Tuesday, April 9, 2013

NORANIANS VICTORY and THANKSGIVING PARTY




Muling nagkasama-sama ang mga Noaranians sa isang prestihiyosong pagtitipon upang ipagdiwang ang panalo at pagka-nominado ng nag-iisang superstar ng bansang Pilipinas na si Ms. Nora Aunor sa iba-t-ibang film festival at awards giving bodies sa iba't-ibang bansa gayundin sa Pilipinas at nagbigay ng parangal sa kanya bilang 'Best Actress' sa pelikulang 'Thy Womb'.  Ang pagtitipon na ito ay isa rin pamamaraan ng pag-aalay ng pasasalamat sa Poong Maykapal na siyang pinagmulan ng talento ni La Aunor at lakas ng mga Noranians.  Dumating sa nasabing okasyon ang mga tagahanga at kaibigan ni Ate Guy mula sa iba't-ibang Samahan tulad ng Federation of Nora Aunor, Grand Alliance of Nora Aunor Philippines [GANAP], Nora's Friends Forever [NFF -Grupo sa Facebook] at International Circle of Online Noranians [ICON] sa ilalim ng malaking payong - ang NORANIANS WORLDWIDE.  Ginanap ang masayang pagdiriwang sa Kamay Kainan, Kalayaan Ave., Quezon City noong ika-7 ng Abril, 2013.

2 comments:

  1. I'm happy to hear all this good news about my idol Nora Aunor.

    ReplyDelete