NORA AUNOR |
By Mandy Diaz L. Jr.
Wednesday, June 6, 2007
----------o0o----------
SI NORA AUNOR ANG NAG-IISANG SUPERSTAR NG LOCAL
SHOWBIZ!
Ang tindera ng tubig sa riles ng tren na sumali
sa Tawag ng Tanghalan ay sumira sa kalakaran ng showbiz. Sino ang mag-aakala na
sa pagka bansot niyang 'yon, sa mala-negtrita at payat niyang pangangatawan ay
tatanghalin siya bilang isa sa mga higante ng Industriya ng Pelikulang Pilipino.
Mahigit na apat sa dekada na si Ate Guy sa
showbiz, ngunit nananatili pa rin siyang Superstar at marahil ay wala ng
papalit pa sa puwesto niya.
Paminsan-minsan ay lumalamlam ang kanyang
career, ngunit nagagawa niyang makabalik. "Sleeping Dragon" kung
siya'y tawagin. Siya lang ang artistang laging may huling baraha. Siya rin ay
tinaguriang "THE LIVING LEGEND", GOLDEN VOICE", " THE
GREATEST ACTRESS OF ALL TIME", "FESTIVAL QUEEN", "ICON OF PHILIPPINE CINEMA" at "MULTIMEDIA ARTIST". Ang halos
lahat ng tungkol sa kanyang pagkatao ay alam na ng publiko, lalo na ng kanyang
matatapat na tagahanga.
Bawat kilos niya't galaw ay balita. Nalalaman na
ng publiko na ipinaaalam naming muli, mga bagay na maaring nakalimutan na nila,
pero maaalala uli. May mga bagay rin sigurong hindi pa nila alam, kaya't ito
ang pagkakataong malaman nila ang impormasyon tungkol sa kanya. Narito ang aking
hinalukay mula sa Encyclopedia Noraniana para sa kaalaman ng kanyang mga tapat na
tagahanga. Ang boung pangalan niya ay NORA CABALTERA VILLAMOR.
Ipinanganak siya noong May 21, 1953 sa Baryo San
Francisco, Iriga, Camarines Sur. Ang mga magulang niya ay sina Eustaquio
Villamayor[SLN] at Antonia Cabaltera [SLN].
In 1974, the Mabini College was granted by the Department of Education its University status and become known as the University of Northeastern Philippines Today |
Siya ay nag Grade I sa Mabini Memorial
College ['59-'60];
siya ay nag Grade II & III sa Nichols Air
Base Elementary School ['60-'62];
Siya ay nag grade IV & V sa Iriga Central
Elementary School ['62-64'];
Siya ay nag Grade VI sa Mabini Memorial College
['65-'65];
Siya ay nag Firstyear High school sa Mabini
Memorial College ['65-'66];
Nag second at third year school sa Centro
Escoloar University ['66-'69];
Pinaglihi siya sa Birhen Dolorosa. Sampu silang
mag kakapatid. Pampito si Nora. Apat na lamang silang nabubuhay ngayon. Sina
Tita, Oscar, Nora at Buboy.
Ang pangarap niya'y maging Teacher.
Isang hilot ang nag paanak kay Mamay, ito ay si
Agapita Layusa at katulong si Teresa Megistrado, lola ni Norasa mother side.
After a week pagkaanak kay Nora ay bininyagan ito at ang tumayong Ninong at
Ninang naman ay si Tarcial Beatriz at pagkaraan ng dalawang taon ay kinumpilan
ito at ang ninang naman ay si Tia Castor.
When Nora was almost seven, alam ba ninyong
pinakain ito ni Mamay ng champorado na halong maliliit na Alphabeto fron letter
A to Z na cut out paper, sa paniniwalang magiging matalino at malinaw ang
memorya nito.
Maraming tukso ang ikinapit kay Nora. Tinawag
siyang baluga, negra, bulilit at drakulita. Marami ring palayaw si Nora,
"Baby", noong lumaki siya, " Bing-Bing", "Bok" at
lalo siyang kilala sa palayaw na "Guy".
Si lola Theresa [Mother side] ang nagturo kay
Nora ng pagkanta. Ang una niyang tinuro dito ay "The Way of a
Clown", at si Mommy Belen naman ang nagturo sa kanya ng diction,
interpretation at expression. Alam ba ninyong swerte kay Nora ang No. 7. Ikapito
siyang anak, sumikat siya sa pang pitong kanta [The Music Played] at Seventies
din tanghalin siyang Supertar. 1997 doble siete, nang maghiwalay sila ni
Christopher De Leon.
Alam, nyo ring bang 14 weeks na nag-Champion si
Nora sa Darigold Jamboree Contest at Tawag ng Tanghalan. Siya ay sumali sa
Liberty Milk Contest sa Naga. Inawit niya ang "You and the Night and the
Music", kung saan napagwagian niya First Prize. Ito ang unang karangalan
na nakamit niya. Sinundan ito ng Darigold Jamboree Contest.
Tinanghal siyang "Mang-aawit ng
Linggo" sa Tawag ng Tanghalan. Inawit niya rito ang "You and the
Night and the Music", subalit nang maglaban sa sila ng dating kampeon na
si Jose Yap, siya ay natalo ng ilang puntos. Sumali siya sa Darigold Bulilit
Contest na pinamamhalaan ni Leila Benitez. Dito siya hinirang na kampeon sa
loob ng labing apat na linggo. Bunga nito, naging palagian siyang mang-aawit ng
Tita Betty's Children Show. Nang sumali siya sa Tawag ng Tanghalan, binago na
niya ang kanyang apelyido, ito ay ginawang Aunor. Ang kamyang talent scout ay
si Victorino Bubay.
Nora Aunor was declared the champion, Pinakamahusay na Tuklas ng Talino ng 1967, during the Grand National Finals of Tawag ng Tanghalan. |
Kinanta niya ang "People" at tinalo niya ang
kampeon na isang pulis, si Oscar Antonio. Siya ay tinanghal na labing apat na
linggong Kampeon at pagkatapos ay nagbitiw siya upang pagbigyan ang ibang
talents. Siya rin ang naging kauna-unahang Over-all-champion sa Grand National
Finals ng Tawag ng Tanghalan [May 29, 1967]. Dito ay inawit niya ang Moonlight
Becomes You.
Ang unang labas nya sa Araneta Coliseum [1967]
nang mag-guest siya sa pagtatanghal ni Timi Yuro. Nagustuhan siya ng Banyagang
mangaawit at hinahangad na pa nitong ampunin siya.
Ang dalawang unang TV appearance niya bilang
guest ay sa "An Evening with Pilita" at "Carmen on Camera".
Ang kauna-unahang Radio program niya ay ang
Operatang Putol-putol ng DZXL na maririnig mula ika 11 ng umaga hanggang 12 ng
tanghali tuwing Linggo at ang Fiesta Extravaganza na kung saan at una silang
nagkatambal ni Tirso Cruz III.
Ang first TV Program niya ay ang Oras ng Ligaya. Ito at sa Channel 3 tuwing Martes mula 5:30 hanggang 7:30 ng gabi. Siya ay apat
na beses tinangihan sa pelikula.
Si German Moreno ng nagdala sa kanya sa studio
ng Sampaguita. Siya ay pumirma rito ng non-exclusive contract noong Otc. 2,
1967.
Ang una niyang pelikula at "ALL OVER THE
WORLD". Dito'y inawit niya ang "I ONLY CAME TO SAY GOODBYE" at
"I ALMOST CALL YOUR NAME", pero sumikat siya sa " The Music
Plated" at "Take My Heart" at nanalo pa siyang Most Promising
Singer ng Awit Awards noong 1969.
Ang kauna-unahang single ni Nora at sa Citation
Records, dito ay ni-rekord niya ang "Moonlight Becomes You", at
"There's Just Forever", at sa Jasper Recording "No Return, No
Exchange" at "You are My First Love". Hindi gaanong nag-click
ito.Ang Tower Productions and nagbigay sa kanya ng First Starring Role, ito ang
"D Musical Teen-age Idol", na ipinalabas noong Sept. 23, 1969
katambal niya si Tirso Crus III at sa Direksyon ni Artemio Marquez, at ang "Fiesta
Extravaganza" with Tirso Crus III ng JBC Productions an halos kasabay
[Sept. 26] sa direksyon naman ni Consuelo P. Osorio.
Ito ay tatlong araw lamang ang pagitan nang
ipinalabas pero parehong kumita. Dito siyan tinaguriang PHENOMENAL.
Isinilang ang Nora-Eddie Show noong December
1969. Ito ang napapanood every Monday at sa direksyon ni Ike Fernado.
Maria Leonora Theresa with Guy and Pip |
Si Maria Leonora Theresa ang reaglo sa kanya ni
Pip noong naging muse siya sa Sampaguita Family Club. Ito rin ang kauna-unahang
at maaring wala na, na manika sa sumikat sa local showbiz. Ito ay noong 1969.
Ginawan ng ng kanta na inawit ni Tirso.
Young Girl ['69] ang unang tambalan nila ni
Tirso at "Nora, the Single Girl" [69] ang unang tamabalan naman nila
ni Manny de Leon.Ang unang director ay si Conrado Conde, at si Artemio Marquez
naman ang may pinakamaraming naidirek sa kanya.
Si Mar Torres na nagbigay sa kanya ng
kauna-unahang Best Actress niya sa "And God Smiles at Me" ['72] sa
Quezon Festival at si Mario O'Hara naman bilang serious actress sa
"Tatlong Tanong Walang Diyos" ['76 sa Famas at
Urian. "Mannette" naman ang pangalan ng manika na regalo kat Guy noong
birthday niya ["70'] ng Nora-Manny fans sa pangsagot kay Maria Leonora
Theresa. "Young Love" ['70] naman ang unang palikulang nagtampok kina
Nora at Tirso, Vilma at Edgar sa bakuran ng Sampaguita Pictures at sa direksyon
ni Tony Cayado."
Ang Munting Santa" ['70'] ang unang
palikula ni Nora sa nagkarron ng premiere night at ito ay ginanap sa Wolrd
Theater. Sa "Nasaan ka Inay" siya nakatikim ng acting nomination. Ito
ay sa CAT Awards ng CCMM. April 2, 1970 nang lumagda siya ng exclusive contract
sa Tower Productions at sa edad na labing pitong taong gulang ay idinimanda ng
Samapaguita Pictures sa salang "Breach of Contract". Nagpunta siya sa
Hongkong noong July 25, 1970 para gawin ang mga pelikulang "Around Asia
with Nora" at "The Golden Voice of Nora", at ito ngang huli ay
sinali sa First Quezon City Film Fest.
Siya ang kauna-unahang Philippines Young Star
noon na nag-shooting sa Holywood. Ito ay noong Nov. 12, 1970. Ginawa niya ang "Lollipos and Roses" kapareha niya si Victor Laurel at kasama si Don
Johnson. February 22, 1979 bang pumirma siya sa Kanlaon Broadcasting System
[KBS]. Ito ay para sa dalawang TV program na tinampukan niya, ang Superstar at
ang Nora Cinderella. Mid April, 1971 nang ipinalabas ang "Nora Cinderella" na
napapanood tuwing Miyerkules. Ang format nito ay Musical, Drama, Fantasy at
Action, sa direksyon ni George Rowe. Si Nora Aunor ang tinaguriang Ramon
Magsaysay of flickerville dahil sa kanyang kasimplihan at ang mga masa at
nakaka-identify sa kanya.
Siya ay lumabas na naka-wheel chair sa Aquarius
'71 Show na ginanap sa Araneta Coliseum noong Feb. 28, 1971, kapareha ni Victor
Laurel, at kinabukasan naman sa RC Cola Show sa Luneta na may kasamang Doctor
at Nurse. Marami ang nagulat nang makita siyang nakasuot ng Hot Pants, lalo
siyang tinaguriang "Gimikera". Si Sajid Khan ang kauna-unahang aktor
na nag-offer sa kanya ng kasal. Ang una niyang kotse at Opel Kadette L. Ito ang
nagkakahalaga ng P 14,000. Ginamit niya ito mula Jan. '70 hanggang Oct. '71. Nag
Co-Emcee rin siya sa Miss Philippines noong 1971. Kapareha niya si Manny de
Leon. Ito'y ginanap sa Rizal Memorial Coliseum.1970 nang manalo siyang Best
Female Singer sa Awit Awards. Ang awiting pinanalo niya ay " Go
Away", dito tinalo noya si Mercy Molina.
May 20, 1972 nang mabangga ang kotse ni Nora sa
kanto ng Kanlaon at laong-Laan, sinugod siya sa Sta. Teresita Hospital. Siya
rin ay na-ban sa Liwayway Magazine dahil sa hindi nito pag sipot sa Coronation
ng naturang publication. Si Nora ang tanging bituing nagdaos ng kaarawan sa
Quezon City Stadium noong 1971. Kainailangang isakay siya sa helicopter upang
makita ang libo0-libong niyang tagahanga. Kinagabihan, isang marangal na
kasiyahan ang idinaos sa maluwang na bakuran ng Sampaguita
Pictures. Makasaysayan kay Nora ang taong 1973. Itinatag niya ang NV Productions
na ang unang palikulang ginawa ay ang "Carmela" at nakatambal niya
sina Jay Ilagan at Rico Lopez at sa direlsyon ni Danny Holsem, ito ay pinalabas
noong Jan. 20.
Itinatag ang mga sumusonod: NV Productions for Films [1972] unang pelikulang ginawa ay Carmela katambal si Jay Ilagan[SLN] at
Rico Lopez, sa direksyon ni Danny Holsem. NV Productions for Television [1971]. Nag -produce ng " Ang Makulya na Daigdig ni Nora" at
"Pipwede". Si\uperstar Productions [1986]. Nag produce ng pelikulang
"Sa Lungga ng mga daga" , sa direksyon ni Adolf Mendoza. NCV
Productions [1986].
Unang pelikula ay " Halimaw", na
pinangungunahan ni Lotlot at Ian de Leon, sa direksyon ni Mario O'haraBIG
RecordsItinatag din niya ang NV Taxi at NV Garments. 1978 nang maaksients naman
ang kanynag bunsong kapatid na si Boboy. Itong taong din ito nang nagawaran ng
kauna-unahang [at marahil ay wala na] Best Performer Award [apat ang katumbas:
Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actress/Actor] sa pelikulang
"Atsay". Kasabay sa mga tinalo niya sa Vilma Santos[ Rubia Servios]
at Amy Austria [Atsay]. Siya ang kauna-unahang actress na binayaran ng isang
Mliyong ng Experimental Cinema of the Philippines [ECP] para sa pelikulang
Himala [1982].
Ang Superstar Show niya ay tumagal ng
dalawanpu't dalawang taon sa TV. Ito ang television show [Musical Variety] sa
Pilipinas na nagkaroon ng pinakamahabang panahon sa himpapawid.At alam ninyo
rin ba na noong nagka-Martial Law, tanging Superstar Show lamang ang mapapanood
sa television. Hindi ito mapaalis ni Imelda Marcos noon baka magkaroon ng Civil
War dahil kung ipapaalis niya ito ay mag-aalsa ang mga Noranians.
Nakasama na niya ang halos lahat ng artistang
lalaki at babae sa pelikula, tulad nina [at ang mga pelikulang pinagsamahan
nila]:Fernado Poe, Jr. - My Little Christmas Tree [1976], Dolphy - Kaming
Matatapang ang Apog [1976], Joseph Estrada - Erap is my Guy [1973], Eddie Rodriguez
- Pag-Ibig Ko'y Awitin Mo [1980], Lito Lapid - Kastilyong Buhangin [1980], Susan Rices
- Ang Pangarap Ko'y Ikaw [1967], Lolita Rodriguez -Anak Ka ng Ina Mo [1979], Rita
Gomez - My Beloved [1970], Amalia Fuentes - Adriana [1969], Nida Blanca - Batu-Bato
sa Langit [1975], Eddie Garcia and Dawn Zulueta - Bakit May Kahapon Pa?
[1996], Judy Ann Santos - Babae [1997]. Hindi nga siya Hall of Famer as Box Office
Queen [dahil may mga mga taon na nadaya siya] pero siya ang kauna-unahang
nagkamit ng award na ito noong 1971. Siya pa rin ang kauna-unahang recepient ng
mga sumusunod: URIAN - Tatlong Taong Walang Diyos [1976], STAR AWARDS - Merika
[1984], YOUNG CRITICS CIRCLE - Andrea, Paano Ba Maging Ina? [1991], ATENEO GALIAN
AWARDS - Ang Totoong Buhay ni Pacita M.[1991], BACOLOD PILIPINO FILM FESTIVAL -
Banaue [1975]. Sa kasalukuyan ay mayroon siya sa 50 Long Playing Album at mahigit
kumulang na sa 128 singles at Compact Dics.
Nakagawa na siya ng 166 na pelikula [1967-1999]. Ang first stage play niya ay noong Feb. 22, 1991 sa Rajah Sulayman
sa Fort Santiago. Ito ang "Minsa'y Isang Gamu-Gamo". Hinangaan at
pinapurihan siya rito. Dahilan na din sa kahilingan ng mga tao, ito ay
nagkaroon ng extension. Sinundan ito ng "D.H." [1993] at "Trojan
Women" [1994]. Ang first major concert niya ay naganap noong May 18, 1991
sa Araneta Coliseum na may pamagat na "Handog ni Guy". Ito ay naging
isang malaking tagumpay at tinayang itong record-holder sa nasabing venue,
dahil sa rami ng taong sumaksi dito {SRO].Nakapag-concert na rin siya sa isang
Five Star Hotel at ito ay Captain's Bar [Madarin Hotel] noong June 14, 11, 25,
1993.
Sa history ng Captain's Bar ay wala pang sino
man singer na makakatalo sa naitalang record ni La Aunor pagdating sa
attendance. Labing isang [11] beses ginamit ang pangalan o palayaw ni Nora na
pamagat sa kanyang mga pelikula. Nora, The single Girl [1969, ]Orang [1970], Tomboy Nora [1970], Around
Asia with Nora [1970], Nora, Mahal Kita [1972], Tell Nora I love Her [1970], Nora in
Wonderland, [1970], I Dream of Nora [1970], Guy & Pip [1971], Erap is MY
Guy [1973], Noong April 2, 1991, sa programang Tatak Pilipino ay naglabas ng
listahan ng 100 "Most Outstanding Significant Filipinos in the 20th
Century" kung saan naguna sina Nora Aunor[tinawag na "Munting
Sinderela na may higanteng telento'] at Ninoy Aquino.
Kabilang sa partial list ay sina Lamberto
Avella, Flash Elorde, Emilio Aguinaldo, Nicanor Abelardo, Corazon Aquino,
Dolphy, Lino Brocka, Larry Alcala, Fernando Amorsolo at Teodoro Agoncillo. Si
Nora ay nahirang na isa sa Ten Outstanding Women in the nation's Services
[TOWNS] in the field of Arts noong 1983. Kabilang sa mga naging TOWNS Awardee
ay sina Rosa Rosal at Boots Anson Roa.Sa edad na 38 [1991] ay na-nominate na si
Nora bilang National Artist. Mula noong 1991 ay taon-taon na siyang
nano-nomina, at darating ang araw ay mapapa sa kamay na rin niya ang
karangalang ito.
Alam n'yo rin bang maraming artistang lalake na
tinatawag na Nora Aunor. Ito ay sina Andrew E., Romnick Sarmenta, Wowie de
Guzman, Rico Puno, Lito Lapid at Robin Padilla.
Taong 1970 naman ng makagawa siya ng 18
palikula.
Taong 1972, tatlong libro tungkol sa kanya ang
lumabas:
A] Nora Aunor, Yesterday, Today & Tomorrow
ni Tony Villa
B] Nora, Aunor, Superstar ni Rustum Quinto
C] Getting to Know Nora ni Henry Vego
Si Nora Aunor ang kauna-unahang naging
chairperson ng Barangay sa Quezon City nang itatag ni Pangulong Marcos [SLN]
ang barangay noong 1973.
1975 nang magkaroon n kampanyang "Mamera
kay Nora" ang national Mental Hospital. Ito ay nakalikom ng mahigit isang
milyong piso. Si Nora ang nag pauso ng love team gathering o anniversario. Nagsimula ito sa Guy & Pip love team anniversary sa sinundan ng iba iba't-
ibang pang love teams. Kapag napakalaki ng problema ni Nora, siya'y nagpapaputol
ng buhok sa sobra ang ikli. Pagkatapos, nagkukulong sa kanyang kwarto.
Ilang beses niyang dumadapa sa sahig at
nagmumuini-muni. Kinakausap niya ang kanyang imahen na Sto. Nino na parang
isang matalik na kaibigan. Ang height niya'y 4'11 ½, at ang paa2. Mahilig siyang
kumain ng may gata at mga maanghang na ulam.
Susan Roces and Nora Aunor |
Ang paborito niyang artista noon ay si Susan
Roces. Ang hinahangaan niyang aktres at si Lolita Rodriguez. Si Guy ay may
phobia sa sementeryo. "Banaue" [1975] ang una tambalan nila ni
Christopher de Leon. Kung ang simbolo ng pag ibig ni Pip kay Guy ay si Ma. Leonora
Theresa, alam n'yo bang binigyan naman ni Boyet si Guy ng laruan na rabbit
bilang simbolo ng pagmamahal niya dito.
Regarding affairs of the hearts, alam ba ninyong
sa Baguio lagi ang setting ni Nora with people na na-lilink sa kanya
romantically. Remember Boyet de Leon [Banaue] at Llyd Samartino [Annie
Batingbakal]. Kinasal siya kay Christopher de Leon noong Jan. 25, 1975 sa huwes
at ang nagakasal sa kanila ay si Fiscal Ernesto Bernabe.
Isinilang si Kristoffer Ian noong Dec. 11, 1975
sa Cardinal Santos. Makalipas ang isang taon ay kinasal uli sila sa ni Boyet
noong Jan. 27, 1976 sa isang dagat sa Bauang, La Union. Ang nagkasal sa kanila
ay si Father Alleysius Rodriguez. Alam ninyo ba noon na ang tanging Marriage
Contract lang nila ni Boyet ang alam miya kung saan nakatago, and the rest wala
na.Mahilig sa malalaking bahay is Nora. Yung maluwang ang living room and
garden at kung tutuusin nga, dapat ay may swimming pool. Simple lang ang gusto
niya sa damit. Kung saan nasa bahay ay naka t-shirt lang siya at maong pants.Hindi
siya mahilig mag make-up at mag suot ng alahas.
Sa Fe, Esperanza Caridad [1974] ay nahawakan
siya ng National Artist na sina Lamberto Avellan [Espreranza episode] at Gerry
de Leaon [Caridad episode] at sa Banaue. Noong 1975 ay nilagay siya sa Filipino Heritage
[Vol. 5 p. 1237] ang kauna-unahang Philippines Pictorial Encyclopedia of
History and Culture of the Bicolanas. Siya, higit sa lahat, ang
maipag-mamalaking representastyon ng kulturang Bicolano.
Inihanay siya sa mga promineteng Bikolano, tulad
nila Governor Wenceslao Vinzon at Bishop Barlin. Nakagawa siya ng commercials. Ito ay TV print ads and voice over: Kleenex, Dial Soap, Philippines Radio,
Clogate Toothpaste, Coke, Pepsi, Modess, Liberty Milk, Nivico TV, Spartan,
Secuirty Bank, Raid Katol, Good Earth Emporium, Winston Cigarette, Family
Palnning, Green Revolution, Spuer MI, Miyata Karaoke, Aids Hotline, Land Bank
of the Phillpines-DENR, Barangay Ginebra at Pagcor.
Alam n'yo din ba na taning si Nora Aunor lamang
[ noon at ngayon] na artistang local na pati ang pagpapagupit ng kuko [lumabas
sa Kislap Mag.] at sa Blood Pressure [lumabas sa Bondying Movie Special] ay
naisulat.Ang mga director niya sa Superstar Show ay sina: Ike Fernando, Kitchie
Benedicto Paulino, Rollie Grande, Lupita Kashiwara, Al Queen, Roland Adriane at
Fritz Infante.Musical Director naman sina Doming Valdez [SLN], Sammy Climaco,
Danny Tan, Jun Latino, Homer Florez, Menchu Apostol, Tats Faustino at Bobbt
Taylo.Choroegrapher naman sina Lito Calzado, Geleen Eugenio at Mell Francisco. Writer
naman sina Lito Fernadez, Edith del Rosario, Cezar Cosme at German Salvador.
Executive producers naman sina Alice Saballones,
Angie Magbanua, Lyke Benitez-Brown, Rockie Servoulakes, Susan Trinidad at Edith
del Rosario. Isa si Nora na lumabas sa survey mula sa 540 high school at college
students mula sa Lyceum of Batangas, St. Thomas Academy, Montesspro, Letran
Calamba, Colegio de los Banos, Laguna College, at Pup Sto. Tomas, Batangas na
10 Most Admirable Filipinos for the last four centuires. Dito ay kahanay sina
Jose Rizal, Ninoy Aquino, Fidel Ramos, Cory Aquino, Gloria Macapagal, Gabriella
Silang, Manuel Quezon, Loren Legarda, at Lea Salonga. Ito lumabas sa Isyu
Newspaper noong Jan. 27 1997.
Siya lamang ang artistang babae ang binigyan ng
Haligi ng Industriya Award noon Jan. 31 1997 sa Manila Hotel. Ang mga iba pa
niyang kasama ay sina Fernado Poe Jr., Dolphy, Eddie Garcia at Joseph
Estrada. Pinagakalooban naman siya ng Circle of Excellence Award mula sa Famas
noong April, 30 1996 para sa mahusay na niyang pagganap sa pelikulang "The
Flor Contemplation Story". Isa rin siyang Araw ng Maynila Awardee noong
June 22, 1995. Siya ay pinagkalooban ng Taning Pagkilala sa larangan ng Sining
sa pag-ganap sa pelikula, telebisyon, pag-awit at sa entablado.
Naging FAMAS HALL of Famer siya noong
1991. Pinagkalooban siya ng Gawad ng Natatanging Pagkilala ng MMFF noong Dec.
28, 1992 sa PICC Reception Hall, dahil sa pagkakapanalo niya sa 6 Best Actress
Awards mula sa samahan.Lifetime Achievements Award naman siya sa mula sa FAP
noong March 28, 1993. Siya ang panakabatang tumanggap ng nasabing
karangalan. Decade Best Actress naman siya noong 1995 mula sa Star
Awards.Pinagkalooban naman siya ng PMPC Star Awards ng Vic Silayan Memorial
Acting Award noong 1997. Siya ang kauna-unahang nanalong Filipino Artist ng
International Best Actress Awards na ginanap sa Cairo Fil Festival pra sa
pelikulang "The Flor Contemplacion Story". Sinundan kaagad uli ito ng
Malaysian Best Actress Award sa pelikulang " Bakit May Kahapon Pa?' noong 1996.Ang
kanyang oa ring pelikulang " The Flor Contemplacion Story" ay
nanalong Best Picture sa 19th Cairo International Fil Festival noong Dec. 1995.
1997 naman ng ilabas ni Quijano de Manila ang
librong Nora Aunor and the Other Profiles. Alam n'yo ring bang inilagay ni Edgar
San Diego ang image ni Nora Aunor sa Cocktail Dress[1992]. Ito ay minodel ni
Tweety de Leon bilang tribute kay Nora ni Edgar na para sa kanya ay isang pop
icon ng Philippine Showbiz.Na-nominate na rin si Nora sa Ramon Magsaysay Award.Sa
pagdiriwang naman ng 100 years of World Cinema noong 1995, nagbigay tribute sa
kanya ang Wolrd Cinema Celebration Secretariat at Mowelfund Film Intitute ng
" Spotlight on the Superstar", "The Film of Nora Aunor",
"Banaue", Minsa'y May Isang Gamu-Gamo', Bulaklak ng City Jail",
Himala", "Magandang Gabi sa Inyong Lahat". Ito ay boung araw na
pelikula ni La Aunor ang ipinalabas sa SM Centerpoint noong Sept. 26. Hindi
lamang iyon, ipinalabas din ang "T-Bird at Ako", "Tatlong Taong
Walang Diyos" at "Flor Contemplaction Story".
Taong 1996 nang ma-annull ang kasal nila ni
Boyet.Ang last telecast ng Superstar Show ay noong October 1, 1989. Isinilang
uli ito noong Nov. 25, 1989 sa Channel 13 pero hindi nagtagal dahil hindi siya
nababayaran ng naturang istasyon. Isinilang uli ito noong Nov. 16, 1994.Taong
1996, sa pagdiriwang ng Taon ng mga Bayani, sa pakikipagtulungan ng National
Commission for Culture & Arts Academy of the Philippines at Mowelfund Film
Intitute, inihihandog nila ang Pelikula at Lipunan. Dito ay pinalabasnoong nila
ang mga pelikula ni Nora na "Ikaw and Akin", Ang T-Bird at Ako",
" Himala", at " Flor Contemplacion Story".
Ito ay pinalabas noong Feb. 23 to 29 sa
Shangrila Plaza, Level 6.Sept. 24, 1995 nang makatanggap ng Warrant of Arrest
si Nora thru NV Office regarding her BIR problems.Alam n'yo ba may mga komiks
na isinunod sa pangalan ni Nora gaya ng Supertar Nora Aunor, Hit Noranians, Pip
& Guy, Guy & Pip at madalas ay magkaroon pa nga mga Nora Specials. At
ang bawat lakad niya sa Ibat-ibang bansa ay ginawan pa ng Special Issue gaya ng
pumunta sila sa Hongkong expo '70, sa Hawaii, Nora in Disneyland, Guy &
Pip, Nora in Las Vegas, maging ang kanyang debut at love story nila ni pip,
Siya lamang ang artistang bukod-tanging pinagkalooban ng ganoong pagpapahalaga.Flame
at Wells Fargo ang bahay aliwan na madalas puntahan ni Nora.
Madalas ma-ospital si Nora sa ABM Sison [Makati
Med]. Na ngayon]Philippiine President Lines ang madalas niyang sakyan noon. Ang
first three cars ni Nora ay nagkakahalaga ng:Opel Kedett L P 14,000.00Ford
Escort GT 1600 P 22,000.00Mercedez Benz 220 P 63,000.00. Alam n'yo bang tanging
si Nora Aunor lamang ang may pinakamaraming fans club. Ang pinakamalaking fans
club niya noon ay ang "The National Nora Aunor Funs Limited, Wider Noranians
at Guy & Pip Fans Club.Civil case # Q14657 an demanda sa kanya ng
Sampaguita. Siya pa rin ang kauna-unahang naging Pilipino na umupo bilang hurado
sa Hinolulu, Hawaii International Film Festival Nov. 1996.
Noong 1997, ang kanyang pelikulang
"Bona" na siya rin an nag-produce ay na-cited one of "The Best
100 Films in the World" sa Museum of Tolerance, Los Angeles USA.Siya pa
din ang kauna-unahang artistang Filipino ng pinarangalan sa kanyang mga
tagahanga [ GANAP] at hinadugan ng Lifsize stataue noong May 2, 1992 sa
Metropolitan Theatre. Pinarangalan siya ng Awit Awards ng " Dangal ng
Musikang Pilipino" noong June 1998 sa UP Theater.Noong 1991 ay nagkaroon
siya ng Provincial Concert Tour entitled "Mula sa Aking Puso - Guy". Ito ay ginanap sa Davao at Cabanatuan.
1992 nang magkaroon siya ng birthday concert sa
Vera-Perz Garden. Pinamagatang naman itong " You've Got a
Friend". Nagkaroon naman siya ng proyektong " {Piso para sa
Pinatubo" sa pakikipag tulungan ng Phil. Rural Reconstruction Movement
[PRRM] at the Philippines Educational Theater Asscciation [PETA] noong 1992. Ang proceed nito ay napunta sa mga biktima ng Mt. Pinatubo.Nahirang naman
siyang Star of the Night noong 1992 sa PMPC Star Awards for TV.
Inilibot ang kanyang "DH" stage play
sa Europa, USA at Hongkong noong 1993.Isinilang naman ang Star Drama
Presents…..Nora noong Feb. 18, 1993 sa Channel 2. Ang kanyang ikatlong stage
play na pinamagatang "Trojan Women" ay ginanap sa Wildlife
Ampitheater noong 1994.Nagkaroon din siya nf weekly series sa Channel 7 na
pinamagatang "Modern Romance" noong 1994. Dito ay siya naman ang
narrator/host at pa-minsan minsan ay artista din.1994 din angi-release ng AMP
ang kanyang album na "Langit Pala ang Pag-Ibig".
1983 nang ilabas ni Baby K. Jimesnez ang librong
" True Story ni Guy…" Ito ay nilabas ng Book I & II na pinablish
sa Mass Media Promotions noong 1979 hanggang 1981. Sa ginanap na kasaysayan at
Pelikula [100 Years of Cinema in the Philippines] na pinalabas noong June
17-23, 1998, limang pelikula ang nasali kay Nora at ito ay ang mga sumusunod:
Banue, Minsa'y May Isang Gamu-Gamo, Atsay, Himala at Uod at Rosas, at tatlo
lamang ang kay Vilma: Pagputi ng Uwak, Relasyon at Sister Stella L.
Ito ang pagpapatunay lamang na napakagaling na
artista ni Nora at ang kanyang mga pelikula ay matatawag na na Obra
Maestra. Alam n'yo bang nasa page 215 si Nora sa libro ng Art & Society ng
UP na may caption na ganito: "Nora Aunor…Much myth has been woven Nora
Aunor, the little woman from Iriga who virtually roused mass heyteria in the
70's. She has to her credit a study corpus of work in popular music, film and
television and legions of fans who see her in their dreams for a better life.
Seemingly guided by a peasant sensiblity and oftentimes
losing out to failed romances and a wearying lifestyle. Nora's destiny has been
nowhere near rosy, though. But she endured. Through the years, she has proven
her capacity as an actress abd activist, exploring roles in film, theater and
televesion which have enabled her to speak for justice on behalf of her
followers. Sa ginanap na Superwheel Show sa Luneta, inimbitahan si Norang
kumanta ng " Kapantay ay Langit", alam n'yo bang binayaran siya dito
ng P 120,000.00, making most expensive live performance ever.
Siya lamang ang tanging artista natin na
napag-ukulan nga mga composera ng igawa ng kanta in her honor…
Nora, Nora - Words & Music by: Manny de
Leon-Nora,
My Love Lyrics by Tirso Cruz III, Music By
Robert Medina
Darling, Please Come Back - Words & Music by
Tirso Cruz III
Maria Leonora Theresa - Words & Music by Tirso
Cruz III
Forsaken Doll - Words & Music by George
Canseco & Robert Medina
When Nora Comes Around Sung by Ed Finlan-Nora,
My Supertar - Words & Music by Bert
Dominic-Nora,
I Still love You - Words & Music by Victor
Laurel-Nora,
Life is You - Words & Music by Victor Laurel
Nora - Words & Music by Grandels
The Ballad of Nora & Tirso - Words & Music
by Ike Lozada
Impossible Poem by Bubay Malapitan
Noong 1999, sa pagdiriwang ng 100 taong ng
kalayaan,pumili ang CCP ng namumukod taning Pilipino sa larangan ng sining
[Music Dance, Theater Arts, Architecture, Literature, Films and Broadcast arts
at multi-disciplinary]. Isa si Nora Aunor na pinagkalooban ng " Centinnal
Award". Dito ay kahanay niya sina Juan Luna, Nicanor Abelardo, Fernado
Poe, Jr. Vic Silayan at iba pa. Apat lamang silang artistang napili at bukod
taning si Nora lamang ang babae. Ang kanyang karibal na si Vilma Santos ay
hindi man lamang nanomina.
Si Nora ang most nominated at recognized
Filipino actress sa iba-ibang International Film Festival, sa Best Actress
Category:
1980 Bona, Cannes, France Certificate of
Honor1983
Himala, Berlin, Germany Certificate of Honor1195
Flor Contemplacion Story Cairo, Egypt
Winner1996 Flor Contemplacion Story Fukoka,
Japan Nominee1997 Bakit May Kahapon Pa?
Singapore Nominee1997 Bakit May Kahapon Pa?
Winner
I watched Nora Aunor's Bakit May Kahapon Pa on PBO a few days ago. And I really marvel at her performance. I usually watch films from abroad. I dont like Filipino films like Lrivate Benjamin. Gusto ko mga sinauna like sharon cuneta, vilma santos and nora aunor. thankfully i was able to read a fanpage of her on facebook and in here. thank u very much for posting.
ReplyDelete