Sunday, September 11, 2011

BELOVED

 
By ANGELO G. GARCIA, RONALD S. LIM and IVY LISA F. MENDOZA
Manila Bulletin
Sunday, September 11, 2011
 
Manila, Philippines - I didn’t start out as a Noranian.

Just like every child who grew up in the late ‘80s, I had a very finely honed distaste for Filipino movies. My friends looked down on them as a bakya pastime and the fact that Nora Aunor, the Philippine Superstar, personified this supposedly bakya industry was enough reason for me to stay far away from local films.

That all changed when I watched “Himala” during one of its many Holy Week screenings. I fell in love with the movie and everything about it-- from its austere production values, its philosophical themes, that unforgettable cry of “Walang himala!”, and its lead actress. 

I had become a fan.

From my mother -- a fellow Noranian -- I would hear stories about the up and downs of her life and the many human contradictions that have made her such a fascinating and frustrating icon to love and admire.

Meeting her now has only brought these many contradictions to sharper relief.

For instance, Nora Aunor does not cut the striking figure that you would expect from one who is loved and adored as the country’s one and only Superstar. Aside from her well-documented diminutive stature, the Nora Aunor that I encountered for this interview is as quiet and timid as she was in the stories about her.

And yet, ask her about what went through behind the many films and recordings under her belt and she opens up and jokes around, even admitting how she used to be exploited in the early days of her career and how she just followed orders because that once inexperienced, naive girl from Iriga who just wanted to sing didn’t know any better. 

The very same woman who was the first Filipino to win an international acting award in a major film festival – a best actress nod at the Cairo Film Festival for “The Flor Contemplation story” – is also the first to admit to the nerves she feels working with today’s young actors, going so far as to say that she wonders what else she can do to match them!
 
“Magagaling ang mga batang artista ngayon. Pinapanood ko sila at sinasabi ko sa sarili ko, ‘Ano kayang gagawin ko dito, ang gagaling ng mga bata!’ Ako pa ang nininiyerbiyos!” she exclaims. 

In as much as she knows she has brought joy to countless Noranians through her long, colorful career, she concedes that she has also disappointed them. Yet, as much as she treats her fans like family, she is equally wary of the fickleness of their affection.
 
There is also the paradox of her continued popularity even in the face of rumors that would have normally sunk the career of an artista. Her star is unflagging, if the crowds of movie press and fans that welcomed her at the Ninoy Aquino International Airport is any indication.
But really, what has kept her so dear in the hearts of her fans despite these many imperfections?

Even Nora doesn’t have the answer. 

“Nung nasa States ako, natakot din ako kung babalik ba ako kasi hindi naman nila ako nakikita,” she shares. “Dapat ngayon, hindi na ganito ang nagiging reaksyon ng mga tao pero nandiyan pa din sila.’’

Perhaps it is because whatever contradictions exist between her public life and her private one, it is her work that speaks the loudest, the clearest, and the most convincingly.
Her achievements in the music industry – where she was first discovered – are legendary. She has released more than 260 singles and recorded more than 500 songs, over more than 40 albums. She has notched more than 30 gold singles. With estimated sales of one million units, her 1971 cover of “Pearly Shells” is one of the biggest-selling singles in the Philippines.
 
The acting nomination she received from the Berlin Film Festival for her portrayal of miracle worker Elsa in 1983’s “Himala” made her the first and only Filipino actor to receive an acting nomination from a top-tier international film festival. She is the only actress included in the prestigious Centennial Honor for the Arts given by the Cultural Center of the Philippines.
  
She is the youngest recipient of the Lifetime Achievement Award given by the Film Academy of the Philippines and has been twice named Actress of the Decade by the Urian. She is the only actress of her generation to have been directed by four Philippine National Artist Awardees, Gerardo de Leon, Lamberto Avellana, Lino Brocka, and Ishmael Bernal.
Even now, after returning from an almost decade-long hiatus in the United States, Nora still thirsts to perform. Aside from filming “El Presidente” with director Tikoy Aguiluz, she is also working with Mario O’ Hara on TV5’s mini series “Sa Ngalan ng Ina”, wherein she plays an incumbent governor trying to earn her province’s trust as well as her family’s love.
 
And yet here I am, wanting to know more about her.

In this 60 Minutes interview, Nora Aunor talks candidly about her colorful life and career; her proudest moments and regrets, if any; her desire to keep on working – not for the money but because of her own love for her craft; and her humble, even perplexed reflection, on why despite her absence, Filipinos continue to shower her with so much love and affection. (Ronald S. Lim)

STUDENTS AND CAMPUSES BULLETIN (SCB): You’re back at work after so many years. Have you gotten your groove back?

NORA AUNOR (NA): Nung una medyo nanibago ako. Kasi sa seven years na hindi ako nakaharap sa camera, para bang nag-uumpisa ako ulit ngayon. Ninenerbiyos ako talaga. Nakakakaba rin ang expectation ng tao, lalo na pagkatapos akong bigyan ng parangal sa Amerika. Parang ingat na ingat ako magkamali sa mga character na pino-portray ko. Minsan, kapag ingat na ingat ka, parang hindi maganda. Pero sa simula lang lahat, ngayon wala na.

SCB: Sa laki ng expectations sa iyo, ano ang nagkumbinsi sa iyo na tanggapin ang mga projects na ito?
 
NA: Balak kong bumalik talaga noon pa para dalawin ang kapatid kong si Buboy. Kaya lang hindi nga natuloy at nabalita ‘to. Kaya may tumawag sa akin at sinabi na may inaayos silang proyekto with TV5 at ER (Ejercito). Nung dumating ako, hindi ko inaasahan ‘yung kanilang ‘pag salubong sa akin kaya nagulat  din ako.
 
SCB: Sa tingin mo ito ang tamang panahon na umuwi ka sa sarili mong bansa pagkatapos ng halos isang dekadang pagkawala sa industriya?

NA: Oo, kasi marami na akong beses nag-attempt bumalik pero hindi natutuloy. Maraming nangyayari. Minsan wala akong pera. Or isang buwan, meron akong pera, magpaplano akong bumalik, tapos mauubos 'yung pera, hindi ako makakauwi. Kung para sa iyo, ibibigay talaga. Nararapat lang ibigay sa iyo.
 
SCB: Pero hindi mo ba ngayon kino-consider na tumigil na lang dito sa Pilipinas? 

NA: Kasi may green card din ako. 'Yun ang hinintay ko kaya ako nagtagal. Ayoko namang mawala, sayang din naman. Two years na lang, puwede na akong maging citizen.

“Bona”

SCB: Iniisip mo ba kung bakit mahal na mahal ka pa din ng mga tao?

NA: Nung nasa States ako, natakot din ako kung babalik ba ako. Kasi hindi ko nga alam kung magwawalis o maglalaba na lang ba ako, kasi siyempre mga kabataan na ngayon ‘yung mga namamayani. Hindi naman nila ako nakikita kasi.  Tinatanong ko din ang sarili ko kung bakit hanggang ngayon, ganun pa rin. Dapat ngayon, hindi na ganito ang nagiging reaksyon ng mga tao pero pati press, at ibang producers, ganun pa din. Siguro lang nasabik rin ang mga tao sa
akin kasi unang-una, ang dami ring balita sa akin na hindi maganda nung nasa States ako. ‘Yung mga curious na tao siguro sinasabi nila, tignan nga natin kung ano itsura niyan. Pero namayani na lang talaga ‘yung mga nagmamahal sa akin, lalo na ang suporta ng TV5. ‘Yung pinakita nila sa akin, ngayon lang ako nakaranas ng ganyang pag-aasikaso. Sila lang ‘yung nagtiwala sa akin kahit na ang daming balita. TV5 ang nagsugal kaya ang laki ng pasasalamat ko kasi binigyan nila ako ng importansya.

SCB: Pero tinatanong mo ba minsan ang sarili mo kung deserve mo itong pagmamahal na binibigay sa’yo ng tao?

NA: Nagtatanong din ako niyan kung bakit ganun (laughs)! Pero meron ring sagot sa kaisipan ko. Siguro sa pagmamahal na binabalik ko rin sa kanila, lalo na sa mga fans. Kasi nararamdaman nila ‘yun, kadalasan hindi ko naman tinuturing na fans sila eh, pamilya. Nung araw nung maliit pa ako, ay sabagay maliit pa rin naman ako (chuckles), nasa probinsiya ako, nanonood din ako ng mga pelikula. ‘Pag may bata akong napapanood sa pelikula, sinasabi
ko na sana ako na kinakarga ng bida, ‘yung ganun. 
Nung araw, fan ako ni Amalia Fuentes at Susan Roces. Meron akong mga albums, ‘yung isa nandun lahat ng litrato ng mga artista, ‘yung isang album naman para kay Amalia lang.  Kaya lang nung makita ko si Amalia, firsttime nakita ko siya, ang supla-suplada...(laughs)
 
SCB: (Laughs)

NA: Talaga, kaya umayaw ako sa kanya. Kasi hahalik lang naman ako sa kanya, hindi ko maabot-abot ang bituin. Sabi ko, ayoko na sa kanya, magsu-Susan na lang ako. Nung nakasama ko si Susan, talagang ang bait bait. Kay Susan pa rin ako hanggang ngayon, totoo ‘yun (smiles).

SCB: Kaya alam mo kung ano ang pakiramdam ng isang fan…

NA: Alam ko kung papaano sila kausapin kasi galing ako doon. Iba ang pagmamahal na ipinakita nila sa akin. May naalala ako, dati every time may birthday or anniversary ng mga fans, pumupunta ako. Nag aambag-ambag sila para makabili ng pagkain para sa akin at sa mga inimbitang artista. Hindi sila kakain hangga’t hindi kami nakakakain lahat. Minsan pauwi na kami, madaling araw na, napadaan ako sa isang tindahan.  Nakita ko ‘yung isang matanda at apo niya na alam kong galing sa party kasi naka unipormeng berde. Bumibili sila ng softdrinks at naghati sila sa kapirasong tinapay. Ganung oras, hindi pa sila kumakain pero galing sa party. Alam mo halos mangiyak-iyak ako… ‘Yung isang fan na namatay, si Mandy Diaz, binagyo ang bahay niya. Pero hinayaan niya lahat ng gamit niya, at ‘yung album na ginawa niya na puro litrato ko ang sinalba niya. Mula nung namatay si Mandy, sabi ko, siguro isa sa mga gusto kong proyekto na gagawin para sa mga fans lalo na ‘yung mga walang pamilya, ‘yung kukuha ako ng isang lote para lagakan ng mga namayapa ng fans. Sabi ko pa nga, malay mo kapag nawala na ako kasama rin nila ako dun (laughs). Ganun talaga ang gagawin ko, magkakasama pa rin kami. Ganun ko kamahal ang mga fans, alam nila ‘yun. 

SCB: Hindi ba naging disadvantage ‘yung pagiging close mo sa fans?

NA: Kasi mula nung nag-uumpisa pa lang ako, talagang open na ako, wala naman akong dapat itago. Nung araw nga tinanong ako “Sino ba first love mo?” Eh di sinabi ko ang totoo, “Si Pip!” Tapos na headline na.  Kapag may nakita akong fan na hindi maganda ang ginawa, kinakausap ko talaga at tinatanggap nila. Kapag sila naman ang may nakitang mali sa akin, kinakausap rin nila ako. Personal na ang relationship namin ng mga fans.
 
SCB: Pero may mga batang Noranians na binubuo ngayon, kahit na walang personal relationship sa iyo… 

NA: Kaya ngayon hindi mo akalain na may mga fans na nabubuo, katulad nung Young Dynamics. Araw araw, ‘yung si Richard (head of Young Dynamics) may bagong album na ginagawa (laughs). 

SCB: To think na hindi ka naman nila talagang nasundan.

NA: Oo, pero nakikita daw nila sa You-Tube. Nang marinig nila ‘yung boses ko yata sa YouTube, ‘yun na, hindi na nila napigilan.
 
SCB: Ano difference nung mga fans noon at itong new fans?

NA: Ay, napakalaki ng diperensiya. ‘Yung mga fans nung araw, makikita mo hanggang ngayon, kung minsan hindi mo nababati, hindi mo nangitian pero makikita mo pa rin na andiyan pa rin sila. ‘Yung loyalty ng mga fans nung araw, makikita mo talaga. Ngayon, may loyal fans pa din siguro, pero karamihan ngayon, hindi mo lang nabati, lilipat na sa ibang artista. Meron nga ako isang fan 103 years old at gusto akong makita, hindi ko pa nadadalaw pero dadalawin ko. ‘Yung ganun, pumuti na ang buhok, may mga namatay na nga, meron nang naka wheelchair.

SCB: Ibang klase ba talaga ang Filipino fan?

NA: Sa US, kapag nakakakita ng artista, sasabihin lang “Hi, Ate Guy’’ tapos nagpapakuha ng litrato. Tapos na. Dito ibang klase talaga.

SCB: May kuwento dati na noon bata kayo, binibisita ka ng mga fans para panoorin kayong matulog?

NA: Totoo ‘yun! Sa Better Living kami nakatira noon. Kapag Saturday at Sunday, excursion 'yan ng mga fans. Pagbaba mo, pagbukas mo ng kuwarto, wala ka talagang madadaanan. Sala, dining, lahat ‘yan, puro fans! Minsan, galing akong shooting, pagod na pagod ako, eh gusto akong makita ng mga fans. Ang ginawa na lang, sinabihan ako na magtulug-tulugan ka na lang diyan, paakyatin namin isa-isa. So ginawa, palalapitin sa akin ‘yung isa, tapos sisigaw ng “Next!” Eh gising ako di ba, nararamdaman ko, ‘yung isang fan, ipinapahid sa akin ‘yung panyo! (acts it out) “Next!” Ganun talaga! Nakakatuwa, walang biro ‘yun (laughs)! May umaakyat pa ng gate! Tatanungin namin, “Bakit kayo nandito?” “Umakyat po kami sa bakod!” Ganun sila magmahal. 

“Dalawang Mukha ng Tagumpay”

SCB: Mas kilala ka sa dramatic roles. Pero may plano ka bang kumuha ulit ng comedic roles?

NA: Marami lang kasing nakakilala sa akin bilang dramatista, pero sa totoo lang, hindi. Talagang komedyante talaga ako sa totoong buhay. ‘Yung “Hototay’’ (laughs) comedy siya! Pagkatapos nito, ‘yan na ang I sho shoot namin.

SCB: Ano sa tingin mo ang role na nag-define sa inyo?  Ang unang iniisip ng tao ay “Himala”.

NA: Una kasing nanalo sa international ang “Himala”. Pero “Tatlong Taong Walang Diyos” talaga at “Ina ka ng Anak Mo”. Marami. Marami akong ginawa na gusto ko. May mga eksena akong ginawa sa “Flor Contemplacion” na gustong-gusto ko. At “Bona”. Sayang nga 'yung “Bona”, naubusan lang ako ng pera, dapat para sa festival 'yun sa Cannes. Eh nung kailangan na gawin 'yung subtitles, wala na akong pera. Pinalabas na lang sa Director's Forthnight. Pero at least, nabili ‘yung right nung pelikula.

SCB: Ano ang pinakamahirap na role na ginampanan mo?

NA: “Tatlong Taong Walang Diyos”, kasi doon pa lang ako nag-eksperimento mag-acting. Nagsimula rin siguro sa “Minsan Isang Gamu-Gamo”. Pero doon sa “Tatlong Taong Walang Diyos”, kami nila Bembol (Roco) at Boyet (de Leon).  Meron isang scene doon, nakaluhod ako tapos sinasabi ko, “Sinungaling, sinungaling!” Nagkataon, nasira sa lab 'yung scene, so kailangan kong ulitin 'yung scene na 'yun. Sabi ko kay Boyet, “Papa, hindi ko na mauulit 'yung scene na 'yun talaga, walang biro.” Sabi niya, “Hindi, kaya mo 'yun, ulitin mo 'yung eksena.” Tapos buong araw, hindi ako kinausap ni Boyet. Iniisip ko, “Bakit galit sa akin si Papa Boyet? Hindi ako binabati?” Talagang inaway ako talaga.  Nung mag-take kami, nakuha ko ulit, kung ano 'yung ginawa ko. Nanonood pala si Boyet, sabi niya, “Yehey, sabi ko na, kaya mo eh!”

SCB: How is it like working with Mario O' Hara again after so many years?

NA: Kapag 'yan ang direktor ko, alam na niya. Wala nang ensayo. Alam na niya kung anong anggulo. Alam niya kung tama 'yung gagawin ko. Kapag hindi, sasabihin niya sa akin, lalapitan ako, “Hindi ikaw 'yan kasi hindi smooth. Reshoot natin 'yan.” Alam na alam na niya ako. Paborito ko ring katrabaho si Jon Red.

“Muling Umawit Ang Puso”

SCB: Nasusubaybayan mo ba ‘yung local showbusiness nung nasa States kayo?

NA: Hindi. Kasi alam mo wala akong cable.

SCB: (Laughs) Hindi nga? 

NA: Wala talaga. Nagsasabi ako ng totoo, wala kaming cable.

SCB: Sa internet?

NA: Sa computer lang pero hindi naman kasi ako masyadong nagaganun.

SCB: Anong opinyon mo tungkol sa mga batang artista?
 
NA: Magagaling ang mga batang artista ngayon tulad nila Edgar Allan (Guzman) at Alwyn Uytingco. Kaya nung una, pinapanood ko sila kapag wala akong eksena at sinasabi ko sa sarili ko, “Ano kayang gagawin ko dito, ang gagaling ng mga bata!” Ako pa ang nininiyerbiyos (laughs).

SCB: Ang mga batang artista ngayon, hinahasa sa workshop, samantalang nung panahon niyo, sabak agad sa trabaho…

NA: Sa set na talaga ako natuto. Nakakagawa nga ako ng dalawa't kalahating araw lang, may pelikula na akong natatapos. Walang uwian. Minsan nga, sa isang set, magigising na lang ako, iba na ‘yung mga taong kasama ko. ‘Yun pala, ibang pelikula na pala ginagawa ko (laughs)! Tama ba naman ‘yun! Wala akong kamuwang-muwang, iba na pala ginagawa ko (laughs)! Grabe talaga. Sabay silang sinu-shoot! Sa isang bahay! Magkaibang storya! Minsan, titingnan ko kasama ko, tatanungin ko kung bakit nandito si ganito. Tapos kinabukasan iba na naman! Nagugulat talaga ako (laughs)!

SCB: Feeling mo na exploit ka?

NA: Sobra. Sobra. Sa recording na lang, linggo-linggo na lang meron akong bago. Kahit may lagnat ako, pipilitin talaga ako. Nandun na ako sa ilalim ng piano natutulog. Nung minsan paalis kami para gawin ‘yung “Guy and Pip sa Amerika” and “My Blue Hawaii”. Kailangan kong gawin 'yung album na gagamitin doon. Ang taas-taas ng lagnat ko kaya doon na ako natutulog kasi kailangan ko siyang matapos. Kaya minsan umiiyak na lang ako mag-isa. (makes face) Hindi naman ako robot. Hindi naman ako robot, bakit ganito?

SCB: May nakita ka bang pagbabago kung paano ginagawa ang pelikula ngayon, at sa mga bagong artista na rin?

NA: Ang napapansin ko lang, maraming indie movies na tinatawag ngayon. Kung minsan nga nagiging curious ako, gusto ko mag produce ng indie movie. Sana matuloy kasi marami kang matutulungan. Kasi kapag indie movie, hindi mo kailangang kumuha ng malalaking artista, matutulungan mo sila at ‘yung mga magagaling na kabataang director. Sila ang mga walang takot gumawa ng movie, experimental. Nung araw, nag produce ako ng pelikula kahit wala akong pera. Talagang kinakausap ko ‘yung mga artista, “Wala akong pera pero gusto ko talaga gawin ‘tong pelikula na ito. Eto ‘yung “Bona”, “Tatlong Taong Walang Diyos”, “Pacita M”, “Andrea”. Kasi mas nagagawa mo ‘yung gusto mong gawin kesa sa kinuha ka ng isang producer kung saan di ka puwedeng magreklamo. 

SCB: Anong mensahe mo para sa mga batang artista?

NA: Kung ano 'yung gusto kasi nila, hindi mo mapipigilan 'yun eh. Hindi mo sila puwedeng sabihan na eto ang gusto mo para sa kanila. Magwawala din lang sila.  Sa akin, hangga't maari, ayoko sanang pumasok ang mga anak ko sa industriya, pero hindi ko rin sila napigilan eh. Ang sinasabi ko lang sa kanila, pinasukan mo 'yan, tibayan mo ang dibdib mo. Noong araw, ang gusto ko talaga ay isang artista lang sa pamilya, ako lang dahil baka hindi nila makaya ang intriga. Pero nahila din sila, kaya sinabihan ko na pinasukan niyo 'yan, hindi ko kayo pipigilin, huwag lang na pupunta ka sa akin, iiyak, at magsusumbong, Ginusto mo 'yan, huwag kayong mag-reklamo. Dapat alam niyo kung paano dalhin ang problema niyo.
 
“‘Merika”

SCB: Ano ang creative outlet mo sa Amerika kung hindi ka nakagawa ng movie?

NA: Wala. Andun lang nagmumuni-muni (smiles). Hindi ka naman makalabas, ‘pag labas mo maraming Pilipino, baka ma tsismis naman. Pero wala sa akin ‘yun, kapag maglalaba ako eh, pupunta ako sa laundromat, may nakakita sa aking mga Pinoy pero wala akong pakialam. Pero minsan dala-dala ko ‘yung maleta ko, punta ako ng laundromat, naubusan ako ng coins. Mabuti na lang may isang Pilipino at pinahiram naman ako. 

SCB: Buti hindi ka natsismis at walang nagsabing “Nora Aunor, walang pera!”

NA: (Laughs) Lagi namang ganoon ang tsismis eh. Ano pa ba ang iba doon? Dito nga, meron na naman. Bisyo na naman daw. Pero paano ako magca-casino, eto na lang ang schedule ko araw-araw. At palagi ko ngang sinasabi na nagbago na ako. Bakit ko naman gagawin? Pero 'yun pa rin ang isyu na ginagawa nila ngayon.

SCB: Pero alam mo na madami ka ring na-disappoint in the past?

NA: Marami naman talaga akong kasalanan at pagkukulang na nagawa sa industriya, at lalo na sa mga fans. Talagang aaminin ko 'yun. At kapag sinabi kong nagbago ako, gagawin ko talaga. Lahat ng makakaya ko, gagawin ko. Eto na nga, ginagawa ko na nga, meron pa ring magsasalita nang hindi maganda. Ang sabi ko nga, ipagpasa-Diyos na lang natin 'yan. Basta ako, tuloy sa trabaho, kaya ka naman pumunta dito eh para sa trabaho, para magawa mo ang pelikulang gusto mo. Hayaan mo na sila. Kung masaya sila doon, eh di ibigay natin 'yung kasiyahan nila. 

SCB: Ano 'yung biggest lesson na natutunan mo sa pagtira sa Amerika?

NA: Mag-ipon (laughs).

SCB: Hindi mo nagawa dito ‘yan dati?

NA: Buong buhay ko talaga hindi ko nagawang mag-ipon. Masyado akong galante sa mga tao noon. Minsan may lalapit sa akin, “Guy, may sakit 'yung anak ko.” 'Yung pinakahuling pera ko, ibibigay ko sa kanila para makatulong ako. Kinabukasan naman, ako naman ang maghahanap ng pera pambayad para sa mga utang ko (laughs)! Isa lang 'yun sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakapag-ipon. Naloko din ako ng mga sekretarya ko at ng mga tao ko. Minsan nga, nagpro-produce ako ng pelikula, ang laki ng kita ng pelikula ko, pero hindi ko nakikita 'yung kita ng pelikula ko. 

SCB: So sa States natuto ka nang mag-ipon?

NA: Parang ganon, pero... (makes face) (laughs)

“The Golden Voice of Nora"

SCB: What did you miss most about the Philippines?

NA: ‘Yung paggawa ng movie, lalo na ‘yung ‘pag kanta ko. Mula nung nasira ‘yung boses ko, kapag may nakita akong kumakanta, umiiyak ako. Kasi gusto kong kumanta pero hindi puwede.

SCB: Will you be able to sing again? 

NA: Oo. Magpapagamot ako. Pagbalik ko doon, pupunta ako sa Boston para mag pa-opera. Wala naman diperensiya ang vocal chords, ang may diperensiya ‘yung ‘pag close nila nung binutas nila ‘yung leeg ko, ‘yung balat dumikit dun sa buto, ‘yun ang nag tighten up. Nahihirapan ako, kahit magsalita nahihirapan din ako.

SCB: So’yun ang hihintayin ng mga fans mo?
 
NA: Kaya ‘pag balik ko dito, meron akong gagawin, concert naman (smiles).

SCB: Meron ka pa bang gustong gawin?

NA: Bold!

SCB: (Laughs)

NA: (Laughs) Joke lang! Pero alam niyo bang ako ang unang-unang nag bold?

SCB: Saan?

NA: “Banaue”! O kita niyo hindi niyo alam!

SCB: May plaster ba ‘yun?

NA: Teka (looks down to her chest).
 
SCB: (Laughs)

NA: (Laughs) Meron siyempre naman, kaya mahaba ‘yung buhok ko dun. Pero may isang eksena dun, talagang pinakita na akala mo ako, may double ako.

SCB: Pero seriously, may role ka pa bang gustong gawin?

NA: Bida-kontrabida.

SCB: Baka magalit ang fans?

NA: Maiintindihan na nila ‘yun. Hindi naman habambuhay eh, tuwing gagawa ka ng pelikula, bida ka. Kailangan mageksperimento ka. Dapat iba-ibang tema, iba-ibang paggawa ng director. For example nung pinalabas ang “Himala,’’ sabi nung iba wala naman daw akong pinag-gagawa sa pelikula kundi magdidipa. After two years, saka nila na realize na maganda pala ‘yung pelikula, saka lang nila nagustuhan. Kaya maganda rin ‘yung nag-eeksperimento ka rin. Kaya kapag may producer na inaalok ako, tinitingnan ko ‘yung script. Kahit hindi ako bayaran, lalabas at lalabas pa rin ako, basta maganda ‘yung character at kalalabasan ng pelikula.

“Happy Days Are Here Again" 

SCB: Ano ang biggest regret mo sa buhay?

NA: Wala. Kahit anong masamang nangyari sa akin, kahit anong ibato sa akin, lahat ng nangyayari, meron dahilan, at 'yun ang paniniwala ko. Hindi naman ibibigay sa iyo kung walang dahilan. Ilang taon akong nagtiis sa States, pero pagbalik ko naman dito, ganon naman ang ipinakita at ibinigay sa akin. Siyempre may mga tao pa ring naninira, pero kumbaga, natakpan 'yung mga balitang 'yun na hindi maganda. Sa puso ko naman, nasiyahan ako. 

SCB: Sa tingin mo ba, naging mabuti kang ina?

NA: (gives a look) (laughs) Alam ng mga anak ko na marami akong pagkukulang sa kanila. Pero masaya lang ako na kahit alam ng mga bata na malaki ang pagkukulang ko, naiintindihan nila. Lumaki din sila na marespeto sa kapwa. Ang hindi ko lang nagawa na ikinasama talaga ng loob ko ‘yung hindi sila nakatapos. Palagi kong sinasabi na dapat makatapos sila ng pag-aaral kasi 'yan lang ang gusto kong mangyari para sa akin. Gusto kong maging teacher, kaso nga lang, kapag may pera nanay ko, panganay muna ang mag-aaral. Ganun ang nangyari. Pag-aaral lang ang kaya kong ibigay sa mga anak ko.

SCB: Ano so palagay mo ang biggest achievement mo?

NA: Nagkaroon ako ng mga anak na mababait, sa totoo lang. Masasayang mga anak. Diyan ako natutuwa. Nung nasa Antipolo kami, ang gugulo namin. Tapos 'yung mga anak ni Lotlot, ang titisay! Sabi ko nga buti may nagmana  sa akin (laughs)! At walang tatawag na lola! Mama Guy! Hindi ko sila apo. Anak sila ng mga anak ko (laughs)! Artista na 'yung isa, si Janine, matalino 'yun, grumadweyt sa Ateneo.

SCB: Ano naman ang naging pinakamalaki mong pagkukulang?

NA: Marami ang pagkukulang ko, sa sarili ko na lang (laughs)! Bakit ganiyan ang tingin niyo? (Laughs) Pinabayaan ko ang sarili ko noon. Kung ano 'yung gusto ko, sinusunod ko. Ayon pala, kapag artista, ang una mong gawin ay nakaayos ka kapag lumalabas ka, para maganda ang tingin sa iyo ng mga tao lalo na ng mga fans na nagmamahal sa iyo. Pero hanggang ngayon naka pants, rubber shoes at t-shirt pa rin ako (laughs). Naglalagay lang ako ng makeup kapag wala akong pera para hindi halata (laughs).

SCB: Kung gagawin mo na ang huling pelikula mo, anong role ang gusto mo?

NA: Wala siguro akong huling pelikulang gagawin. Hangga't gusto nilang umarte ako, kahit ilan na lang ang nanonood, basta't gusto nila akong mapanood, gagawa at gagawa ako. Nami-miss mo rin eh. Hangga't kaya kong gawin 'yung character, gagawin ko talaga. Kung hindi nga nasira ang boses ko, hangga't gusto nilang kumanta ako, kakanta ako para sa kanila.

SCB: Masaya ka ba?

NA: Masayang-masaya ako, sa totoo lang.

SCB: On a scale of 1 to 10?

NA: 11!

-----------------------------------------------
Source: http://www.mb.com.ph/node/333829/beloved

No comments:

Post a Comment