(The
following is a letter from Brillante M. Mendoza, a Kapampangan film maker
hailed as Best Director in the 2009 Cannes Film Festival. Mendoza’s latest
flick “Thy Womb” is an official entry in this year’s Metro Manila Film
Festival.)
Mahal kong kaibigan sa media,
Salamat sa suporta nyo sa independent cinema. Sana maisulat nyo po ang “Thy
Womb” na ipapalabas na sa December 25, 2012.
THY WOMB
Ang pelikulang umani ng papuri sa mga kritiko sa loob at labas ng bansa ay isa
sa mga tampok na pelikula sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre 25, 2012.
Ito ang pelikulang pinangungunahan ng nag-iisang superstar na si Nora Aunor
kasama ang mahuhusay na artistang sina Bembol Roco, Lovi Poe, at Mercedes
Cabral.
Matapos ang kanyang mahabang pamamahinga sa showbiz, muling ipinakita ni Nora
Aunor ang kanyang walang kupas na husay sa pagganap sa kakaibang karakter.
Sa pelikulang “Thy Womb” ay ginampanan ni Nora at Bembol ang papel ng
mag-asawang Badjao na hindi magka-anak. At dahil dito, ay humanap sila ng
pangalawang asawa ni Bembol na makapagbibigay sa kanilang anak.
Naaayon sa tradisyon ng mga Muslim ang pagkakaroon ng higit sa isang asawa.
Subalit ang kuwentong pelikula ay tumalakay sa mas malalim pa na isyung
pagpaparaya at pagsasakripisyo.
Ang “Thy Womb” ay unang pelikulang pinagsamahan ng “internationally-acclaimed”
director na si Brillante Mendoza at superstar Nora Aunor.
“Sana ay tangkilikin ito ng bawat Pilipinong manonood dahil sa ito ay
makabuluhang kuwento tungkol sa ating mga kapatid na Muslim sa Mindanao”, ani
Mendoza.
Si Nora naman ay panay ang papuri at paghanga ang mga salita para kay
Brillante. “Ibang klase syang mag-direk. Hinahamon niya ang kakayahan ng
artista at pinalalabas niya ang husay nito sa bawat eksena. Wala syang binibigay
na script kaya mapipilitan kang mag-isip at humugot sa sarili mong kakayahan”,
sabi ng superstar.
Ang “Thy Womb” ay kinunan at ginawa mismo saTawi-Tawi at ipinakita dito ang
simple at tahimik na pamumuhay ng mga Badjao. Makikita din sa pelikula ang makapigil-hiningang
ganda ng mga tanawin at ang makulay at kakaibang kultura ng mga nakatira
saTawi-tawi.
Dahil sa isyung kapayapaan sa Mindanao, ang “Thy Womb” ay isang pelikulang
napapanahon at dapat tangkilikin ng mga manonood sa darating na Metro Manila
Film Festival.
Muli po akong nagpapasalamat sa inyo.
Sumasainyo,
Brillante M. Mendoza
Best Director, 2009 Cannes Film Festival
----------o0o----------
From:
Headline Gitnang Luzon, November 23, 2012
No comments:
Post a Comment