Sa pangunguna ng
aktres na si Nora Aunor, Broadcaster Ted Failon, Commission on Audit Secretary
Heidi Mendoza, Children Peace Prize Awardee Chris ‘Kesz’ Valdez, ang ina ni
Jonas Burgos na si Editha Burgos at Businessman Christian Leader Bobby
Atendido, ipinahayag nila ang kanilang mga karanasan sa buhay kung paano naging
mapalad sa gitna ng mga pagsubok, kasama ang butihing Arzobispo ng Manila, Luis
Antonio Cardinal Tagle sa kanyang “Heart to Heart Talk with Cardinal” sa unang
araw ng Philippine Conference on New Evangelization II na ginanap sa University
of Santo Tomas noong ika-15 ng Enero, 2015.
Sa bawat
paglalahad ng kanilang kuwento ng buhay sa harap ng mahigit 5,000 participants,
may kaakibat itong pagkalungkot, pagluha at tawanan, Dama ng bawat isang naroroon ang pinagdaanang
buhay na kanilang isinalaysay upang maging daan ng isang makabagong paraan ng
pagpapahayag ng Mabuting Balita kung paano ang ating mga karanasan ng hirap at
sakit ay maging isang pagpapala ng pananampalataya, pag-asa at kapayaapaan.
Ibinahagi ni Ted
Failon ang kanyang karanasan sa pag-uulat tungkol sa bagyong Yolanda na nagging
daan upang magbigay sa kanya na makilala ang pagpapala ng Diyos at bigyan muli
ng pagkakataong mabuhay.
Mula sa pagiging
batang lansangan at nagbubungkal ng basura, naranasan ni Chris Valdez ang
tumira sa sementeryo. Matapos kilalanin bilang Children Peace Prize Awardee,
siya ngayon ay tumutulong sa iba pang mga maralita na halos umabot na sa
63,000.
Ang maging matatag
sa pananampalataya ang naging sandata ni Comm. Heidi Mendoza upang mapaglabanan
ang mga tukso at malampasan ang mga hamon sa buhay na dulot ng pagiging public
servant.
Makalipas ang ilang
taon ng pagkawala ng anak na si Jonas, hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa
paghahanap at paghihintay na masilayan muli ng inang si Editha Burgos. Masakit subalit hindi ito nagging hadlang
upang ipagdasal na magbagong-buhay dahil anak din ng Diyos ang mga taong nasa
likod ng pag-ambush at pagtorture sa kanyang anak.
Dumating sa buhay
ng isang negosyante na si Roberto Atendido ang matinding pagpapasya nang ang
kanyang apong babae ay kailangang dumaan sa liver transplant. Naglalaban ang kanyang puso at isip kung
itutuloy ba ang operasyon o hindi sapagkat nangangailangan ito ng malaking
halaga ng salapi. Ngayon, labing walaong
taon na ang kanyang apo. Isa ng debutante.
Samantala,
isinalaysay naman ng Aktres na si Nora Aunor ang pinagmulan ng kanyang buhay
bilang isang anak ng mahirap na pamilya noong kanyang kabataan tungo sa
pagiging matagumpay sa larangan ng pag-awit at pag-arte. Dahil sa kanyang husay at galing sa pagkanta
at sa mga taong kumilala sa kanyang talino at kakayahan, isang bagong
oportunidad ang nagbukas. Sa bawat
paghihirap at pagsubok, manatiling nakakapit sa Diyos at huwag makalimot
magdasal ng Santo Rosaryo, ang huling saad ni Nora.