Pages

Sunday, January 18, 2015

Puso Sa Puso Kasama Si Cardinal Tagle


Sa pangunguna ng aktres na si Nora Aunor, Broadcaster Ted Failon, Commission on Audit Secretary Heidi Mendoza, Children Peace Prize Awardee Chris ‘Kesz’ Valdez, ang ina ni Jonas Burgos na si Editha Burgos at Businessman Christian Leader Bobby Atendido, ipinahayag nila ang kanilang mga karanasan sa buhay kung paano naging mapalad sa gitna ng mga pagsubok, kasama ang butihing Arzobispo ng Manila, Luis Antonio Cardinal Tagle sa kanyang “Heart to Heart Talk with Cardinal” sa unang araw ng Philippine Conference on New Evangelization II na ginanap sa University of Santo Tomas noong ika-15 ng Enero, 2015.


Sa bawat paglalahad ng kanilang kuwento ng buhay sa harap ng mahigit 5,000 participants, may kaakibat itong pagkalungkot, pagluha at tawanan,  Dama ng bawat isang naroroon ang pinagdaanang buhay na kanilang isinalaysay upang maging daan ng isang makabagong paraan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita kung paano ang ating mga karanasan ng hirap at sakit ay maging isang pagpapala ng pananampalataya, pag-asa at kapayaapaan.

Ibinahagi ni Ted Failon ang kanyang karanasan sa pag-uulat tungkol sa bagyong Yolanda na nagging daan upang magbigay sa kanya na makilala ang pagpapala ng Diyos at bigyan muli ng pagkakataong mabuhay.

Mula sa pagiging batang lansangan at nagbubungkal ng basura, naranasan ni Chris Valdez ang tumira sa sementeryo. Matapos kilalanin bilang Children Peace Prize Awardee, siya ngayon ay tumutulong sa iba pang mga maralita na halos umabot na sa 63,000.

Ang maging matatag sa pananampalataya ang naging sandata ni Comm. Heidi Mendoza upang mapaglabanan ang mga tukso at malampasan ang mga hamon sa buhay na dulot ng pagiging public servant.

Makalipas ang ilang taon ng pagkawala ng anak na si Jonas, hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa paghahanap at paghihintay na masilayan muli ng inang si Editha Burgos.  Masakit subalit hindi ito nagging hadlang upang ipagdasal na magbagong-buhay dahil anak din ng Diyos ang mga taong nasa likod ng pag-ambush at pagtorture sa kanyang anak.

Dumating sa buhay ng isang negosyante na si Roberto Atendido ang matinding pagpapasya nang ang kanyang apong babae ay kailangang dumaan sa liver transplant.  Naglalaban ang kanyang puso at isip kung itutuloy ba ang operasyon o hindi sapagkat nangangailangan ito ng malaking halaga ng salapi.  Ngayon, labing walaong taon na ang kanyang apo. Isa ng debutante.



Samantala, isinalaysay naman ng Aktres na si Nora Aunor ang pinagmulan ng kanyang buhay bilang isang anak ng mahirap na pamilya noong kanyang kabataan tungo sa pagiging matagumpay sa larangan ng pag-awit at pag-arte.  Dahil sa kanyang husay at galing sa pagkanta at sa mga taong kumilala sa kanyang talino at kakayahan, isang bagong oportunidad ang nagbukas.  Sa bawat paghihirap at pagsubok, manatiling nakakapit sa Diyos at huwag makalimot magdasal ng Santo Rosaryo, ang huling saad ni Nora. 

No comments:

Post a Comment