By: PJ Oliveria
---------o0o--------
Source:
---------o0o---------
Sa silent tears pa lang,
tagos na sa puso ng mga manonood
Napapanahon at makabuluhan ang ‘Taklub’ lalo na
sa mga Pilipinong nakaranas na ng hirap at pasakit ng mga sakuna na tulad ng
Yolanda. Mapapaisip ka. Kung fan ka ng mga obra ni direk Brillante Ma Mendoza,
i-add mo ‘to sa to-watch list.
----------o0o---------
SYNOPSIS: (from Festival de Cannes website)
After the Supertyphoon Haiyan, which changed the city of Tacloban in the
Philippines into its horrendous state, the lives of Bebeth, Larry and Erwin
intertwine. The survivors are left to search for the dead, while keeping their
sanity intact, and protecting what little faith there may be left. A series of
events continue to test their endurance.
GENRE: Drama
DIRECTOR: Brillante Ma Mendoza
WRITER: Honeylyn Joy Alipio
CAST: Nora Aunor | Julio Diaz | Aaron Rivera |
Rome Mallari | Shine Santos | Lou Veloso | Ruby Ruiz
----------o0o---------
Sa kanyang latest film, Taklub (Trap), medyo
kabaligtaran ang ginawa ni Direk Brillante Ma Mendoza (Kinatay, Serbis) from
the title dahil inungkat ng pelikulang ito ang stress, kahirapan, at kasawian
ng mga survivors ng supertyphoon Yolanda. Similar to Mendoza’s previous works,
isa itong gritty look sa mga harsh realities sa ating lipunan: napapanahon, may
emotional gut-punch.
Marahil ang “taklub” o “trap” na tinutukoy sa
pelikula ay iyong ang mga (mostly internal) conflicts ng mga tauhan. Halos
isang taon na after Yolanda, ngunit ipinapakita sa pelikula na these characters
are still trapped in almost every sense of the word. Sa umpisa pa lang nga ng
pelikula ay tatambad na sa mga manonood ang eksena kung saan naging literal na
deathtrap ang isang tent kung saan nasawi ang pamilya ni Renato (Lou Veloso).
As the movie progresses, ilalahad nito ang mga psychological at emotional traps
that run deeper: nariyan si Bebeth (Nora Aunor), na handang tumulong sa
kaniyang kapwa ngunit hinahanap pa rin ang mga labi ng kanyang mga anak; si
Larry (Julio Diaz), na taos-pusong nananalangin at nagpapasan ng krus dahil
umaasa siya sa Diyos na bigyan siya ng mga signos; at si Erwin (Aaron Rivera),
na pinaiikot-ikot ng mga government agencies na dapat tumutulong sa kanya at sa
kanyang mga kapatid. Lahat sila namatayan, pero ipinapakita sa pelikula na
overshadowed (natatakublan) ng ibang bagay–political, environmental, etc.—ang
pagdadalamhati nila, which, ideally, would have led to them finding a closure,
moving on, and rebuilding their lives.
Nasalin din ang tema ng “taklub” sa performances
ng mga actors dito, dahil subtle at may pagtitimpi ang acting ng mga batikang
beteranong artista tulad nina La Aunor, Diaz, at Veloso. Nagawa nilang ipakita
how suffering in silence looks like. Taklub may not necessarily be Ate Guy’s
best acting work recently (that honor belongs to Dementia), pero naman, sa
silent tears pa lang, tagos sa puso na sa mga manonood.
Nakatulong din ang mga technical aspects ng
pelikula para pagandahin ito. Minsan hindi flawless ang execution lalo na sa
handheld camerawork at audio/dubbing (may mga times na nao-overpower ng
background ambient noise ang dialogue) pero ayos naman sa huli. Standout ang
cinematography: from the detailed shots ng mga maliliit na bagay sa lupa, to
the beautiful skyscapes na nasisilbing backdrop sa wasak na riyalidad, to the
overall tint of the film.
The film does not offer a clear resolution to
the conflicts mentioned above. Sa halip, wari bang hinahayaan ni direk
Brillante sa mga manonood ang desisyon sa kung ano ang mga next steps na
kailangang gawin. Tulad ng sine ni Lav Diaz na Mga Anak ng Unos na isa ring
mahusay na Yolanda-related film na ipinalabas recently, para itong subtle
public service announcement (PSA) para udyukin tayo na mag-isip at
magmuni-muni. Kumbaga inilatag ni Direk Brillante ang mga facts. So ano’ng
gagawin natin? ♦
No comments:
Post a Comment