Pages

Sunday, January 27, 2013

THY WOMB, ILANG PALAGAY


By: LOUIE JON A. SANCHEZ
----------o0o----------
----------o0o----------
Ang tahimik ng Thy Womb, halos walang salitaan, at madalas, sa mga natatanging tagpo ng pagdiriwang, o pagkamalay, o pagkamulat, ay ilulunod ang mga ito sa musika.
Hulagway lupa (landscape), hulagway-dagat (seascape) ito, hindi lamang naratibo ng mga karakter–na tatlo lamang naman kung tutusin–kundi ng buong daigdig sa malayong Tawi-tawi na nakababad sa dagat, sa tradisyon, sa kabaguhang unti-unting dumaratal dito, at sa dahas (terorismo, militarisasyon) na natutuhan nang ituring na karaniwan ng mga tagaroon.
Namamangha ako sa paggamit ng “tagaroon” dahil ganoon ang nadama ko sa pagsulyap kina Nora Aunor, Bembol Roco, at Lovi Poe, sampu ng mga gumanap sa ubod-husay na obrang ito ni Brillante Mendoza. Kasaysayan, at ka-saysayan ito ng mga “tagaroong” inilayo sa ating hinagap, malayo sa ating daigdig, halos bukod (other)–o bukod na bukod pa nga–ngunit totoong bahagi rin naman ng ating kinapopookan.
Naisip ko, baka nga tayo pang mga tumitingin, nanonood dito sa lungsod–at “nagmalasakit” panoorin ang pelikulang ito dahil baka hindi na ipalabas sa mga sinehan–ang totoong “tagaroon” o bukod, dahil layong-layo na tayo sa lunang ito ng tahimik bagaman masidhing pakikipagsapalaran.
Hindi ko nais sabihin na isang pelikulang nostalgia ang Thy Womb, bagaman maaari nga ring ituring na ganito ito. Laging matalinghaga ang mga pagbabalik, lalo sa sinapupunan. Ngunit higit sa isang paglalantad ng isang kairalan sa daigdig, na kadalasang ginagawa ng mga dokumentaryo, ang Thy Womb ay isang pelikulang nagbibigay liwanag (at paliwanag na rin) sa mga pagtatayang panlugar (locational discourse) na nakamihasnan natin.
Inilalantad nito kung gaano kakitid, kaliit, ang pandaigdigang bisyon natin bilang Filipino, at niyuyugyog din ang ating mga balangkas at bista (kaya marahil literal na magalaw ang kamera). Hindi ko rin nais banggitin pa ang usapin ng sentro-marhinal sapagkat kahit ang ganitong mga konpigurasyon ay hindi makasasapat sa pagtaya sa ginagawang hulagway-pantao (humanscape) ng pelikulang ito.
Hindi rin isang “it’s more fun in the Philippines” movie ang Thy Womb. Kapanabay ng istoryang nakapaloob dito ang istorya nating lahat na mga Filipino, at makatutulong sa pagkakataon ng pagninilay na ito ang “simultaneity” na binabanggit ni Benedict Anderson. Samantalang naririto tayo, ang mga katotohanang (sa tradisyong realismo, o sosyo-realismo, marahil) inilarawan sa pelikula ay “nangyayari” rin. O nangyayaring hari, wika nga ni Balagtas.
Natapos ng karakter ni Aunor ang paglalala ng banig, at matalinghaga’t mapahiwatig ang animo’y “huling” pagsisiping nila roon ni Roco. May kaniya-kaniyang banig tayo sa Filipinas, ngunit ang mga banig na ito sa huli ay iisa ang binubuo–ang pulo-pulong kabuuang hindi mabuo dahil sa iba’t ibang limitasyon ng lugar, paglulugar, maging ng posisyon at pamumusisyon.
Pagbalik sa diskurso ng “tagaroon”, mahiwagang-mahiwaga sa akin ang laro sa wika ng pelikula: ang pagta-Tagalog (o Filipino) ng mga karakter, at ang pagkalunod ng wikang ito sa wika ng lokal (Badjao ba ito, hindi ko matiyak? Ganyan ako kabukod sa mga wika ng aking bansa). Hindi kaya isa rin ang wika–at ang pambansang wika–sa mga banig na hindi pa natatapos sa paglalala? (Pag-iisipan ko pa ito).
Sa huli, lahat tayo ay “tagaroon” dahil ang mga pagtataya at nakamihasnan sa sinasabing (maka-Kanlurani’t makalungsod na) “sentro” ay dikta at likha sa atin ng maraming kaisipang hindi talaga atin. Kailangan na talagang bumalik sa sinapupunan. Kailangang maging tagaroon, muli at muli.

NEVER SAY GOODBYE


Kapatid stars Nora Aunor and Cesar Montano received major acting recognition during the awarding ceremony of the 38th Metro Manila Film Festival (MMFF 2012) last December 27 at the Meralco Theater. the Superstar was hailed Best Actress for Thy Womb while Cesar Montano bagged the Best Supporting Actor for El Presidente.

Nora Aunor’s latest acting trophy is her eighth Best Actress award at the MMFF, while Cesar Montano’s is the actor’s fifth from the Festival. In her acceptance speech, the Superstar shared that her passion for acting in quality films remains firm, “Kahit lima na lang manonood ng pelikula ko, patuloy pa rin akong gagawa ng makabuluhang pelikula.”

The two Festival winners will join the powerhouse cast of TV5’s coming primetime series “Never Say Goodbye” with Artista Academy winners Vin Abrenica and Sophie Albert, Alice Dixson and Gardo Versoza, among others. Set against the backdrop of the picturesque mountainous land of Benguet, the series is considered as TV5’s biggest drama series for the first quarter of 2013.

Directed by Mac Alejandre, “Never Say Goodbye” is scheduled to premiere  on January 28, 2012 on TV5.

Singer-songwriter Ogie Alcasid wrote and lends his voice to sing  Ang Aking Puso, which will be the official theme song of TV5’s primetime offering Never Say Goodbye.

Nora Aunor
Cesar Montano
Alice Dixson
Gardo Versoza
Edgar Allan Guzman
Sophie Albert and Vin Abrenica
To be updated, you can visit this site:

http://www.facebook.com/NeverSayGoodbyeStarringMsNoraAunor

Saturday, January 5, 2013

2012 Asia Pacific Screen Awards Best Actress: Nora Aunor for "Thy Womb"


  
Source: https://www.facebook.com/photo.php?v=10151230136052947
"SA NGALAN NG INA" FAN PAGE

----------o0o----------
 
Video clip of Ms. Nora Aunor winning the Best Actress award for “Thy Womb” in the 2012 Asia Pacific Screen Awards (APSA)

Held in Brisbane, Australia, on November 23, 2012, APSA is arguably the most prestigious award-giving body in the Asia Pacific region (composed of 70 countries that produce one-half of the world’s film output). It is dubbed the Oscars of the region, supported by UNESCO and the Federation of International Film Producers Association (FIAPF).

In 2012, APSA received 264 entries from 39 countries, which went through a judging process in three key phases conducted by (1) APSA’s Advisory Committee and Selection Panels, (2) a Nominations Council and APSA Academy Members, and (3) an International Jury.

Ms. Nora Aunor bested formidable co-nominees from Russia, South Korea, India, and Pakistan, some of whom have been declared best of the year in their respective countries’ academy awards.

A video of the Australian TV broadcast of the 6th Asia Pacific Screen Awards ceremony was shown in its entirety at The Skydome, SM City North EDSA, on December 22, 2012, during the event “Thy Womb Fans Day.”

Video courtesy of Ms. Cathy Gallagher of APSA and Ms. Ellen Alejano of Sydney, Australia.

Thursday, January 3, 2013

THY WOMB bags 7 awards at MMFF 2012


NORA AUNOR: BEST ACTRESS

BRILLANTE MA. MENDOZA: BEST DIRECTOR and BEST PRODUCTION DESIGN

MELVIN M. MANGADA: PRODUCER
HENRY BURGOS: BEST STORY

NORA AUNOR: ACTING WITHOUT ACTING


Nora is awesome… acting without acting. Those expressive eyes, those simple body movements. She can say a thousand words, can express varied emotions wthout saying anything. No one but no one comes near her.

----------o0o----------

Source:   http://www.tempo.com.ph/2012/12/nora-aunor-acting-without-acting/#.UOZqPaz4bNs

NORA AUNOR: MMFF 2012 Best Actress for 'Thy Womb'


MANILA, Philippines - Nora Aunor received her 8th Metro Manila Film Festival Best Actress award Thursday, December 27, for her role in Brillante Mendoza's "Thy Womb." 

----------o0o----------

Image by: Bernie Placido
Source: Nora Aunor for National Artist
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=499739960071427&set=pb.386035681441856.-2207520000.1357223023&type=3&theater

NORA AUNOR: THE UNSURPASSED METRO MANILA FILM FESTIVAL QUEEN


NORA AUNOR collected her historic eighth Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actress trophy during the awards ceremonies held at the Meralco Theater in Pasig City last December 27 for her role as a Badjao midwife in the movie Thy Womb.

 “Bilang artista, kahit kakaunti na lamang ang manunuod sa pelikula ko, eh, patuloy pa rin akong gagawa ng makabuluhang pelikula . . ." Ms. Aunor said when she accepted her award.

The win last night made Ms. Aunor the most honored actress in the MMFF with eight Best Actress Trophies.

She first won as Best Performer in the 1978 MMFF for the movie Atsay. Ms. Aunor is the only Best Performer awardee of the MMFF. The award is equivalent to Best Actor, Best Actress, Best Supporting Actress and Best Supporting Actor awards.

She later won the festival’s Best Actress awards in 1979 (for Ina Ka ng Anak Mo), 1982 (for Himala), 1984 (for Bulaklak sa City Jail), 1990 (for Andrea, Paano Maging Isang Ina), 1991 (for Ang Totoong Buhay ni Pacita M.) and in 1995 (for Muling Umawit ang Puso).


----------o0o----------

Source Image:  http://www.facebook.com/photo.php?fbid=502773259768097&set=a.386673358044755.93970.386035681441856&type=1&theater

Wednesday, January 2, 2013

Kung Paano ko Pinanood na Filipino ang ‘Thy Womb’ ni Mendoza


Nora Aunor bilang Shaleha sa pelikula. 

BY: ROGELIO BRAGA
KABAYAN KA

----------o0o----------

http://rogeliobraga.blogspot.com/2012/12/kung-paano-ko-pinanood-na-filipino-ang.html

----------o0o----------

ANG NASASAAD SA 2012 Framework Agreement ng Gubyerno ng mga Filipino at ng MILF: ‘The relationship of the Central Government with the Bangsamoro Government shall be asymmetric.’ Naisip ko: ano kaya ang makukuha mo sa isang relasyon na itinakda mo na ang guwang sa pagitan ninyong dalawa. Maaaring sa pagitan ng dalawang gubyerno o sa pagitan ng gubyerno at rebeldeng grupo, sa pulitika marahil—marami. Ngunit sa personal na buhay—sa personal na rela-relasyon, sa isang kasal halimbawa, nagtatagal kaya ang pagsasama ng mga taong pinananatili na mataas ang isa kaysa sa kanyang katuwang?  Kompromiso, konsesyon—mahahalaga ang mga ito sa isang relasyon. Ngunit nawawala ang bisa ng konsesyon lalo na ng kompromiso kung sa simula pa lamang ng relasyon hindi na pantay ang inyong katayuan sa loob ng isang relasyon.

Kahapon kasama kong nanood ng ‘Thy Womb’ ni Mendoza ang isang kapatid na Meranao mula sa Lumba Bayabao sa Lanao del Sur. Ang kapatid na ito ay isa ring matalino, para sa akin, na graduwadong mag-aaral ng Islamic Studies sa Unibersidad ng Pilipinas na talaga namang napakabuti sa akin at hindi ako pinagdaramutan ng kanyang mga pag-aaral, aklat at riserts mula sa Unibersidad – at oway sa malimit niyang panlilibre sa akin. Nais kong mapanood ang pelikula dahil magtutungo ako sa Bongao sa mga susunod na buwan kasama ng photographer na si Alberto Bainto at makatutulong marahil sa akin ang pelikula ni Mendoza upang mas kilalanin pa ang ‘lugar’ na dadalawin ko para sa aking pagsusulat. Ninais ko ring mapanood ang pelikula na may kasamang Moro (wala akong matalik na kaibigang Tausug, Samal, o Yakan o Badjao na mahihila sa panonood ng pelikula at alam kong makakausap ko sa diskusyon pagkatapos—wala rin sa Maynila ang kaibigan kong Kagan at hayun at aligaga pa rin sa kanila sa Compostela Valley dahil sa nagdaang bagyo) para mas madali sa aking magtanong sa mga hindi ko mauunawaan habang nanonood ng pelikula. Ang kapatid na Meranao ang pinaka-‘swak’ na isama dahil nag-aaral din ito ng Islam—bagaman may agam-agam ako na magka-interes siya sa pelikula dahil kabilang siya sa ibang ethno-linguistic group na bumubuo sa ‘Bangsamoro’ (labingtatlo ang grupong ito mula sa Palawan, Sulu, at Mindanao at kabilang dito ang mga Meranao sa Lanao at ang mga Badjao sa Sulu at Zamboanga—ngunit sa bisa ng Framework Agreement ang depinisyon ng ‘Bangsamoro’ ay hindi na ang labingtatlong ethnoliguistic na grupo na ito kundi ang mga probinsiya at siyudad na kabilang sa ARMM ng ating Saligang Batas at ang sampung porsiyento pa ng mga botante sa mga karatig na probinsiya at siyudad na magnanais na mapabilang sa ‘Bangsamoro.’)

            Binalak ko ang SM Fairview sana dahil mas malapit sa aming dalawa na parehong taga-Culiat sa Quezon City. Hindi na ipinalalabas ang pelikula sa SM Fairview. Sinubukan ko sa Robinson’s Ermita, wala rin ang pelikula roon bagkus tila sa dalawang sinehan nila ipinalalabas ang ‘Sisterakas’. At napagdesisyunan namin ang Mall of Asia dahil palabas daw doon ang pelikula, at isang beses pa lamang akong nakararating sa Mall kaya okay lamang sa aming dalawa na tawirin ang Ilog Pasig mapanood lamang ang pelikula. Nang nasa Cultural Center of the Philippines na kami bandang hapon, nalaman ko na wala na rin pala ang pelikula sa Mall of Asia. Nalaman ko sa internet na unti-unti na palang tinatanggal sa mga sinehan ang ‘Thy Womb’ ni Mendoza at ang pinakamalapit na sinehan sa amin ngayon na pinalalabas pa ang pelikula ay ang SM Manila. Bokya sa takilya ang pelikula sa Festival na ito. May nabasa ako na nakabuburyong daw ang kuwento at bigla na lamang natapos at wala naman daw ‘nangyayari’ sa kuwento. Kinahaban ako. Paano kung pangit nga talaga ang pelikula kaya nilalangaw ang takilya? Sayang ang pera. Kinabahan rin ako sa kasama ko. Paano kung ‘artsy’ nga ang pelikula baka iwanan ako ng kasama ko sa sinehan at maging ako rin—ayaw kong manood ng mga artsy film sa kasalukuyan sa panahong itong na ‘festive’ at ‘Festival’ ang simoy ng hangin sa buong Kamaynilaan—baka bigla kong iwanan ang pelikula at magwaldas ng salapi.   

At hayun nga, nagtungo kami sa SM Manila at nanood. Sa loob ng sinehan, may mangilan-ngilan akong nakita na naka-hijab na nanonood kasama ng kanilang mga bana marahil. Mapapansin mo ang iba mong mga kasama sa loob ng sinehan dahil, tulad nga ng balita at nabanggit, bokya talaga sa takilya ang pelikula na ito.

At nagbukas nga ang kuwento sa pelikula.

Nagsimula ang kuwento sa eksena na nagpapa-anak si Shaleha, isa kasi siyang komadrona sa bahaging ito ng Bongao sa Tawi-Tawi na hindi naman matanda ngunit masasabing ‘may edad na’. Sa unang eksena pa lamang nakahinga na ako. Isa sa mga agam-agam ko kasi sa tuwing manonood ng mga naratibo na ‘galing sa Mindanao’ ang tinatawag kong ‘cultural show’ na may sundot ng irita at pagkasuya—mga kuwento na magsasabi sa akin na kailangan kong ‘ariin’ ang kultura, kasaysayan, at masisining na pagpapahayag ng mga Moro bilang bahagi ng malaking proyekto ng konstruksiyon ng kamalayan at nasyunalismong Pilipino. Makatotohanan ang unang eksena ng pagpapa-anak ni Shaleha at inihanda ko na ang sarili ko sa halos isang oras at kahati marahil na ‘makatotohanang’ pagsasadula ng kuwento.

Tahimik lamang ang pelikula. Halos mabibilang sa mga daliri sa katawan ang mga linya ni Shaleha sa kabuuan ng pelikula. Alam mo rin na pag-ibig ang isa sa mga tinatalakay ng pelikula dahil ilang eksena na ang ipinakita na magkasama sa ‘hirap at ginhawa’ sina Shaleha at ang bana niyang si Bangas-an. Magkasama sila sa pangingisda, sa pagkakalakal ng kanilang mga bulad sa bangkerohan, sa mga gawain sa bahay, at si Bangas-an pa ang naghahatid at nagsusundo kay Shaleha sa mga gawain nito bilang komadrona sa pagtawid-tawid sa mga isla at mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng karagatan sa bahaging iyon ng Tawi-Tawi. Mga Badjao sina Bangas-an at Shalena – ‘marahil’ dahil maari namang Yakan sila mula sa Basilan na tumawid sa Bongao, o Samal, o Tausug.

“Mukhang makagagawa ako ng critique dito,” ang pagbabanta ng kasama ko sa aking tabi. Ito ang mga uri ng Moro na nais kong maging manonood ng aking mga dula at sa mga pamorningan na usapan sa kape at biskuwit. Hindi ako nagkamali sa aking isinama.

“Mali ang pronunciation niya,” ang puna ng kasama ko nang bumati ng ‘Assalamu alaykum’ ang artista na gumaganap sa tauhan ni Shaleha, maging sa tauhan ni Bangas-an. Sanay na ang kanyang mga tenga na marinig ang mga salita o malay lang siyang hindi Moro ang artistang gumaganap sa pelikula, hindi ko alam. Napapansin niya sa mga artista na gumaganap na imam ang siyang may tumpak na pagbigkas sa mga salitang Arabic. Siguro, naisip ko, baka mga totoong Muslim sila o ustadz kaya gamay nila ang tamang pagbikas sa wika. Tila magiging kritikal ang kasama ko sa mga aspektong may kinalaman sa Islam sa kabuuan ng pelikula, na aasahan mo naman sa isang mag-aaral ng Islamic Studies.  

“Ang ganda ng shot,” naibulalas ko nang manatili ang daloy ng kuwento sa eksena na naghihintay sina Shaleha at Bangas-an kasama ng isang matandang lalaking Moro sa pagdaan ng babaeng hinahanap nila. “Bakit maganda?” ang tanong niya. “Parang painting,” ang sabi ko. “May perspectives at balance ang paghahanay ng mga imahen.”
Hindi totoong ‘walang nangyayari’ sa kuwento tulad ng mga sinasabi sa mga blog at FB wall post na nababasa ko. Nagsimula ang conflict nang magdesisyon ang mag-asawa na hanapan nang mas batang babaeng mapapangasawa si Bangas-an para sa iisang dahilan: nais kasing bigyan ng anak ni Shaleha ang kanyang bana. Si Shaleha, mahihinuha natin, bagaman kilalang komadrona na nagpapa-anak sa komunidad, ay hindi pala kayang bigyan ng anak ang sariling bana.

Dalawa ang problema ng mag-asawa sa ninanais nila: una, ang mahanap ang pinakatamang babae para maging asawa ni Bangas-an. Ikalawa, tila naging mahal na ang dowry ng mga babae sa komunidad dahil nakapag-aaral na sila at mayroon nang edukasyon, hindi tulad ni Sheleha na bagaman kilalang komadrona ng komunidad ay isang semi-illiterate. “Pag mataas ang pinag-aralan, mas mataas ang dowry,” ang paliwanag ng kasama ko. At hayun nga sa pelikula, ang mga imahen ng sanlaksang mga batang babaeng estudiyante habang ang mga batang lalaki, naglalaro ng saranggola, nagtatampisaw sa dagat. Sa loob ng masjid, sa araw ng Jummah, mas napupuno ang lugar ng mga babae sa pagsasambahayang kaysa ang sa mga lalaki. At naalala ko ang kalupitan ng Pilar College sa Zamboanga City sa mga kabataang babaeng Muslim. Sa Islam kasi, wala pagpipilit sa pananampalataya. Kaya kung ang isang babaeng Muslim na magdesisyon na magsuot ng hijab, isa itong sagradong pagtatapon ng kanyang kalayaan bilang babae at bilang isang Muslim sa daigdig na nais niyang manampalataya. Ipinagbawal ng mga pinuno at di-Muslim na mga magulang ng Pilar College ang pagsusuot ng hijab ng mga kabataang mag-aaral sa loob ng kanilang paaralan. Kalaban talaga ng diskurso ng kalayaan ang mga makikitid na isipan. Nang minsang ialok ni Shaleha sa isang masipag na tindera sa bangkerohan ang kanyang bana bilang asawa sinagot siya ng babae na hindi ko na nga kayang buhayin ang sarili ko mag-aasawa pa ako—kung may kalayaan ialok sa merkado ng pangunahing tauhan sa kuwento ang lahat ng kanilang mga kalakal, may kalayaan din na tumanggi ang pinag-aalukan. Alam natin na hindi lamang pag-ibig ang nais na talakayin ng pelikula, eksplorasyon din ito sa konsepto ng kalayaan.

“Parang sa amin din,” ang paliwanag ng kasama kong Meranao. Nakikita niya sa mga imahen sa pelikula ang mga personal niyang mga karanasan sa kanilang komunidad bagaman kultura at realidad ng mga Badjao ang nasa kuwento. May eksena na ikinakasal ang dalawang tauhan sa kuwento at ipinapakita ang mga tradisyon at gawi sa kasal ng mga Badjao. “Parang ganyan din sa amin.” Ang binanggit niyang muli. Gusto ko sanang itugon sa kanya: sa amin, sa simbahan ginaganap ang kasal kung gusto mong maging tradisyunal. May mga abay. Nagsisimula sa ligawan. May kilig. May pamamanhikan. May pari at hindi pinag-uusapan ang halaga ng dowry—dahil walang dowry.   Sa amin, hindi mo hahanapan ng ibang asawa ang iyong bana. May konsepto kami ng ‘kabit’, ng ‘Other Woman’ sa hawla na kung tawagin ay ‘kasal’.

Nagsimulang maglala ng banig si Shaleha. “Alam ko kung paano iyan,” ang paliwanag sa akin ng aking kasama. “Marunong ng ganyan ang ante ko at ang nanay ko,” ang pagmamayabang niya sa akin. “Talaga?” ang sagot ko. At habang ipinapakita sa pelikula ang paraan ng paggawa ng banig inilalahad niya sa akin ang pangalan ng mga kasangkapan—mula sa pagkukulay, sa pagpapakulo ng mga dahon ng abaka, maging ang buong proseso—sa salitang Meranao. “Parang ganyan din sa amin. Karara ang tawag sa proseso. Riyara ang tawag sa product. Kaya ko yan. 500 pesos ang benta sa banig.” Nais ko sanang itugon bilang ‘pakiki-amin’ na mayroong ding ganyan sa Samar, sa Bicol, sa maraming probinsiya sa Luzon. Pero hindi ko na lamang ito itinugon. Ayaw kong mahulog sa bitag: iyon marahil ang proseso niya ng paglikha ng kamalayan ng kanilang nasyon, ng proseso ng konstruksiyon ng sarili niyang komunidad, ng ‘imagined community’ ika nga ni Anderson—siya na isang Meranao, at naroroon sa pelikula ang mga imahen na mga Badjao—“Parang sa amin din.” At bilang paggalang marapat lamang na tanggapin ko sa sarili na hindi ako kasama sa nasasakop ng ‘amin’ na iyon—ang ‘Bangsa Moro’ ng Moro National Liberation Front at ‘Ummah’naman ng Moro Islamic Liberation Front.

May kakatwang eksena, isang dambuhalang baka ang isinakay sa bangka para itawid ng dagat. Sa kabilang pampang kakatayin ang baka na ito para ihanda sa piging, sa isang kasal. “Sa amin, pag ganyan hinahati ang baka equally sa lahat—kung 28 kayong lahat hahatiin sa 28 ang mga bahagi for distribution,” paliwanag sa akin ng kasama ko habang ipinapakita sa eksena na kinakatay ang baka habang nagsha-shahada ang kakatay. Ngunit habang itinatawid ang bangka na may sakay na baka biglang dumaan ang humaharurot na sasakyang pandagat ng Philippine Navy. Lumikha ito ng naglalakihang mga alon. Tumaob ang bangka at nahulog sa lalim ng dagat ang baka. Ngunit nagtulong-tulong ang mga tao upang isakay na muli ang baka sa bangka at maihatid sa pampang. Ganoon din sa reception ng kasal. Habang nagsasaya ang lahat nagkaroon ng encounter, putukan, nagkagulo ang mga tao. Huwag daw itigil ang sayaw at hayun nga, nang tumila ang mga putukan napanatag ang lahat at tuloy ang sayawan pati ng dalawang ikinakasal. Minsan napag-utusan si Shaleha na bumili ng mga kamoteng kahoy at nagkaroon ng hagaran, nabangga siya ng mga tumatakbong sundalo at nahulog niya mga pinamili sa lupa—tulad kung paano isinampa muli ang baka sa bangka, ang ituloy sayaw natapos ang encounter—kasimbilis niyang ring itinidig ang sarili sa mga panandaliang maliliit na eksena na sumisingit sa normal nilang pamumuhay. Naging bahagi na ng buhay nila ang mga ‘singit’ na ito.

“Mali ‘yan,” ang dagdag muli ng aking kasama. “Dapat itinitigil nila ang lahat ng gawain kapag   narinig na ang adhan.” Ngunit nasa eksena ang kasal at ang ‘pamamanhikan’ at totoo ngang habang nag-uusap ang mga kalalakihan naririnig ang adhan sa paligid. Nang dumating ang eksena na nakaharap sa karagatan ang mga Badjao at nag-aalay ng mga maliliit na bangka marahil para humiling nang mas masaganang pangingisda at bumibigkas ng Surah Fatihah ang madla napabulalas sa gulat ang aking kasama, “Ano ‘yan?” At alam kong hindi iyon pinahihintulutan sa Islam. “Baka pre-Islamic,” ang sabi na lamang niya bilang tugon na rin sa sariling tanong. “Culture siguro,” ang sabi ko, “parang pag-ipat ng mga Maguindanaoan.” Gusto ko sanang idagdag: parang Darangen ninyo. Bakit hindi pinag-aaralan kung anu-ano ang mga pagkakatulad at variations ng mga practices  sa Islam ng iba’t ibang tribong Moro? ang tanong ko sa kanya. Itinanong ko iyon sa kanya bilang isang kapatid na Muslim. Hindi moral para sa akin, sa lahat ng sitwasyon at pagkakataon na magtapon ng katanungan o mga pangungusap sa kapatid na Moro na naglalaman ng ‘kung ano nga ba ang dapat sa inyo’—ngunit hindi naman ako perpektong tao, may mga pagkakataon din na nahuhulog ako sa bitag dahil isa pa rin akong Filipino.

At hindi nga nahulog sa bitag ang Thy Womb ni Mendoza. Ang totoo: damang-dama mo na maingat na naglalakad sa gilid ng patibong ang pelikula. Malay ito na may bitag sa kanyang harapan at pinili nito ang manatili na naglalakad sa bingit ng pagkahulog. May mga bahagi sa pelikula na tila napapahawak ako sa dibdib sa takot na tuluyan na itong madulas o mapatid ng nakausling sanga at tuluyang mahulog sa bitag. Ngunit nagwagi ang pelikula. Dito ko nakita ang isang marikit na pag-asa sa Naratibo ng mga Filipino sa mga Moro: dahil malay ka sa bitag at nananatili ka pa ring naglalakad sa paligid nito nauunawaan mo ang iyong Sarili, ang iyong sariling mga takot, agam-agam, mga katanungan. “Ano ang gusto nilang sabihin, ha?” ang tanong ng akin ng kasama ko nang lumabas sa eksena na napadaan sina Shaleha at Bangas-an sa isang chapel ng mga Katoliko—tadtad ng bala ang mga haligi at nagkalat ang mga imahen ng mga santo sa loob. Tila nahulog sa bitag ang aking kasama. Nais ko sanang ipaliwanag sa kanya na hindi, hindi ninanais ng pelikula na ilarawan ang matagal na nating nalalaman, ang matagal nang ipinamumukha sa atin ng gubyerno at lipunan maging ng mga palabas, pagtatanghal at kuwento mula sa Mindanao. Nais lamang ipaalala ng pelikula na sa daigdig na inilalarawan sa kuwento, walang lugar ang kahinaan at ang saliwang relihiyon.

Sa pagtalakay ng Thy Womb sa buhay ng mga Moro sa bahaging ito ng Tawi-Tawi, pagtalakay na ingat na ingat na muhulog ang naratibo sa bitag, hindi malay ang pelikula na tinatalakay na pala nito ang neo-kolonyal na relasyon ng Pilipinas sa Bangsamoro: na ang daan na tinatahak nating mga Filipino sa konstruksiyon ng ating identidad, ng ating pagkatao at nasyunalismo hinuhubad natin ang mga bagay na magpapakatao sa atin—pag-ibig, responsibilidad sa iniibig, katapangan, pagwaksi sa takot ng pag-iisa sa katandaan, sa kamatayan, pananampalataya. Naalala ko bigla sa loob ng sinehan ang sinabi sa akin noon ng isang kapatid na Moro, “Baka kami ang inyong nakaraan na pilit niyong tinatalikuran?”

Kung ang Bangsamoro ang salamin na hawak ng Filipino upang mas makilala pa niya ang kanyang sarili, isang pambihirang pagtatangka sa katapangan ang Thy Womb na humarap sa salamin bagaman nakapikit ang kanyang mga mata upang sipatin ang sarili. Mas mainam na ang ganito kaysa ang nakasanayan na na ang siyang nakaharap sa salamin ang nagdidikta kung paano nga ba niya dapat makita at makilala ang kanyang sarili.     

   At nahanap nga ni Shaleha ang babaeng para sa kanyang bana. Si Mersila—bata, maganda, may pinag-aralan. At siguradong makapagbibigay ng anak kay Bangas-an. Ngunit malaki ang dowry ni Mersila tulad ng inaasahan. At nagpursige si Shaleha na likumin ang salaping kinakailangan para sa dowry ng mapapangasawa ng kanyang bana. Pati sarili niyang mga alahas at ang motor ng kanilang bangka na ginagamit niya sa paglalakbay sa mga isla bilang komadrona ibenenta para lamang mapunan ang pangangailangan ng dowry. Nakita rin kung paano sila tinulungan ng kanilang komunidad para lamang maipon ang sapat na salapi. Ganoon kamahal ni Shaleha ang kanyang bana. Ngunit kasama sa dowry ang isang bagay, ang isang katotohanan na ipinaalala ni Mersila kay Bangas-an: sa oras na isilang ko ang iyong anak, hihiwalayan mo ang iyong unang asawa, hihiwalayan mo si Shaleha. “Ang lungkot,” ang naibulalas ko sa aking kasama. “Hindi ganyan sa amin,” ang sagot naman niya, “ang unang asawa minsan ang masusunod.” Malungkot dahil maiiwanang nag-iisa sa katandaan si Shaleha—hindi na siya bata tulad ni Mersila na hahandugan ng nagtataasang dowry, wala nang lalaki ang iibig pa sa kanya marahil. Saan siya pupunta?

Naunawaan ko lamang ang lahat nang ipakita ang eksena na si Shaleha pa ang nagpaanak kay Mersila. Na ang institusyon ng kasal para kay Shaleha ay hindi isang hawla kung saan siya naikulong—ang kasal sa kanya ay isang espasyo para ibahagi niya ang kanyang pag-ibig at responsibilidad sa pinakamamahal niyang lalaki na katuwang sa buhay at paghahanap-buhay, isang espasyo na itatakda niya ang kanyang kalayaan bilang isang babae na may kapangyarihan sa kanyang mga desisyon at sarili, ang lunan kung saan malaya niyang sasambahin ang Allah (swt) at mapananatili ang pagpapakumbaba ng kanyang imaan. Na hindi ako mamamatay sa lungkot sa oras ng aking pag-iisa at mawala ang aking bana, kung sakaling magingshahid man ang aking bana at maiwanan sa akin ang pagtatagayod ng aking pamilya. Mahigpit na magkalingkis ang pag-ibig at katapangan sa bahaging ito ng daigdig, ayon sa pelikula na ito ni Mendoza.

Pagkatapos ng pelikula hindi kaagad kami tumayo ng aking kasama. Maraming salitang nais na pakawalan sa pagitan naming dalawa. Ganoon dapat ang Sining—hindi nito tinatapos sa aliwan ang lahat. Hindi nagtatapos sa palakpakan, sa tawanan ang relasyon ng likha at ng kanyang manonood o mambabasa. Hindi ninanais ng Sining ang pagtakas—tulad ng mga ninanais na ibahagi sa atin ng mga telenobela at mga mamerang pelikula ng mga kabit at nakakikilig na pag-iibigan ng mga magaganda at guwapong mga artista, na parang ang mga magagandang tao lamang ang may karapatan na umibig at mabigo sa pag-ibig at relasyon. Hindi pagtakas ang ninanais ng Sining, kundi paglaya.

Binasa namin ang closing credits ng pelikula. Pinasalamatan ng pelikula ang mga taong naging bahagi ng kanilang produksiyon. “Bakit magkapareho ang last name ng governor at vice-governor ng Tawi-Tawi?” ang tanong ko. Hindi sumagot ang aking kasama dahil baka namalik-mata lang ako sa aking pagbabasa. O may mga katotohanan sa labas ng pelikula, sa tunay na daigdig na kapwa naming iniiwasang pag-usapan. Tumindig na lamang kami sa aming mga kinauupuan at lumabas ng sinehan. Nakalulungkot isipin na sa paglabas para talagang kaming dalawa lamang ang nanood ng Thy Womb ni Mendoza.

“Bakit walang nanonood?” ang tanong ko sa aking kasama nang makita ko ang pila sa pelikula paglabas na pinagbibidahan ng anak ng dating pangulo ng Pilipinas. Hindi na naman siya sumagot.  At sa  pananahimik naming dalawa habang papalayo sa sinehan bigla akong nagimbal sa aking naisip na kasagutan sa sariling katanungan. Hindi, mali. Hindi dahil sa ‘bakya’ ang panlasa ng mga tao na parokyano ng taunang Festival na ito at hindi nila dinudumog ang takilya. Hindi, mali. Hindi dahil sa tila nakasasanayan na ng panlasa ng masa ang halos araw-araw at maghapon na soap operas at hahanapin na nila ang ‘teleserye’ sa lahat ng aliwan na kanilang hinahanap. Nakagigimbal na katotohanan: takot pa rin pala tayong harapin ang salamin. May mga katotohanan at naratibo na pilit pa rin nating iwinawaksi at di-malay na iniiwasan. Dito pala nanggagaling ang konsepto ng ‘asymmetric’ na relasyon. Hindi ito tapang at pagbabandera ng katapangan at paglalayon ng isang tunay na kapayapaan. Isa pala itong naratibo ng ating kaduwagan—at sa kaduwagang ito namamanhid na ang ating mga balat, ang ating mga budhi, ang ating mga kaluluwa at maging ang mga panlasa sa kung alin ang maganda sa karaniwan. Kaya sa harap ng madla, sa loob mismo ng Malacanang noong Setyembre, sa isang malakihang piging na hinahayaan natin silang hilingin sa atin ang mga bagay na marapat nang matagal na naririyan: ang hustisya, ang kanilang kasaysayan at identidad, ang kanilang mga kinabukasan, ang kanilang kalayaan. Hindi tayo nakaramdam o natinag man lamang sa hiya sa kanilang harapan, sa daigdig.

Mas lalong tumingkad ang aking pagkagimbal nang dumaong na muli sa akin ang katinuan na si Nora Aunor pala, na bagaman hindi na ang reyna ng takilya sa mahabang kasaysayan ng Festival na ito ngunit hindi mangyayaring lalangawin ng ganoon ang kanyang pelikula, ang gumanap sa Shaleha sa Thy Womb. Siya pala ang artista na gumaganap sa tauhan ni Shaleha sa kabuuan ng kuwento. Bravo.

REVIEW: THY WOMB




BUM-SPOT
http://bum-spot.blogspot.com/2012/12/review-thy-womb.html

----------o0o----------

Dale's Review:

A lot of Filipinos say that we do not have good movies. Some, even go as far as proudly claim that they do not watch Filipino films because they are "baduy." I suspect that the people that say these things are the ones that proclaim anything marked as #1 in Hollywood Box-office as a must watch. If they happen to watch a local film, it would probably be anything with Anne Curtis or John Lloyd in it. That isn't saying that their movies are bad, but the local industry certainly has so much more to offer that just their films.

I saw Thy Womb last Thursday fully expecting to get bored. I even said that this is like a required film screening in college that people will have to review enthusiastically to echo what foreign critics have been saying and avoid looking like an art-tard. But as the film played on to an almost empty cinema, we found ourselves deeply engrossed and taken by every detail presented in the beautifully photographed film.

Nora Aunor plays a Badjao midwife that is unable to have an offspring. Wanting to fulfill her husband's wish to have a child in their home, she seeks out a potential second wife for him, taking the task as normally as any daily chore. We do not hear her say anything about the awkwardness of the situation nor did she give any long winded monologue but we see more than a flood of emotion in her eyes.

Nora Aunor, who set the acting bar in Philippines cinema, did not fail to impress. Her brilliance only heightened by the implicit performance of Bembol Roco that is more worthy of an acting award than any rookie nominated in the same category.

Thy Womb isn't all about Nora Aunor however. While the performances were quietly powerful, the film was a feat itself. It presents a reality so fascinating and so authentic, you can almost touch it. It depicts a way of life that is as colorful as it is chaotic, simple and unjust. It feeds you with an array of emotions and right before it ends, it lets you take it all in and experience an unbearable pain.

Some people have said that Thy Womb is not in the same category as the other MMFF entries and should have been screened someplace more appropriate like an art festival or the Cinemalaya. I resent the idea that a quality film should have a limited audience. I think that we should always make room for quality and not be resigned to the fact that family time during the holidays should be spent watching trash. It is not too late to elevate the  taste of the viewing public. We only need to give them more opportunities to be exposed to movies like Thy Womb. This task is of course mainly that of the festival committee that needs to stop thinking only about revenues and start thinking of the industry that they are trying to uplift.

Rating: 4.75/5


Jae's Review:

I initially had to force myself to watch Thy Womb. Since international critics were hailing this as a great movie, I had the impression that this could be compared to Tree of Life or Lost in Translation - for being boring and too deep for my taste. I couldn't have been more wrong.

I'll just write how I feel about the movie since you can read a ton of reviews with more credibility than I will ever have.

To sum it up - I felt Nora's desperation. Her fears, frustration and love for her husband was palpable and very real. I felt like I was in there, a silent witness to everything that was happening. The movie is built on this and the foundation the director provided was so solid that when he cut it out at the very last scene, I felt everything all at once and in a tidal wave of emotions that I didn't know how to react.

This movie is also a great cultural immersion for the uninitiated, like me, on our Muslim brothers and sisters and how they go about their daily lives.

And the cinematography. Wow. If I was amazed with The Strangers' cinematography, I was blown away with Thy Womb. 

Both Nora Aunor and Angel Locsin are gunning for the Best Actress award - after seeing both of them, I can definitely say that Angel has a long way to go before she can beat Nora's acting skills in this movie.

Brilliante Ma Mendoza is one hell of a director and obviously a master of his craft. Thank you for making movies like these and not succumbing to commercialism. Thank you for stubbornly doing it your way.

So, should you watch it? If you don't like open ended stories, this movie is not for you. If you understand the indie genre and why passionate directors use every scene and every detail to tell a story, even if it sometimes take too long and the movie appears to be dragging, this movie is for you.

Rating: 4.5/5
Average Rating: 4.6/5

THY WOMB (Sa ‘Yong Sinapupunan)


thywomb-sarimanok

Sarimanok.PH
http://www.sarimanok.ph/2013/01/thy-womb-sa-yong-sinapupunan/
----------o0o----------
As always, when one writes an opinion that appears later than other prolific reviewers, as in my case, there’s always someone who could better put into words what I have felt about a film.  Perhaps the best review I have ever read online was one written by Jessica Zafra and she echoes many of thoughts about Thy Womb and my gripes about this year’s Metro Manila Film Festival.
But for those who would love to see this beautiful movie,  I will try my best to provide you with an opinion sans the spoilers.
From Thy Womb FB Page:
Directed by Brillante Mendoza, THY WOMB is the year’s most internationally acclaimed Filipino film–an official selection at the world’s top film festivals in Venice, Toronto, Busan, Bologna, Vienna, Brisbane, Taipei, Dubai, Goa (India), Poland, etc.
Description
A story of unconditional love about a Bajau midwife coping with the irony of her own infertility amid the deprivations of her gypsy community in Tawi-Tawi.
A saga of island life stuck between the devil of passion and the deep blue sea of tradition.
First, I would have to make it very clear that this movie does not cater to mainstream tastes. It’s pretty similar to Ploning, except it’s visually less shiny and doesn’t seem to have been color-corrected. It also moves at a very relaxed pace, so even if the Badjao couple Shaleha (Nora Aunor) and Bangas-An (Bembol Roco) already identified their problems early on, you will not be witnessing the usual slapping and screaming scenarios that define most Filipino films.
If Thy Womb had a narrator, it could have been mistaken for a Discovery Channel feature. It had a documentary-like feel, as it depicted the day-to-day life of a Muslim couple. To me, Shaleha and Bangas-An were soulmates: inseparable partners in everything from midwifery to fishing to selling their goods. Even when it came down to looking for a possible second wife, a child-bearer, for Bangas-An, they were partners.
Director Brillante Ma Mendoza showed me an unfamiliar culture and a resilient relationship that can thrive in such a foreign yet surprisingly regular setting that it was almost cute. Shaleha and Bangas-An were regular people, spoke with regular intonation, lived in a world that was not color-corrected because their daily lives — though randomly disturbed by bandits and rebels — exhibited nothing much out of the ordinary. It was here that I understood how a woman like Nora Aunor achieved her Superstar status: she and Bembol Roco acted with their eyes, subtly expressed with their faces what words could never give justice to. It was acting in its most sublime form.
Perhaps if Filipino directors and actors — majority of whom are used to overacting and exaggerated intonations (reminiscent of radio drama) — could master the art of subtlety the way the people behind Thy Womb did, I could see hope for our local cinema.

Review: Brillante Mendoza's THY WOMB Is A Fascinating Look Into Nature, Culture And Humanity


BY OGGS CRUZ

----------o0o----------

http://twitchfilm.com/2012/12/review-brillante-mendozas-thy-womb-is-a-fascinating-look-into-nature-culture-and-humanity.html

----------o0o----------

http://oggsmoggs.blogspot.com/2012/12/sinapupunan-2012.html

----------o0o----------


Thy Womb opens with a woman giving birth. Shaleha (Nora Aunor), a midwife, accompanied by her husband Bangas-an (Bembol Roco), assists the soon-to-be-mother in delivering her child. Shaleha then routinely requests for the baby's umbilical cord. She brings the keepsake from the afternoon home, hangs it alongside all the other cords she has collected from the many mothers she helped. The hanging cords in her home are ostensibly a record of her noble profession. Ironically, it also serves as a painful reminder of the one nagging imperfection of her marriage with her husband, which is her inability to bear children for him. Nature has fated her with infertility. However, her culture has given her the opportunity to remedy it. By finding another suitable wife for her husband, she is able to fulfil what for her is the most essential of her familial duties. 

Mendoza strips the film of most external conflicts, concentrating instead on the nuances of infertile Shaleha's relationship with her husband as she sets out to find a second wife for her husband to bear a child for him. Set in Tawi-Tawi, the Philippines' southernmost isles which have become infamous for being torn by warring government and Muslim secessionist forces, the film valiantly avoids sensationalizing war and instead delves into the human condition of a people who have grown accustomed to military presence. At one point, a wedding dance is abruptly stalled by violence. When the shock and confusion dissipates, the dance continues, almost as if nothing happened. Mendoza has effectively created a believable world wherein military conflict has weaved itself into the culture by sheer familiarity. 

Thy Womb indulges in its depiction both nature and culture. Mendoza does not hide his fascination, relentlessly breaking his storytelling to make way for gorgeous images of endless seascapes and colorful tradition. He takes time revelling at whale sharks under the sea, or turtles' eggs hidden dearly beneath Tawi-Tawi's remote beaches. He stages elaborate Muslim ceremonies and rituals. Surprisingly, the film never feels as if it is treading too closely to exoticizing its subject locale. The overt visualization of both nature and culture seems essential to Mendoza's goals of exploring the interactions of culture and nature and the people who rely heavily on them for both sustenance and identity. 

Henry Burgos' screenplay is admirably spare. It is unafraid of being judged not by the lyricism of the words spoken by the depicted ordinary folk, but by the measured silence. It allows the couple's relationship to simmer, to take root, to emotionally attach to the peering audience, before exposing the fissures that will unavoidably grow bigger. It masterfully orchestrates heartbreak, without any hint of artifice or machination. It gives Mendoza enough breathing room to scrutinize the world, which he does so without hardly any hesitation. 

Aunor, who has been absent from Philippine cinema for several years despite being renowned as one of its living acting treasures, is the film's beating heart. Her dutiful portrayal of Shaleha is both spontaneous and intelligent. She cleverly interacts with her surroundings, not as an actress inhabiting a role but as a human being naturally reacting to very real scenarios. When the film requires silence, she makes use of her eyes, which seamlessly hypnotize the audience to believe her character's plight and sacrifice. 

Thy Womb is observably quainter, tamer, and more mannered than Mendoza's previous works. However, it still resonates with the same removed yet still potent anger that only an artist who wants to depict truth from a distance can evoke. The film ends with more questions than answers, as it has to. The story, which is essentially the film's element that begs for a proper ending, is but a tool for Mendoza to frame the grand ironies that afflict humanity. When Shaleha asks for that final umbilical cord, she has finally severed the tie that has severely burdened her. We can only cry because we are also human.