Monday, August 4, 2014

ANG BULONG NI ATTY. GERALD


Movie Review: HUSTISYA

Ni ORLY AGAWIN

Madaling araw na akong nakauwi matapos ang Gala Screening ng HUSTISYA (2014) ni Joel Lamangan. Nag-dinner pa kasi, at napahaba ang mga diskusyon tungkol sa halos dalawang oras na pelikula. Tinuloy ang mga sigawan at talakan, naming mga Noranians, mula lobby ng CCP Main hanggang sa KFC sa kabila. Tinuloy namin ang kwentuhan, discussions at nagpalutang ng mga tanong.

Pagkabukas ko ng pinto’y nagulat akong gising pa rin si Nanay. Hindi namin siya kasama sa Gala Screening sa CCP. Nauna na silang manood sa Greenbelt kahapon ng tanghali. Naka-receive ako ng isang text bandang alas tres: “Tapos na. Maganda. Tinatanong ni Vising kung anu raw ang ibinulong ng abugado niya sa kanya.”

Hindi ko nasagot yun. Hindi ko pa napapanood ang pelikula ng mga panahon na un. 

“Gising ka pa?” tanong ko.

“Hinihintay kita,” sagot ni Nanay. “Marami akong tanong.”

“Saan?”

“Dun kay Nora.”

“Diyos ko! Matulog ka na! Magpatulog na kayo!” bulas ko.

“Bakit ganun?  Bakit parang bitin?” sabi ni Nanay na parang kinakausap ang sarili.  “May mga ayaw sabihin sa tao.”

“Pagod ako! Plist! Bukas na lang. Kahit ako, iniisip ko pa.”

“Magaling ang pagtawa niya,” tuloy ni Nanay. “Parang may gustong sabihin, pero nalunod siya sa mga tawa niya.
“Alam mo, ‘Nay, simulang mapanood mo ang Norte, nagpapaka-profound ka na masyado lagi. Pero OK yan.”

Tiningnan lang ako ni Nanay. Pumunta siya ng kusina at kumuha ng tubig. Uminom. Nalunod ng tubig ang tawa niya.

“Matulog na tayo. Bukas na natin pag-usapan yan. Alam mo naman si Ricky Lee, profound-kung-profound kung minsan,” sabi ko.

Hindi na ako kinibo ng Nanay ko. Parang nadismaya. Kung sa pag-udlot ko ng sagot, hindi ko alam.

Matapos kong magbihis, nahiga na ako agad. Kelangan kong matulog ng maaga dahil hahabulin ko mamaya ang mga naka linyang pelikula sa CCP. Napakabigat na ng mga mata ko.

Pero maging ako’y hindi pinatulog ng mga tanong na pinalutang namin nina Nestor, Mon at Gilbert. Anu nga ba ang ibinulong ni Atty. Gerald sa naka-gown at fully made up na si Biring? Anu ang gustong ipahiwatig ng katapusan ng pelikula?

Sa buong pelikula’y nakita ko si Biring na pilit binalanse ang kabutihan at kasamaan? Matapang niyang nilunok ang marumi, subalit tuluyang siyang kumapit sa kung ano mang alam niyang tama at ma-prinsipyo. Sa bawat mali, kusa niyang binayaran ang mga ito ng kabutihan. Sasampalin niya ang pulubing may dalang bata, pero aabutan ng limos. Seseryosohin niya ang ilegal na trabaho, pero matapos ng shift, ay magbibigay sa simbahan. Magbibigay sa simbahan, pero hindi makaharap sa Diyos.

Sa buong pelikula, nakita ko at nakilala si Biring. Para sa kanya’y patas lahat. Siya ang karakter na marunong bumawi. Tulad ng mga pagbawi natin sa tuwing nag-so-sorry tayo kung meron tayong biglang na-offend. Tulad ng pagyakap natin sa ating mga magulang sa umaga matapos nating mag-cutting classes kahapon.

Biring swam on the dangerous principle of compensation. She tried her best to balance thing out. This was her definition of justice. Her own scale swang back and forth in a dangerous game of self-preservation amidst a society so evil that there’s already no way out.

Sa huli’y natalo rin siya.  Na-rape. Sumuko. Na-devirginize si Virginia. Nilunok niya ang masama at tuluyang niyakap ang mundong minsang binalak niyang takasan.  Siya na ngayon ang isa sa mga “boss.”

Sa isang banda’y may isang eksena kung saan humingi si Biring ng pagkakataong malaman kung ano ang nasa labas ng kanyang mga operasyon. She wished to know what happens beyond her crimes. She wanted to learn about the society, what corruption means and how she can help.

Sa ganitong perspektibo’y maari mong sabihing pinipilit parin niyang binabalanse ang kanyang timbangan.

Marahil ay hindi pa rin siya nagpapatalo.

Toward the end, there was a party. Her birthday was attended by almost all the you-know-who’s. People who are on the other side. People who spin the vicious web of eternal deceit, corruption, lies and social decadence. People who were on her side. 

Before the screen faded to black, Atty. Gerald approached her and whispered to her. Silence. Her eyes seemed to have eavesdropped too.

And then the laugh.

Napakaraming nagtatanong kung ano ang ibinulong? Joke ba raw? Tsismis? Balita tungkol sa isang tauhan? Tungkol ba sa katabing bagong assistant?

Para sa akin ay hindi na mahalaga un. Ang mahalaga sa akin ay ang pag tawa ni Biring. Sa unang pagkakatao’y tumawa siya sa pelikula. Malakas. Nakakalunod. Isang pahiwatig na siya at ang bago niyang  mga “boss,” ay iisa na.

Parang lang yang usaping Sino Ang Pumatay Kay Elsa? Hanggang ngayon ay maging si Ricky Lee ay hindi pa rin alam ang sagot. Tayo na raw ang magbigay noon.

Tama nga naman.

Pero sa usaping Elsa, ang mahalaga sa akin ay hindi kung sino ang pumatay. Ang higit na mas mahalaga’y namatay siya sa harapan natin sa gitna ng isang talumpating kinukundena ang kasakiman, kasinungalingan at korapsyon. Doon ay may malalim ang mga paghuhugutan na mga realisasyon. Doon ay mas higit ang pagkatuto. Nalaman kong hanggang sa huli’y walang kaligtasan ang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Tayong lahat ay nakatali sa taniklang ibinuhol sa atin ng mga nakararami, masama man sila o mabuti. Sa huli'y magtatanong din tayo: tayo rin ba ang nagtali sa mga sarili natin?

Where is justice in that? Wala. 

That’s Literary Naturalism on your face.

Ganun na rin si Biring. Hindi na importante kung anung ka-putanginahan ang sinabi ng gagong si Gerald. Ang mahalaga’y kung ano ang nakita at narinig ko sa tabing. Ang pagkalakas lakas na tawa, ang nakabibinging halakhak. Hindi pilit, pero walang kaluluwa. Busog, pero walang laman. 

Sa akin ay tahasang sinasabi nito na si Biring ay isa na sa mga tauhang pilit niyang tinatakasan sa kabuuan ng pelikula. It was a scene that depicted her inevitable decadence. Siya na ang tusong palaka. Nag-anyong lupa. Nagkulay putik. Gagawin ang lahat para lamang malinlang at makain ang inosenteng lamok. That's her transformation, and that's what made the story great. 

Great, in a sense, that in Biring's decline as a character, she teaches us to continue our fight against what we think is evil. Though uninvited, some goodness still sits in our souls. Biring's story warns us that if we continue to ignore our conscience for the sake of survival, that small amount of purity will soon leave us for good. 



And that is where Justice ends. 

No comments:

Post a Comment