victor "Cocoy" Laurel
G. None of the above

Again, no cheating!


*Original photos from My Only Superstar Blogspot