PRESS STATEMENT OF MS. NORA AUNOR

Gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin sa panahong ito ng usapin tungkol sa National Artist Awards.
Inaamin ko pong nasaktan ako sa mga nangyari. Pero ang dagsa ng suporta na nakita ko at naramdaman mula sa aking mga kababayan - mga katrabaho ko sa industriya, mga fans at mga kaibigan, mga pari at madre, mga guro at iba pang taga-akademya, mga taga-media, mga National Artists, mga pangkaraniwang mamamayan dito at sa ibang bansa -- ay sapat-sapat na upang maramdaman kong maski wala mang tropeo o karangalang igawad sa akin ang mga nasa kapangyarihan, iniluklok naman ako ng mga kababayan ko habang buhay sa kanilang mga puso bilang isang artista ng bayan.
Para sa akin po ay mas totoo at mas masarap ang karangalang ito dahil taos-pusong nanggagaling sa mga taong siyang dahilan kung bakit ako nagpapakabuti bilang isang artista -- ang mga mamamayang Pilipino. Ang pagsuportang ito ang lalong nagbibigay ng lakas ng loob sa akin, at ng walang kapantay na inspirasyon, upang lalo kong pagbutihin ang aking sining, upang lalo akong sipagin sa pagbabahagi ng kung anumang talento meron ako, at upang lalo ko pang pag-ibayuhin na maging isang mabuti at marangal na mamamayang Pilipino.
Maraming salamat po at pagpalain po kayo ng Diyos.
______________
(I would like to thank all those who supported, and continue to support, me through all this talk about the National Artist Awards.
I admit I have been hurt by all the developments. But the outpouring of support that I saw and felt from our countrymen - from my colleagues in the industry, fans and friends, priests and nuns, teachers and members of the academe, people from media, National Artists, and common citizens here and abroad - is more than enough for me to know that with or without any kind of trophy or title bestowed by the powers-that-be, my countrymen hold me dear in their hearts as an artist of the people.
For me, this is a more genuine and more fulfilling honor, because it wholeheartedly comes from the people who precisely inspire me to work hard as an artist - the Filipino people. Your support all the more gives me courage and unparalleled inspiration to improve in my craft, so that I may share whatever talent I have, and so that I may work harder to be a good and honorable Filipino.
Thank you very much, and God bless you all.)
--------------------
InterAksyon.com
The online news portal of TV5
http://www.interaksyon.com/article/90169/sagot-ni-ate-guy--salamat-sa-mga-sumuporta-nasaktan-sa-isyu-ng-national-artist-awards

No comments:

Post a Comment