Pages

Thursday, November 22, 2012

AN APPEAL FOR SUPPORT



(The following is a letter from Brillante M. Mendoza, a Kapampangan film maker hailed as Best Director in the 2009 Cannes Film Festival. Mendoza’s latest flick “Thy Womb” is an official entry in this year’s Metro Manila Film Festival.)

Mahal kong kaibigan sa media,


Salamat sa suporta nyo sa independent cinema. Sana maisulat nyo po ang “Thy Womb” na ipapalabas na sa December 25, 2012.

THY WOMB

Ang pelikulang umani ng papuri sa mga kritiko sa loob at labas ng bansa ay isa sa mga tampok na pelikula sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre 25, 2012. Ito ang pelikulang pinangungunahan ng nag-iisang superstar na si Nora Aunor kasama ang mahuhusay na artistang sina Bembol Roco, Lovi Poe, at Mercedes Cabral.

Matapos ang kanyang mahabang pamamahinga sa showbiz, muling ipinakita ni Nora Aunor ang kanyang walang kupas na husay sa pagganap sa kakaibang karakter.

Sa pelikulang “Thy Womb” ay ginampanan ni Nora at Bembol ang papel ng mag-asawang Badjao na hindi magka-anak. At dahil dito, ay humanap sila ng pangalawang asawa ni Bembol na makapagbibigay sa kanilang anak.

Naaayon sa tradisyon ng mga Muslim ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa. Subalit ang kuwentong pelikula ay tumalakay sa mas malalim pa na isyung pagpaparaya at pagsasakripisyo.
Ang “Thy Womb” ay unang pelikulang pinagsamahan ng “internationally-acclaimed” director na si Brillante Mendoza at superstar Nora Aunor.

“Sana ay tangkilikin ito ng bawat Pilipinong manonood dahil sa ito ay makabuluhang kuwento tungkol sa ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao”, ani Mendoza.

Si Nora naman ay panay ang papuri at paghanga ang mga salita para kay Brillante. “Ibang klase syang mag-direk. Hinahamon niya ang kakayahan ng artista at pinalalabas niya ang husay nito sa bawat eksena. Wala syang binibigay na script kaya mapipilitan kang mag-isip at humugot sa sarili mong kakayahan”, sabi ng superstar.

Ang “Thy Womb” ay kinunan at ginawa mismo saTawi-Tawi at ipinakita dito ang simple at tahimik na pamumuhay ng mga Badjao. Makikita din sa pelikula ang makapigil-hiningang ganda ng mga tanawin at ang makulay at kakaibang kultura ng mga nakatira saTawi-tawi.

Dahil sa isyung kapayapaan sa Mindanao, ang “Thy Womb” ay isang pelikulang napapanahon at dapat tangkilikin ng mga manonood sa darating na Metro Manila Film Festival.
Muli po akong nagpapasalamat sa inyo.


Sumasainyo,


Brillante M. Mendoza
Best Director, 2009 Cannes Film Festival

----------o0o----------

From: 
Headline Gitnang Luzon, November 23, 2012




No comments:

Post a Comment