Friday, September 16, 2011

SA NGALAN NG INA MINI SERYE




Bagong genre na tinaguriang MINI SERYE, Isa sa mga inobasyon ng TV5 sa Philippine television. Seryeng magsisimula at matatapos sa loob lamang ng isang buwan, mabilis ang mga pangyayari sa kuwento, higit na kaabang-abang.


Sa engrandeng mini seryeng ito nagbabalik-telebisyon ang legendary Superstar na si MS. NORA AUNOR. Sa pamamahala ng batikang direktor na si MARIO O'HARA, katuwang si Jon Red. Tampok ang mga dekalibreng aktor na sina Christopher De Leon, Bembol Roco, Rosanna Roces, Eugene Domingo, Ian De Leon, Nadine Samonte, Edgar Allan Guzman, at iba pa.Isang dramang politikal tungkol kay Donya Elena Deogracias (Nora Aunor), isang biyudang tinanggap ang hamon na patakbuhin ang isang lalawigan, patunayan sa mga tao ang kanyang kakayahan hanggang makamtan ang kanilang respeto, at mag-alay ng malalaking sakripisyo sa pakikipaglabang maituwid ang baluktot na sistema ng politika.


Abangan mula sa ika-3 ng Oktubre, 2011.




No comments:

Post a Comment