Pages

Tuesday, November 27, 2012

SA PUSO NG HIMALA


Ang pinakabagong aklat ni Ricky Lee,
na naglalahad ng tatlumpung taong paglalakbay ng klasikong pelikulang "Himala" (1982).
Kasama ang screenplay, salin sa Ingles ng screenplay, interbyu sa mga artista at
production people,
at mahigit 300 retrato.


----------o0o----------

Source: http://www.facebook.com/SaPusoNgHimala?fref=ts

----------o0o---------


Sinong Pilipino ang hindi nakakakilala sa tanyag na mga linyang “Walang himala!”?

Ipinalabas sa Metro Manila Film Festival noong 1982, ang Himala ay nananatiling isang  klasiko ng pelikulang Pilipino. Sinulat ni Ricky Lee, dinirek ni National Artist for Film Ishmael Bernal, at ginampanan ni Nora Aunor, ito ang kauna-unahang pelikulang Pilipinong nag-compete sa Berlin Film Festival noong 1982. Napili ito ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino bilang isa sa sampung pinakamahuhusay na pelikulang Pilipino ng nakaraang tatlong  dekada ng ‘70s, ‘80s, at ‘90s. Nanalo rin ito ng CNN APSA Viewer’s Choice Award for Best Asia-Pacific Film of all Time noong 2008. Noong 2012, ipinalabas ito sa restored classics section ng Venice Film Festival.

Ang aklat na ito ay isang nakaaaliw at nakapagbibigay-kaalamang paglalakbay sa mundo ng Himala sa loob ng 30 years.


No comments:

Post a Comment