Friday, October 7, 2011

SA NGALAN NG INA MINI SERYE: A BIG HIT


by PIT M. MALIKSI
Remate
Thursday, October 6, 2011


CALL it what you will but the initial telecast of TV5 “Sa Ngalan Ng Ina” is a big, big hit! Proofs are the college students, particularly from PUP, who were glued on their TV sets and then declared – quality is back in the Philippine TV drama! And who will argue with that? With the great ensemble of great acting led by Superstar Nora Aunor and with the master direction of Mario O’Hara in SNNI, nothing compares.
The only trouble is the poor reception of TV5, sabi ng ibang nakapanood sa parteng Batangas, Laguna at Quezon. Kitam, hindi lang sa Metro Manila tumutok ang viewers, kahit pa nga sa Tacloban, ayon kay Luis ng GANAP. Ang problema nga lang, malabo o walang channel 5 din sa kanila.
Ayon naman kay Mar Coligado ng Liliw, Laguna, “Talagang totoo na mas dumami at naging active muli ang maka Ate Guy rito sa Liliw. Lahat lumabas ang pagka-Noranian, lahat nakatutok sa panood ng SNNI. Talagang iba ang hatak ni Ate Guy, ano?” Kahit nga sa Batangas ang hindi lang nanood ay iyong bawal mapuyat at iyon lang mahina ang reception ng TV5, sagot ko naman.
“Kung inaakala ng iba na ang ratings game ay diyan lamang sa Manila, magtanong-tanong kayo sa mga probinsya at talagang nangununa ang SNNI at ang Willtime, Big Time,” dagdag naman ni Aling Conching Comel. Walang duda, SNNI dominates the primetime these days.
-------------------------------------------------------------

No comments:

Post a Comment