Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at
patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National
Artist Awards.
Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga
nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking
mga kababayan - mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga
pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National
Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa -- ay sapat-sapat
na upang maramdaman kong maski wala mang tropeo o karangalang igawad sa akin
ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko habang
buhay sa kanilang mga puso bilang isang artista ng bayan.
Para sa akin po ay mas totoo at mas masarap
ang karangalang ito dahil taos-pusong nanggagaling sa mga taong siyang dahilan
kung bakit ako nagpapakabuti bilang isang artista -- ang mga mamamayang
Pilipino. Ang pagsuportang ito ang lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin,
at ng walang kapantay na inspirasyon, upang lalo kong pagbutihin ang aking
sining, upang lalo akong sipagin sa pagbabahagi ng kung anumang talento meron
ako, at upang lalo ko pang pag-ibayuhin na maging isang mabuti at marangal na
mamamayang Pilipino.
Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng
Diyos.
______________
(I would like to thank all those who supported, and continue to
support, me through all this talk about the National Artist Awards.
I admit I have been hurt by all the developments. But the
outpouring of support that I saw and felt from our countrymen - from my
colleagues in the industry, fans and friends, priests and nuns, teachers and
members of the academe, people from media, National Artists, and common
citizens here and abroad - is more than enough for me to know that with or
without any kind of trophy or title bestowed by the powers-that-be, my
countrymen hold me dear in their hearts as an artist of the people.
For me, this is a more genuine and more fulfilling honor, because
it wholeheartedly comes from the people who precisely inspire me to work hard
as an artist - the Filipino people. Your support all the more gives me courage
and unparalleled inspiration to improve in my craft, so that I may share
whatever talent I have, and so that I may work harder to be a good and
honorable Filipino.
Thank you very much, and God bless you all.)
--------------------
InterAksyon.com
The online news portal of TV5
The online news portal of TV5
http://www.interaksyon.com/article/90169/sagot-ni-ate-guy--salamat-sa-mga-sumuporta-nasaktan-sa-isyu-ng-national-artist-awards
No comments:
Post a Comment